Nagmulat ng mata si Shaun ng maramdaman ang mabagal na paghinga ng dalaga, tanda na tulog na ito. Pinagmasdan niya ito. Maamo ang mukha nito,pinaglandas niya ang thumb finger sa makinis nitong pisngi, proportion sa maliit nitong mukha ang ilong nito at manipis at mapulang labi.Pano ba niya malilimutan ang pilyang babae na bigla na lang humalik sa kanya two years ago?
Natatakot siyang abutin ito kasi akala niya mahirap itong hawakan at baka mawala lang din ito sa kanya. Pero binago nito ang kanyang pagtingin.Sa kabila pala ng happy go lucky attitude nito ay nakatago ang malungkot nitong pagkatao. Gusto lang ng normal na buhay?.
Paano ba sila magkakaron ng normal na buhay?
Mas kinabig pa niya ang dalaga na mahimbing na natutulog.Minsan na isip niya noon kung darating sa buhay niya ang ganito. Makatabi itong makatulog. Kung paano na masarap sa pakiramdam ang mahagkan ito may ibayo ding kaligayahan ang makatabi itong makatulog at mayakap nang mahigpit.
Nagising si Natasha sa amoy ng mabangong kape.
"Good morning".bati sa kanya ni Shaun. Gwapong gwapo sa suot na puting pangtaas at khaki short. Mukhang katatapos lang maligo.
"Good morning " at ngumiti siya dito.
Biglang siyang namula ng maalala ang intimate moment nila. Sa unang pagkakataon,ito ang unang humalik sa kanya.
"Join me for breakfast.".yakag nito sa kanya na kanyang pinaunlakan. Nasa harap na siya ng mesa ng maalala si Tia.
"Can I borrow your phone, I need to make a call. Nasa cottage ko gamit ko.".sabi niya na inabot naman nito ang iPhone 7 na cellphone.
"Hello, Tia! How are you? Where are you?".sunod sunod na tanong niya sa kaibigan.
"I am not ok Nash! I am on my way to the airport ." Sabi nito sa kabilang linya.
"Airport? You're going where?".nagtatakang tanong niya.
"I need some time to think things over. Gusto ko muna lumayo Nash.".sabi niya dito na kahit di niya nakikita alam niya umiiyak ito.
"Ok, I understand. Take care. Keep in touch okay? " she sighs at ibinababa na ang tawag. Lately, napapansin niya na parang me mabigat na problema ang kaibigan.
"I feel sad for her".sabi niya habang humihigop ng kape.
"I didn't know you have this side".ani Shaun habang nakatingin sa kanya.
Tumingin siya dito."What side?".
"You care about other people,akala ko sarili mo lang iniisip mo.".sabi nito na nakapag pangiti sa kanya.
"Wala akong pakialam kung ano iisipin ng iba sa akin,tulad ng sabi ko sayo kagabi. I am not that bad.".
"Yeah, I guess so".habang mataman nakatingin sa kanya.
"You like me na?".nanunudyo niya sabi.
Ngumiti si Shaun at naiiling na ipinagpatuloy ang pagkain.
"Finish your food para makapag swimming tayo bago tayo bumalik sa manila mamayang hapon.".utos nito sa kanya. Na halatang iniiba ang usapan.
"We will spend time together?".sabi ni Natasha na halata ang excitement.
"Yeah, why not?".natatawang sagot ni Shaun.
"Are you a good swimmer?".tanong niya.
"Yes, why? don't tell me makikipagpustahan ka sa akin?" nakataas ang kilay na sabi ni Shaun
"Bakit mo alam?" Nakatawa na niyang sabi
"Hindi ba natatapos ang araw mo na hindi ka nakikipag pustahan?" amused nitong tanong.
"Am,hindi!" biro niyang sagot.
"Tsk,tapusin mo na yan!".muling utos niyo. Halatang nawalan ng gana.
"Conservative ka pala".sabi ni Shaun sa dalaga ng magpalit ito ng pampaligo na isang black one-piece swimsuit ang suot. Karamihan halos ng babae na nasa beach ay wala na halos natatakpan.
"Hindi mo gusto?"alanganin na tanong ni Natasha.
"On the contrary, I like it,".sabi nito at inakbayan siya palabas ng cottage.
They enjoyed the beach. Nagpakasaya sila at nagsawa sa dagat.
Tulad ng napagkasunduan tumulak na sila paluwas ng manila.
Isang damping halik sa labi ang nagpagising sa dalaga.
"Where home".sabi nito na me kakaibang kislap sa mga mata.
Nahihiyang ngumiti si Natasha sa lalaki at umibis na ng sasakyan. Nagulat siya ng makita ang men in black ng kanyang ama,mga bodyguard nito.
Sa halip na pumasok agad siyang pumunta sa kanyang ducati. Natubos na niya ito.Kagabi ang huli niyang performance.
Naguguluhan na hinabol siya ni Shaun.
"Hey, what's wrong?".tanong niya dito.
"I need to go somewhere! I will just call you!".nagmamadali niyang sabi at pinaharurot na ang sasakyan.
Walang nagawa si Shaun kundi ihatid na lang ito ng tanaw.
"Sir, si ma'am Natasha po. Gusto makausap ni Sen. Montecillo ".hindi niya napansin na nakalapit na ang head security ng ama ni, Natasha.
Kaya pala umalis. Tinakasan ang ama." I am a very busy person, do something about this Shaun!" at iniabot sa kanya ang report ng insidente na ngyari kagabi sa resort.
Nasa likod siya ng magarang sasakyan ng senador. Hindi na nito nakuha tumuloy sa condo na ini occupy nila ni, Natasha.
"It's not Natasha's fault, sir".magalang niyang sabi.
"I was with her.".dugtong niya.
He can't blame Natasha to escape from his father,masyado itong dominante at malakas ang personalidad.
"I know, she might be spoiled but not a brat. Pero lahat ng galaw niya gagamitin laban sa akin. At pati siya hindi makakaligtas sa paghusga ng mga tao. Until now hindi niya matanggap na ito ang buhay niya.Bawat galaw de numero.".malungkot na sabi nito nagsalita ito bilang ama.
"Give her a chance Shaun,na magkaron ng direction ang buhay niya. Ang hindi ko maibigay na tahimik na buhay sana maibigay mo.".me bahid ng matinding kalungkutan ang tinig nito.
Hindi alam ni Shaun ang sasabihin. Nakalayo na ang sasakyan ng ama ni, Natasha, at mga bodyguard nito pero nakatayo pa din siya sa parking lot.
Pano niya maiibigay ang tahimik na buhay sa dalaga?. Kung ang buhay niya ay ginulo din ng dalaga.
Kailangan niya ng kausap. Tulad ni Natasha hindi siya tumuloy sa condo. Tinawagan niya ang mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
Im yours
RomanceNatasha Montecillo, a senator's daughter. Spoiled brat,ang libangan makipag pustahan at magpasaway. What she wants she gets. Yon ang akala niya ng itakda siyang ipakasal hindi niya mabilang kung ilang beses siya nitong tinanggihan. Sa pagkakataon n...