Omg. Date daw! Ha ha may oras pa talaga makipagdate si Jasmine? Loka talaga tong si Al. True friend masyado. O kapit lang ah, namimiss na ng bida si Kevin! Ha ha.
---------Sabado ngayon, wala siyang pasok sa kaniyang internship, 6 months yun sa Delos Santos Hospital siya na assign, di naman masyadong pagod dahil private hospital ito at automated halos lahat ng machines. Iniisip nga niya na dapat public hospital na lang yung pinili niya para mas madami yung matutunan niya kaso nga lang ito na yung pinakamalapit sa bahay nila, paminsan minsan naihahatid pa siya ng kuya niya papuntang hospital.
Bigla niyang naisip yung sinabi ni Alyssa kagabi, date? Kung iisipin niya hindi naman talaga masama ang makipagdate, single naman siya, wala naman mawawala. Pero ayaw talaga niya! Hindi pa siya ready sa kung ano mang relasyon dahil hindi pa nagheheal yung sugat na ginawa ni Kevin. Oo, sinugatan siya ni Kevin, sa totoo lang wala siyang karapatang mag inarte eh, galos lang yang ginawa sa kanya ni Kev hindi maikukumpara sa pananakit niya sa damdamin ng binata.
Nakakatamad, kumilos at makipagdate. Nakakatamad! Mas gusto na niya sa bahay na lang, tama yun na lang sasabihin niya sa kaibigan. Or magdadahilan na lang siya na may sakit siya kahit alam niyang mabibisto agad siya nito.
Speaking of the Devil, ha ha tumatawag na nga si Alyssa sa kanya.
Hello, beks, ready ka na? Game na sa date mo? Sabi sa kanya ni Alyssa.
Hi beks, masama ang pakiramdam ko ngayon eh, hindi na lang muna siguro, next time na lang. Ipapahinga ko muna katawan ko. Sagot niya kay Alyssa.
Kilala na kita beks, wag ako, ayaw mo lang naman talaga eh. >_< May sakit ka pang nalalaman, i kennat. Ha ha. O siya di na kita pipilitin, if ever lang magbago isip mo, andito lang yung pinsan ni Anton para sayo ah ha ha. Biro ng kaibigan niya.
Shuta ka talaga no? Salamat beks sa pagintindi, bye. Jas
At binaba na niya ang telepono. Nakakaloka rin naman talaga yung kaibigan niya na yun. Natatawa na lang si Jas na humiga uli sa kanyang kama. Mukhang mas matagal sila magbobonding ngayon.
Kevin's POV
Present..
Walang araw at oras na hindi niya naisip si Jasmine, mahal parin niya ito. Hindi naman nagkulang si Jasper sa pag update sa kung ano ang ginagawa ni Jas or kung may bago tungkol dito. Wala din daw itong boyfriend, tulad niya, single parin siya hanggang ngayon sabihin na natin na nagfocus siguro siya sa pagaaral niya at isa ding dahilan na nawalan siya ng gana sa ibang babae, dahil nga si Jasmine lang talaga yung mahal niya.
Tatawagan niya si Jasper, para mangumusta uli.
Jasper, pare, kamusta siya? Kev
Pare, okay naman yung kapatid ko, intern siya sa Delo, ikaw ba kamusta ka na? Puro na lang si Jasmine pinaguusapan natin ah, magkwento ka naman ng tungkol sayo. Jasper
Okay naman ako jasper. Busy sa kakaaral, para di na mastress si Mama sa akin. Ayoko na makadagdag sa iniisip nila ni Papa. Kev
Wag naman masiyado at madali ka magsasawa niyan! Nagyayaya sila Noel maglaro this Friday, pwede ka ba? Aya sa kanya ni Jasper.
Hindi na muna pare, sa stressed kasi ngayon palagi na ako inaatake ng asthma. Pinagbawalan muna ako ng doctor na magpagod. Isa pa gusto ko lang talaga mag focus sa pag-aaral ko. Kev
BINABASA MO ANG
Dear Husband, I Hate You 1.0 [FINISHED]
Romance"Kung hindi ka pumayag sa gusto nila hindi ito mangyayari Kevin! Iniisip mo lang sarili mo, papano naman ako? Hindi kita kayang mahalin at naiisip ko pa lang na buong buhay tayo magkakasama nandidiri na ako! I hate you so much!! Yeah, i guess i neve...