In vain and in GREAT PAIN

569 20 6
                                    

Glaiza's POV

It's been a month ng ewan ako ni Rhian and still hanggang ngayon inaamin kong hinahanap parin siya ng aking mga mata at siya parin ang laman ng aking puso, ni minsan man ay hindi ko naisipang magalit sa kanya alam kong umalis siya para sa amin, para sa akin. Hindi ko naman siya masisisi kung iniwan niya ako, ano ba man lang naman ang makukuha niya sa isang katulad ko hindi ba? Magiging miserable lang ang buhay niya kapag pinagpatuloy pa niya ang relasyon namin. Naaalala ko pa nung araw na yun.

(Flashback)

Dahan dahan kong minulat ang aking mata dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman ko. Yan kasi may pa inom inom pang nalalaman tapos hindi naman pala kaya. Muli kong naalala ko pa ang nangyari kahapon nagkasagutan kami ni love love naku lagot ako nito kailangan ko pang humingi ng tawad sa kanya sa inasta ko kahapon. Habang naka kunot amg noo ko ay iginala ko ang aking paningin ngunit hindi ko nakita ang babaeng pinakamamahal ko sa silid.

Glaiza: Love? Rhian!. Tawag ko sa kanya ngunit para namang wala ito rito kaya naman bumangon ako kahit na masakit ang aking ulo ay tinahak ko ang daan palabas ng aking silid. Ngunit hindi ko nakita si Rhian bigla naman akong nagtaka dahil hindi naman umaalis iyon ng hindi nagpapa alam sa akin.

Glaiza: Asan ka ba Rhi? Bigla naman akong kinabahan sa aking naisip baka umalis na siya at iniwan na niya ako kaya dali dali akong tumawag sa kanya.

( The number you have dialed is either unattended or out coverage area please try your call later)

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya tinawagan ko si Chynna na papuntahin dito. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng kalabug sa pintuan dali dali akong tumayo sa pag aakala na si Rhian iyon ngunit hindi, si Chynna ang dumating.

Chynna: Tsong anong nangyari? Ang aga aga pinapunta mo ako dito oh anong amats yan? Bakit ka umiiyak asan si Rhian? Takang tanong niya sa akin habang napa upo naman ako sa sakit na nararamdaman ko.

Glaiza: B-batchi n-awawala si Rhian hindi ko siya makita. Pagsusumbong ko kay Chynna nagulat naman ito sa sinabi ko.

Chynna: Paanong nawawala eh kitang kita ko pa siya dito kahapon naka pambahay lang inaalalayan ka.

Glaiza: Hindi ko kayang mawala sa akin si Rhian tsong kailangan ko siyang makita , hahanapin ko siya tama hahanapin ko siya baka may binili lang iyon sa labas. Agad agad naman akong umalis habang si Chynna naman ay nakasunod sa akin. Para na akong nababaliw sa kakahanap sa kanya hindi ko na ininda ang gutom at pagod na nanararamdaman ko.

Nakalipas ang ilang oras ay pinigilan na ako ni Chynna sa paghahanap kay Rhian.

Chynna: Tsong mag pahinga ka muna anong oras na oh? Walong oras na tayong palakad lakad baka naman nasa bahay mo ma si Rhian. Tama baka nasa bahay na si love love ko kaya naman sumama ako kay Chynna pauwi sa condo ngunit wala, wala si Rhian kaya naman umiyak na naman ako.

Glaiza: Wala siya tsong hindi ko alam kung n-nasaan si Rhian. Love love!!! RHIAN!! RHIAN!! sigaw ko habang nag lalakad sa buong condo ko ngunit wala kahit anino ni Rhian dali dali akong pumunta at tinignan kung nasa closet pa ang mga damit mi Rhian ngunit pagka bukas ko ay wala, para naman akong sinampal sa aking naisip "INIWAN NA AKO NI RHIAN".

Chynna: Tsong hindi ko alam patawad kung alam ko lang na aalis siya sana pinigilan ko nalang yun sana dito nalang ako mag palipas ng gabi. Sabi nito habang hinahagod ang aking likod ngunit bigla nalang akong nawalang ng malay.

Still part of flashback (After 2 days)

Chynna: Doc bakit po hindi pa nagigising ang kaibigan ko? Alalang tanong no Chynna habang nakatingin sa kanyang kaibigan.

Doc: Nang dahil sa sobrang gutom at pagod kaya nag shut down ang kanyang katawan she needs some rest pero okay lang ang kaibigan mo gigising narin yan sa anumang oras.

Chynna: Salamat po doc.

Doc: Sige excuse me dahil may pasyente pa akong pupuntahan. Tumango naman si Chynna bilang sagot sa doctor ilang sandali pa ay nagmulat na ng mata si Glaiza. Agad itong bumangon ngunit natumba rin ito dahil sa hilo.

Chynna: Anak ng pating! Ano ba tsong wag ka nga munang tumayo mag pahinga ka ui! Sabay akay ni Chynna kay Glaiza pabalik sa higaan.

Glaiza: Tsong si Rhian? Dumating na ba? Ano nakita mo na ba si Rhian? Bigla namang nanlumo si Glaiza.

Chynna: Tsong hindi eh.

Glaiza: H-hanapin natin siya tara na baka nasa bahay na yun! Parang nababaliw na sabi ni Glaiza kay Chynna.

Chynna:Nang galing na ako dun kanina pero wala tsong eh. Mag pahinga ka muna kasi ang tigas ng ulo mo.

Glaiza: Tsong hindi pwedi hahanapin natin siya. Umakto namang babangon si Glaiza ngunit napa higa ito uli ng maramdaman niya ang hilo.

Chynna: Ano ba tsong! Wag ka namang ganito kailangan mong magpahinga hahanapin natin si Rhian mag pahinga ka muna. Sasabat pa sana si Glaiza ng tinignan siya ni Chynna ng malumanay.

Glaiza: S-sige basta hahanapin natin siya.

Nakaramdam naman si Chynna ng kaginhawaan sa pakikinig ni Glaiza sa kanya.

Matapos ang ilang araw ay nakalabas na si Glaiza sa hospital. Agad na hinanap nila Chynna si Rhian pumunta sila sa iba't- ibang modelling agency para mag tanong kung doon ba nagta trabaho Rhian pero wala ni isa sa kanilang pinuntahan ang nagsabing doon nagtatrabaho so Rhian.

Nang dahil sa sobrang kalungkutan na nararamdaman ni Glaiza ay uminom na naman ito hindi naman mapigil pigil ni Chynna dahil palagi itong nakikipag away kapag kinukuha ang beer na iniinom niya.

Ilang araw ay naging ganun ang buhay ni Glaiza sa umaga maghahanap kay Rhian at sa gabi ay magpapakalasing para makatulog.

Glaiza: Rhian bakit? Bakit? Ano ba ang kulang ko minahal naman kita, MINAHAL NAMAN KITA!!!!. Sigaw niya habang umiiyak at nag wawala.

Naging miserable na ang buhay ni Glaiza napapabayaan na niya ang kanyang sarili at nagiging bugnutin narin ito.

Chynna: Tsong tama na please? Maawa ka naman sa sarili mo.

Glaiza: Tama na? MAAWA? Bakit?! Na awa ba siya ng iniwan niya ako? Hindi diba? Hindi ko alam kung bakit parati nalang akong naiiwan , kung bakit ako palaging sinasaktan ng mga taong mahal ko sa buhay pinaparusahan ba ako ng panginoon? Nanghihina niyang tanong kay Chynna habang umiiyak sabay lagok sa beer.

Para namang na guilty si Chynna hindi pa niya nasasabi kay Glaiza na pupunta siya ng Amerika at doon mag tatrabaho.

Chynna: Tsong may s-sabihin pala ako sayo. Nakayukong sabi nito hindi makatingin kay Glaiza.

Glaiza: Ano? Nakita mo na ba si Rhian ha? Para namang baliw si Glaiza habang nagtatanong kay Chynna.

Chynna: Aalis na ako papuntang America. Para namang binagsakan ng langit at lupa si Glaiza sa kanyang narinig.

Glaiza: S-sige ingat ka. Baliwala ni Glaiza habang nakatitig sa beer.

Chynna: Patawad tsong. Sabay yakap niya sa kanyang kaibigan at alis.

Naiwan si Glauza ng luhaan at nag iisa.

Makalipas ang isang araw ay lasing na lasing siyang pumunta sa Manila Bay binuhos niya ang kanyang problema sa pag inom ng alak.

Glaiza: Nawala na sa akin ang lahat! Bakit!!!! Ang sakit sakit na!!!! Sigaw niya sa dagat wala siyang pakialam kahit na pinatitinginan na siya ng mga tao.

Pasuray suray siyang nag lakad sa kalsada hindi niya alam na may naka bunggo na pala sa kanya nabagok naman ang ulo ni Glaiza sa pangyayaring iyon.

Kawawa naman si Glaiza iniwan na siya ng kanyang nga mahal sa buhay.

Please vote and comment sa heartbreaking na chapter na ito may part 2 pa po ito.

Take Me With You (RASTRO STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon