"Where is she?"tanong agad ni Shaun sa bodyguard ni Natasha. Wag lang sabihin nito na natakasan na naman sila ng dalaga, at sisiguruhin niya na ito na ang huli nilang pagkakataon na bantayan ang dalaga.
"Sir,andito siya sa isang isla sa Quezon!" Sagot nito sa kanyang tawag.
"And what is she doing there?"gulat niyang tanong. Ito pa ang isang nakakapikon sa dalaga hindi marunong mag paalam. Paggising niya kaninang umaga wala na ito. Naghanda pa naman siya ng pagkain para dito.
"Is that Shaun?"narinig niyang boses ng dalaga.
"Hey, baby!"ito na ang nasa kabilang linya.Muntik na siya mabilaukan sa endearment nito.
"Anong ginagawa mo diyan? Bakit hindi ka nagpaalam?"agad niyang bungad dito.
"Relax! Na miss mo naman ako agad!"sabi nito at tumawa.
"Kapag hindi ka bumalik dito ngayon din. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!"banta nito sa dalaga na tinawanan lang nito.
"Uuwi ako pero hindi ngayon. Ayaw ko ng miss mo lang ako. Dapat miss na miss. Kaya see you after two days"sabi nito at ibinaba na ang tawag.
"Fuck!" mura ni Shaun. Sinubukan niyang I dial ang numero nito pero unattended na.
"Humanda ka Natasha!"banta niya sa dalaga.
**********
"What are we doing here Shaun?" Nagtatakang niyang tanong ng huminto ang sasakyan sa isang coffee shop. Agad silang binati ng mga staff." Good morning sir".bati ng manager. Bahagya lang tumango ang binata.
Dinala siya ni Shaun sa isang dulong silid na marahil ay opisina nito.
"Here".at inihagis sa kanya ang isang uniform na katulad ng suot ng nasa labas kanina na empleyado nito
"What is this?" Hindi niya makapaniwalang sabi. Kinakabahan siya sa maaring kalagyan niya ngayun."You will start to work here from now on.".walang emosyong sabi nito. Sabi na nga ba!
"Hey, seryoso ka ba?".naiinis niyang sabi na kulang na lang magpadyak siya ng paa.
"Yes I'm dead serious, pinutol na ng father mo allowance mo. Kaya, you have to work kung gusto mo sustentuhan mga luho mo." Sabi nito sa kanya.
Naiinis pa din siya na basta na lang ito nawawala. Ngayon na mag trabaho ito hindi na nito iyon basta magagawa.
"Hah! I don't believe you!".gusto na niya maiyak.
"He gave another option,kung ayaw mo mag work.." pambibitin nito sa sasabihin.
"What is it?".tanong niya dito.
"We have to get married. My father will hand over his CEO position once I get married. By then as my wife you don't have to work just continue your studies."Hindi niya alam kung paniniwalaan ang sinabi nito.
"Yan ba ang dahilan why you agree on this arrange marriage?".nasasaktan siya.Bakit hindi na lang ang dahilan kaya siya pakakasalan ay dahil mahal na siya nito?
Hindi sumagot si Shaun. Nakikita niya na nasasaktan ang dalaga. Me tumulo na luha na agad nitong pinahid.
"Fine, do you think I can't make it?".sabi niya dito pagkaraan.
"Hindi ako pwede manipulahin kahit na sino. Ako si Natasha Montecillo, sa huli ako pa din masusunod.".
Me pait at galit sa tinig niya. Para siyang napaglalaruan."So, mas gusto mo mag work kesa magpakasal sa akin?".sabi ni Shaun na hindi makapaniwala din.
Sinimangutan lang nito si Shaun at lumabas na ng opisina niya.
"Bagay sayo".nakakaloko ang ngiti ni Shaun. Nang lumabas siya na suot na ang uniporme. Ang alam niya ito ang unang pagkakataon na mag trabaho ang dalaga.
Hindi niya ito pinansin.Inirapan lang niya ito.Mas lalo napangiti ang lalaki sa inasal nito. Mas mapapadalas yata ang pagbisita niya dito sa coffee shop.
"Abby, come here!"tawag nito sa isang empleyado niya.
"Ikaw na bahala mag orient sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin".utos nito at iniwan siya,pumasok muli ito sa opisina niya.
Madali naman nakuha ni Natasha ang routine sa coffee shop. Kukuha ng order mag se serve.
Magtanghalian na ng lumabas ng opisina si Shaun."C'mon let's have lunch ".sabi nito. At hinila na lang siya palabas ng coffee shop. Sa isang seafood restaurant siya dinala nito.
"Eat !"utos nito ng makita na hindi niya ginagalaw pagkain niya.
"Wala akong gana".sabi niya. Uminom lang siya ng fresh avocado juice na ini order nito.
"Masama pa din loob mo? ".parang wala lang na sabi nito.
Sinimangutan niya lang ito.
"Grow up Nash, hindi na pwede ngaun na layas ka na lang ng layas. At least me pinagkakaabalahan ka na ngayon kesa ubusin mo oras sa pakikipag pustahan".mababanaag ang pagka disgusto nito sa pinaggagawa niya sa buhay.
"At least sa pakikipag pustahan me chance ako manalo. Kesa dito na talo ako!".naiinis niya pa ding sagot dito. Hindi pa din siya makapaniwala na kailangan niya magtrabaho ngayon.
"Bakit talo ka pa ba na ako ang magiging asawa mo?".makikita sa mga mata ni Shaun na paghahangad ng kasagutan niya.
"Oo Shaun,hanggat hindi mo ako mahal at napipilitan ka lang na pakasalan ako. Talo ako! Talong talo.".sabi ni Natasha na nakatingin sa mga mata niya.Agad siyang tumayo at walang lingon likod na lumabas ng restaurant.
Naiwan si Shaun na natulala sa binitiwan na salita ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Im yours
RomanceNatasha Montecillo, a senator's daughter. Spoiled brat,ang libangan makipag pustahan at magpasaway. What she wants she gets. Yon ang akala niya ng itakda siyang ipakasal hindi niya mabilang kung ilang beses siya nitong tinanggihan. Sa pagkakataon n...