Ang Pang Labing Apat na Tula ko Para Sayo

41 0 0
                                    

Bakit hindi pwedeng maging tayo?
Yan ang gumugulo sa isipan ko
Tayo'y ipinagtagpo
Pero bakit pilit pinaglalayo?

Si tadhana'y tila mapaglaro
Kaya't eto, ako'y nabigo.
Akala ko ay nakalaan ako para sayo
Pero hindi pala ako ang nararapat para sa isang tulad mo.

Ano ba ang dapat gawin ko?
Lalaban o susuko?
Yan ang mga tanong sa sarili ko
Na dapat nang sagutin mo.

Gusto kong malaman ang dahilan mo
Kung bakit tayo humantong sa ganito...
Masaya naman tayo
Pero bakit ako'y iniwan mo?

Sabi ko sa sarili ko
Na lalaya nako.. Lalaya nako
Mula sa sa sakit na pinaramdam mo.
Handa nakong tanggapin ito.

Handa nakong kalimutan ang isang gaya mo
Handa nakong patawarin ka sa lahat ng nagawa mo
Handa nakong harapin ang bagong yugto,
Pero sa bagong yugto na aking haharapin ay handa nakong umibig, pero hindi na sa isang tulad mo na sinaktan lang ako.

Handa nakong umibig sa isang tao
Na handang ibigin ako ng buong puso
Handang ilaan ang oras niya sa isang tulad ko
Kahit gaano kahirap ang sitwasyon ay handang magsakripisyo.

Hihintayin ko gaano man katagal ito
Darating din naman ang tamang tao
Na papasayahin ako
At mamahalin ako ng buong buo.

Marami mang pagbabago
Ay andito pa rin ako
Hindi na bilang nagmamahal sayo
Kundi bilang isang kaibigan mo
Na malalapitan at makikinig sayo.



Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon