Chapter Two

5.2K 120 1
                                    


Masyadong napagod sa byahe si
Nash kaya napahaba ang kanyang tulog.Pinagsamang pagod at stress.,nagising siya dahil sa gutom.

Nagsuot lang siya ng oversized polo at lumabas ng kwarto na kanyang inuokopa. Siya naman ang nabigla ng makita si Shaun,na nakahiga sa sofa at nagsasalubong ang mga kilay. Mukhang hinihintay siya magising.

"Anong palagay mo sa sarili mo si sleeping beauty?Kailangan pa ng halik para magising?"sabi nito na masama talaga ang tingin sa kanya.

"Kaya ba ako nagising kasi, you kissed me?"tanong niya dito na nakataas ang mga kilay.

"You wish!"sarkastikong sagot ng binata.

Nilagpasan na lang niya ang lalaki at nagtuloy sa personal ref. Baka mawalan lang siya ng gana pag patulan niya ito. Napangiti siya ng makita na madaming pagkain.

And to her surprised mga Filipino food na na miss niya ang andon. Hindi na siya nag abala alamin kung sino ang nag prepare. Basta ang alam niya gutom siya.

"Tsk. Para kang isang linggo hindi kumain ah!" puna ni Shaun dito na sumunod sa kanya sa dining area. Hindi niya akalain na sa liit ng katawan nito ay malakas itong kumain.

"Kaing construction worker lang. It is good you need that. Anyway, all the food is for you, from one of your family owns restaurant. They send it for you."sabi nito at parang hindi niya gusto ang ngiti nito. Mukhang me binabalak itong hindi maganda.

Kinumpas lang ni Nash ang kamay to shoo him away.

Tumalikod na si Shaun at bumalik sa sala. Hindi pa din siya makapaniwala na ang babaeng ito ang kanyang mapapangasawa. Para itong lalake kung umasta pati kumain.

Matapos kumain,hinugasan niya ang pinagkainan.Sanay naman siya sa gawain kasi ganun ang nakasanayan niya sa America. She's independent. Lalagpasan na sana niya si Shaun ng bigla siya nitong hawakan sa braso,dahilan para mapahinto siya at ma patingin ito.

"What is it?"tanong niya na nakataas ang mga kilay.

"We need to talk!"sabi nito na hindi pa din binibitiwan ang mga braso niya.

"About what?"ganting tanong niya dito

"About us!"sagot ni Shaun

"Ok!"pagsuko ni Natasha. Hinila niya ang braso at nagpatiuna na maupo sa sofa.
Umupo sa harap niya si Shaun. Nakataas ang kilay niya?Hinihintay niyang magsalita ito.

"I want you to back out on our engagement!"sabi nito. Looking straight into her eyes.Umarko ang kilay ni Natasha.

"And why would I do that?".aniya na nakipagtitigan sa lalaki.

"Do I have to spell it out to you?".ganting tanong nito.Na mababanaag ang pagka disgusto sa kanya.

"You don't like me?.its ok I don't like you either.".kababakasan ng sama ng loob na sagot ni Natasha.

"My parents don't like me, what do I expect from other people?"dagdag pa nito na me kirot sa mga mata.

Ang mga sasabihin pa sana ni Shaun ay hindi na lumabas sa mga bigbig. Nakita niya sa hazel brown nitong mga mata ang lungkot.Kilala niya si Natasha Montecillo, not only for being rich but also for being pasaway.She's fond of extreme sports. Laman ng mga high-end bars.Ang babae na hindi pambahay siya yon! She will get what she wants and she will do everything she wants. And seeing her like this sad despite her social status is unbelievable!

"To make things clear to you, I am here not because it is my choice. At kung magpapakasal ako gusto ko sa taong mahal ako at mahal ko. But what should I do Shaun, tell me? I am about to lose my inheritance and I might as well throw in the street if I will disobey my father.?"desperadong tanong ni Natasha sa lalaki na matiim pa din nakakatitig sa kanya.

"Find another fiancée then! Not me!"sagot ni Shaun.Huli na para bawiin ang sinabi.Nakita niya ang sakit na bumalatay sa mukha nito.At parang pinipigilan pa nito pumatak ang mga luha.

Tumayo si Natasha. Walang lingon likod na pumasok ng kwarto. Masama ang loob na pumasok ng banyo.
Tumapat siya sa ilalim ng shower at kasabay ng pagpatak ng tubig ay ang pagtulo ng mga luha.

Para makalimot nagpunta si Natasha sa isang sikat na tambayan.Kailangan niyang gawin ang nakasanayan, para mawala ang sama ng loob at stress.

Nakipag pustahan siya tulad ng nakaugalian niya.Pero sadya yatang hindi kanya ang araw na ito! She lost in a billiard game na paborito niyang sports.

Malakas niyang binagsak ang tako sa billiard table, at inihagis ang susi ng Ducati sa katunggali.

"Better luck next time, Nash."sabi nito na malaki ang ngisi.Si Dylan Miranda,tulad niya isa din itong anak ng mayaman na angkan.Me ari din ito ng mga sosyal at high-end bars.

"I'm expecting you in Cloud 7 bar, Nash"sabi nito na inakbayan pa ito at inabutan ng beer in can.

"Ok expect me there, I have word of honor".balewalang sabi niya at uminom ng beer.

Im yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon