Nakipagtitigan si Natasha sa reflection niya sa salamin.Hindi mawala ang huling sinabi ng kasintahan. Handa na ito na mag level up ang kanilang relasyon. Malinaw sa kanya, gusto ng lalaki na magpakasal na sila!
Si Shaun pa lang ang unang lalaki na gusto niya at nagpapasaya sa kanya. Siya din ang nakakapag control sa mga hindi maganda niyang nakagawian.
Naputol ang kanyang pagmuni muni ng me kumatok na naka uniporme na katulong.
"Ma'am hinihintay na po kayo sa ibaba ni Sir Shaun."anunsyo nito. Tumayo siya sa harap ng dresser at lumabas na ng kwarto. Sa ibaba naghihintay ang lalaki at ang mommy nito.
Agad na tumayo ang mommy nito at bumeso sa kanya.
"You my! You look gorgeous. "Sabi nito at bahagya pa siya nitong inilayo upang mapagmasdan ang kanyang tindig.
Tipid siyang ngumiti. Siya ang pumili ng damit at least nabigyan naman niya ng justice ang choice nito.
"Di ba Shaun anak,bagay na bagay sa kanya?" Lumingon ito sa anak na mabigat pa din ang kaloobaan. Hindi nito alam kung pano mapapayag si Natasha na mag set na ng petsa ng kasal. Sa pagsulpot ni Bradley me pakiramdam siya na hindi maganda.
"Yes mom,"pag sang ayon nito pero dama niya ang tamlay sa boses nito.
"Let's go and have some breakfast."yaya nito.
Napa wow si Natasha ng dalahin siya nito sa gilid ng pool. Dito naka prepare ang kanilang breakfast.
"You have a very beautiful mansion tita." puri niya dito. Maganda ang location at modern house na ito. Nakaharap ito sa dagat.
"Call me mommy."sabi nito at iginiya siya na maupo sa upuan.
"Yes, mom".nahihiya niyang sabi.
Nagsimula na silang kumain ng breakfast. Hindi pa din nagsasalita si Shaun.
"When do you plan to announce your engagement mga anak? Siguro sapat na ang panahon para makilala ninyo ang isat isa" tanong nito. Tumingin siya kay Shaun na hindi naman siya tinapunan ng tingin.
"Soon mommy." Sabi niya.
Agad naman nagtaas ng tingin si Shaun. Biglang nagkaron ng ngiti ang mga labi na kanina lang ay di maipinta ang mukha.
"Yes mom, very soon.".sabi nito at hinawakan ang kamay niya.
"Good, I can't wait to have grandchildren. Alam ko ganun din parents mo. Pareho kayong only child". At masiglang kumain sila nang agahan.
Matapos silang kumain ay inilibot siya ng ginang sa buong bahay. Gusto niya ang moderno nitong bahay. But she never sees herself staying in this big mansion. Parang hindi sila magkakakitaan sa sobrang laki nito.
Bago mag lunchtime,umuwi na sila ni Shaun sa condo unit nito.
Pagpasok pa lang agad siyang niyakap nito.
"Thank you, Nash, I thought you're going to make me wait for a long time."sabi nito at masuyong hinagkan ang kanyang noo.
Natatawa na bahagya niyang hinampas ang dibdib nito. "Masyado ka na OA Shaun.".sabi niya dito.
"I never felt this way before, natatakot ako na magbago ang isip mo. Like you always do.".sabi nito his eyes is full of love.
Hinawakan niya ang mukha nito. At hinagkan niya ang mga labi nito.
"Ay sorry, po.!" Sabi ng isang tinig mula sa kusina. Si Violet. Schedule nga pala ngayon ng paglilinis at paglalaba nito. Alternate ito nagpupunta sa unit para sa gawain nito.
"It's ok!".sabi ni Natasha. At humiwalay kay Shaun.
"Ma'am meron po dumating na delivery para sa inyo.".sabi nito na kaya napahinto siya sa pagpasok sa kanyang kwarto.
"Nasaan?" Si Shaun ang sumagot para sa kanya. At bumalik na papasok na din sana sa kwarto nito.
At itinuro nito ang isang magandang bouquet na naman ng mga roses.
Dinampot agad ito ni Shaun. At binasa ang note kung sino ang sender."Bradley ".basa nito. Tama ang hinala niya.
Lumapit si Natasha dito pero bago pa niya mahawakan ang bulaklak nadala na ito ni Shaun sa bin at itinapon.
"Shaun!".hindi makapaniwala si Natasha sa ginawa nito.
"I think you're being childish.".sabi niya dito at tinalikuran na niya ito. Bago pa niya maisara ang pinto ay naiharang na nito ang katawan kaya wala siyang nagawa kundi hayaan itong makapasok.
"Nash, im sorry. Nagseselos ako at hindi ko gusto ang pakiramdam na me isang lalaki na gusto umagaw sa iyo sa akin!".pag amin nito. Napa awang ang kanyang bibig.
"Mahal mo talaga ako?".tanong niya
"Mahal kita kahit mula ng una tayong magkita at halikan mo ko. Pinilit kitang kalimutan dahil sa reputation mo."sabi nito.
Kumunot ang kanyang noo.
"Anong reputation?"tanong niya dito.
"Lalapitan na sana kita that night pero I heard from the boys sa washroom that his going to take you to bed kasi natalo ka niya sa pustahan. Katawan mo ang ipinusta mo.Iyon ang unang pagkakataon na nasaktan mo ako.".sabi nito
"Kaya ng makita mo ako inayawan mo ako dahil don?".parang me mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib.
"Hindi! Takot lang ako na hindi ka marunong magmahal at hindi mo ako kayang mahalin. Baka paglaruan mo lang ako.".lumapit ito sa kanya. Pinahid nito ang luha na hindi niya alam ay naglandas sa kanyang mga mata.
"Shaun, mahal kita. Tulad mo una pa lang kitang makita ay gusto na kita. Ikaw lang ang nakakuha ng atensyon ko. Im not going to agree in that stupid dare if it's not you, and I am not going to agree on this arrange marriage if it was not you Shaun".mahaba niyang sabi dito.
"Totoo?" Nakangiti nitong sabi.
Tumango siya dito. Niyakap niya ito ng mahigpit. Sana mawala na ang insekyuridad nitong nararamdaman.
"I love you too Nash, kahit ano pa ang sabihin nila. Basta ngayon ako lang okay?"sabi nito at hinalikan nito ang mga labi niya.
Kumawala siya dito bago pa mapunta kung san ang mga halik nito. Ngayon masasabi niya na hindi siya nagkamali na sumubok at sumugal. Nakuha niya ang puso at pagmamahal nito.
BINABASA MO ANG
Im yours
RomanceNatasha Montecillo, a senator's daughter. Spoiled brat,ang libangan makipag pustahan at magpasaway. What she wants she gets. Yon ang akala niya ng itakda siyang ipakasal hindi niya mabilang kung ilang beses siya nitong tinanggihan. Sa pagkakataon n...