"Here!"nakangiti nitong inabot ang bag.
"Ano ito?" me luha pa din sa mata na binuksan ang bag. Nanlaki ang mata nito ng tumambad sa babae ang bundle ng pera. Sobra sobra pa ito sa dinadasal niyang halaga para mapagamot ang kanyang isang taon at kalahating taon na anak!
"Sapat na siguro yan para mapagamot mo ang anak mo?"tanong ni Nash sa babae na hindi makapaniwala.
Kanina lang hindi niya alam kung san kukuha ng pera para sa cardiac surgery ng kanyang anak. He was born with congenital heart defects na operable naman.
"Salamat!salamat!"sabi nito at yumakap ulit sa kanya. Hinimas naman ni Nash ang likod nito para mapakalma.
"Okay lang,sana maging okay na din ang lahat para sa inyo ng baby mo."
Tumango ito. Si Shaun na nasa isang gilid at nanonood lang ay hindi makapaniwala.
"Mauna na kami Abby."paalam ni Natasha.
Noon lumapit si Shaun.
"Abby, it's okay hindi mo kailangan mag report agad sa work mo. Kung kelan pwede saka ka bumalik. I work ka pa din babalikan."alanganin na sabi ni Shaun. Isa ito sa empleyado niya pero hindi man lang niya nalaman ang pinagdadaanan nito.
"Thank you, Sir, thank you Nash napakabuti mo!"dagdag pa nito na tinanguan lang ng dalaga.
" I didn't know she has a problem like that"basag ni Shaun sa katahimikan ng nakasakay na sila sa sasakyan.
"Ang mundo mo kasi umiikot lang sa mayayaman mong kaibigan at kakilala. Kaya wala kang idea kung ano ang hirap na pinagdadaanan ng mga simpleng tao."
"Bakit? Ganun ka din naman di ba?"
"No, I'm not! Sinusubukan ko ding umikot sa mundo nila, Shaun".
" But why you have to do that. Why not ask your father? Hindi yong nakipagbasagan ka pa ng mukha at nakipagbalian ng buto?"tanong nito habang tinatahak nila ang kalsada pauwi sa condo na tinutuluyan nila.
"For what?Publicity? I'd rather bet my pretty face than to be used for my father's campaign."ang laki ng disgusto nito sa tinig.
"What if you lose? What will you do?"
Nakangisi itong nagbaling ng tingin sa kanya.
"Palabasin natin na kidnap ka. You are rich anyway. Kunting ransom lang hingin ko. Pang opera lang ng baby niya and maintenance medication just in case".
"What ?! Are you crazy?"hindi ito makapaniwala sa kahindik hindik na idea nito.
Tumawa ito nang malakas.
"I hope you can see yourself, Shaun!"
"I never do crazy things before, Nash."
"Okay kung ayaw mo eh di ako na lang."
"No more crazy and dangerous thoughts Natasha!"
"Okay, nagbibiro lang!"natatawa pa din nitong sabi.
Bahagya niya itong nilingon. What she did today is amazing! She's a selfless woman hindi ang selfish na iniisip niya dati. Playful with a big heart to those who are in need.
***************"Where are you going?".nagulat na tanong ni Natasha ng makita ang lalaki on his three-piece suit.
Ano ba ito? Bakit sinambot naman nito lahat ng kagwapuhan sa mundo.? Para sa kanya ito ang pinaka gwapo sa lahat.
"Here!".inabot sa kanya ang isang cheque na halaga ng multa niya sa drag race na nag back out siya dahil dito.
Napangiti siya. Me isang salita pala ito."Cash advance ko yan,pero ang kapalit niyan I have to work in our company. We value money dapat pinagta trabahuhan ang lahat."mahabang sabi nito
Responsible talaga at matinong lalaki. Walang aayaw sa iyo Shaun. Sabi ni Natasha sa isip.
"Kaya ikaw, mag report ka sa coffee shop. Kung ayaw mo isoli kita sa inyo!".sabi ni Shaun at bahagyang lumapit sa kanya. Nawala na ang mga pasa nito na nakuha sa match na sinalihan kamakailan lang.
Nanghina ang tuhod niya ng maamoy ang mabango nitong panglalaking cologne. Hindi siya makahinga sa lapit nila sa isat isa.
Hinawakan siya nito sa baba at itinaas ang mukha.
"Naiintindihan mo?".titig na titig ito sa kanya.Wala sa loob na napatango na lang siya.
"Good".sabi nito at binitiwan na siya. lumabas na ng silid na malaki ang ngiti sa labi. Ngiti na panalo!.
"Miss Natasha !".ang tagal nyo naman bumalik. Si Abby na nakangiti sa kanya.
"Five days lang naman. Kumusta na?"sabi niya dito at ginantihan niya ito ng ngiti.
"Mabuti na po maayos na lagay nang baby ko. Salamat ng marami sa tulong ninyo." Sabi nito
"Tumawag na si sir Shaun, kami na bahala sa iyo.".sabi naman ni Benita ang manager ng coffee shop.
Tumango siya at ngumiti.
Naging maayos ang unang araw niya, supportive naman ang lahat ng staff sa kanya. Madali lang magamay ang routine dito.
Dahil sa ipinangako kay Shaun hindi na siya nakikipag compete pa sa mga underground fights o race na pawang ginagawang libangan ng mga anak ng mayayamang angkan.
Hindi din siya lumiliban sa pag pasok sa coffee shop. Naging kaibigan na din niya ang mga empleyado dito. Unang pagkakataon na nagtrabaho siya at excited siya sa pera na matatanggap niya.
Kahit madami na ang perang dumaan sa kamay niya para sa kanya espesyal ito kasi galing sa pagtatrabaho niya. At galing din ito kay Shaun.
"Kumusta na kaya ang lalaking iyon?"
Bigla niyang naisip si Shaun na mukhang naging abala nitong nakaraan na mga araw.
BINABASA MO ANG
Im yours
RomanceNatasha Montecillo, a senator's daughter. Spoiled brat,ang libangan makipag pustahan at magpasaway. What she wants she gets. Yon ang akala niya ng itakda siyang ipakasal hindi niya mabilang kung ilang beses siya nitong tinanggihan. Sa pagkakataon n...