Hindi maigalaw ni Natasha ang katawan. Parang me nakadagan at nakaipit sa mga binti niya.Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata. Si Shaun nakayakap sa kanya at nakadantay sa binti niya ang mga binti nito.
Muling pumikit si Natasha at inalala ang nangyari.
Galing siya ng Laguna at naabutan siya ng ulan pagbalik niya.Hindi niya alam kung paano siya nakauwi ng buhay at ligtas. Pati ang bataan niya ligtas.Sa malabong alaala alam niya si Shaun ang nag palit sa kanya ng damit.
Agad niya naisip ang kasintahan ng lalaki.
"She's lucky to have you".mahina niyang bulong sa sarili.Mataman niyang pinagmasdan ang gwapo nitong mukha. Masarap gumising kapag ganito ang sasalubong sayo. It's a literally good morning!
Nagmulat ng mata si Shaun. Huling huli siya na pinagmamasdan niya ito habang natutulog.
"Love what you see?".nakangiti nitong sabi.
Matipid na ngumiti si Natasha.
"Good morning Shaun. Thank you for taking care of me"sabi niya dito.
"Ok ka na ba? Me masakit ba sayo?" Ani Shaun at dinama ang kanyang noo.
Umiling siya at tumayo na ng kama.Naiilang siya na nakita na nito ang kanyang kabuuan.
"Hey, dito ka lang. I will make breakfast for us."sabi nito at muling hinila siya pahiga ng kama.
"Ok na ako!"sabi niya dito na nagpipilit pa din tumayo.
"Huwag matigas ang ulo ok?". Wala siyang nagawa kundi sundin ito.
Tumayo ito sa kama.Napalunok ng laway si Natasha. Hay,.bakit para itong anghel sa kagwapuhan?.
Asan ang hustisya?Bakit ang sexy niya ang gwapo niya?. Namumula ang kanyang mga mukha sa nakikita niyang Abs nito at malapad na dibdib.Proud na proud ang loko rumampa sa harapan nya.Natatawa naman si Shaun.
"Anong breakfast gusto mo?".nakangiti nitong tanong."Anything ".sagot niya dito na nakatingin sa katawan nito.
"Pandesal gusto mo?".tanong nito "hotdog and egg?".sabi nito na may pilyong ngiti sa mga labi.
Napalunok laway si Natasha. Ibang hotdog at itlog at pandesal ang nasa utak niya.Nakakalaki ng tiyan na mag last ng 9 months. Hahaha
"Hah?.kahit ano."painosente niyang sabi.
Nangingiti na lumabas na ng kwarto si, Shaun.
"Why you ran away yesterday?"tanong ni Shaun habang pinag sasaluhan nila ang breakfast na niluto nito. Bacon and egg and fried rice with hot coffee too perfect for her. Idagdag pa ang presensya ng kanyang kaharapan na tingin pa lang ulam na."Last time my dad showed up like that, I was sent to New York that was two years ago. So,wala ba iniwan plane ticket sayo?" .nakangiti niyang sabi pinagagaan ang loob.
"Wala naman! I got the report from your bodyguard,tinakasan mo din sila. I'm glad you came home safe. Don't to that again ok?".sabi nito na parang bata siyang sinasabihan.
"Hindi ba dapat magiging masaya ka if something bad happens to me? Makakawala ka na sa kasunduan.Mapapakasalan mo ang gusto mo maging asawa." Sagot niya dito na hindi tumitingin.
Napabuntong hininga si Shaun.
"I'm not that bad Natasha. Hindi yan ang naiisip ko." Ani Shaun na napa tiim bagang."And then what is it?.".tanong niya na sinalubong ang mga titig nito.
"Pinili man kita o hindi,ikaw pa din ang magiging asawa ako. At tanggap ko na yon, sana ganun ka din. And behave like a responsible woman.".sabi ni Shaun.
"Finish your food, at magpahinga ka ulit. Ayaw kong sabihin ng magulang mo pinababayaan kita." Sabi nito sa kanya bago iwan siya sa mesa.
Matapos kumain pumasok siya sa kanyang kwarto at muling nag pahinga.
Masama pa din ang pakiramdam niya,hindi niya alam kung dahil naulanan siya o dahil sa hangover.Hindi niya namalayan na nakatulog na siya. Nagising lang siya dahil nakaramdam siya ng gutom. Lumabas siya ng kwarto.
Naabutan niya si Shaun nag prepare ng mesa. Lumingon ito ng maramdaman presensya niya.
"You're awake. Gutom ka na? Tamang tama I'm about to finish!"sabi nito.
"Maupo ka na."utos nito na agad naman siyang sumunod.Pinanood lang niya ang ginagawa nito.
Mukhang sanay itong gumawa sa kusina.
"Here!"sabi nito at inilagay sa mesa ang sinigang na baboy.
"When you first came here madami kang kinain dahil sa ganitong ulam"sabi nito bilang pag alala ng unang dating niya dito.
"Salamat!"sabi niya. Mas gusto niya ang pork adobo pero dahil nag effort ito mukhang mapapadami nga ang kain niya.
"You like it? Tama lang ba sa panlasa mo?"tanong nito.
"Masarap. I like it!"sinsero niyang sabi.
"Well, coming from you na anak ng me ari ng kilalang Filipino restaurant sa bansa. I'm flattered!"naka ngiti nitong sabi.
Matipid lang siyang ngumiti dito. Ang kanyang ina ang nagmana ng restaurant business ng pamilya nito. Arranged marriage din ito sa kaniyang ama na nasa pulitika ang angkan.
And her being the only daughter wala man lang siya sinunod kahit isa sa kaniyang magulang.
Hindi siya pwede sa pulitika dahil sa hindi niya magandang image. Ganun din sa restaurant business kasi mas gusto niyang maging doctor.
She doesn't know if she deserves Shaun.
BINABASA MO ANG
Im yours
RomanceNatasha Montecillo, a senator's daughter. Spoiled brat,ang libangan makipag pustahan at magpasaway. What she wants she gets. Yon ang akala niya ng itakda siyang ipakasal hindi niya mabilang kung ilang beses siya nitong tinanggihan. Sa pagkakataon n...