Chapter 5: My little bride.

59 6 10
                                    

Ang bilis ng mga pangyayare guys! Ikakasal na sila. Omo. Omo. Ito na talaga, magkikita na talaga sila. Real na real parang dalandan na ito! Kapit lang. Ha ha.
-------

Jasmine's POV

Pagkatapos mag ayos ay bumaba naman siya kagad para harapin ang kanyang Bisita or should I say bwisita. Kahit galit siya sa lalake talagang may time pa siya pagnasaan ito. Totoo nga naman kasi, nung mga bata sila may itsura naman talaga si Kevin, lalo na yung nag binata na ito, hindi nga lang niya masiyado napapansin or baka di lang niya inaamin sa sarili niya. Pero ngayon tila mas naging mature at yummy ang katawan nito, tapos ang tangkad pa. Yawww. Ulam na. Kahit kanin na lang eh mabubusog na siya.

Bakit ganon? Saksakan lalo ng guapo tong si Kevin? Mas lalo yata tumangkad at ang katawan ang yummy! Parang tumira sa gym ng 10 taon. O_o Isip-isip ni Jas

Oh bibe, bakit parang nakakita ka ng fried chicked at naglalaway ka na? Pagbibiro ng kuya Jasper niya.

Doon lang nahimas masan si Jasmine at talaga nga naman muntik na tumulo ang laway niya. Kung hindi pa siya tinukso ng kuya niya di pa siya magigising sa katotohanan, nakakahiya hindi dapat ganito ang reaction niya dapat walang pakialam ang drama niya ngayon. Shuta!

Pinagsasabi mo diyan kuya, excuse me? Pagtataray ni Jas

He-hello Jasmine, kamusta ka? Tanong ni Kevin

Ito masaya naman ang buhay ko okay na okay ako 4 years ago hanggang kahapon, ngayon kasi hindi na ako okay eh biglang ka kasing dumating para mang gulo ayan naging masalimuot na naman ang buhay ko. Jas

Jas, watch your words. Sabi ng Mama niya

Pinandilatan muna niya si Kevin bago siya nanahimik at dumiretso sa pagkain. Tahimik lang siya habang kumakain sila. Kapansin pansin na namiss din ng buong pamilya niya si Kevin, hindi pala "din" hindi naman niya namimiss si Kevin! Parang mas gusto pa nga nila kausap ito kaysa kumain. Hindi din sila nauubusan ng pagkukwentuhan. Nagmamasid lang siya, hindi ito nagbago sa nagdaang panahon, pwera sa lalo itong gumuapo nanatili itong magalang at mabait kahit 2 taon din na nanirahan sa ibang bansa. Teka bakit hobby ko na yata pansinin yung pagmumukha nito. Nagtatama ang mata nila ni Kevin dahil hindi niya mapigilan hindi tumingin dito habang ito ay nagsasalita, at mapapatingin din si Kevin sa kanya. Eye contact mga bes, fresh yan after 4 years. Matutunaw na siya sa bawat titig nito. Rawr.

Nababaliw ka na ba Jas? Sabi niya sa sarili

Napatingin sa kanya ang lahat.

O_o

Imbis kasi na isipin niya ay nasabi niya pa ito ng malakas. Kaya narinig ng lahat! Tinamaan ka nga naman ng kulig! Baka akalain ng mga ito baliw na siya.

May problema ba anak? Pag-aalalang tanong ng Mama niya

Ah-eh wa-wala po ma >_< Wala po. Ku-kumakanta po ako. Jas

Pagkatapos nila kumain.

Anak, kailangan niyo magusap ni Kevin. Sabi ng Daddy niya

Doon muna kayo sa isang kwarto para makapagusap ng maayos. Susunod dito ang daddy niya mamayang gabi at paguusapan na natin yung araw ng kasal niyo. Segunda ng mama niya.

Wala naman siyang magagawa, wala na talaga, matatali na siya sa lalaki na di niya mahal. Sa lalaki na nanakit sa kanya noon. Sa lalaki ng malaki ang galit niya. Kay Kevin. Ayaw na niya makausap ito dahil baka kung ano lang ang masabi niya pero sumunod siya sa sinabi ng magulang at pumwesto sila sa kwarto kung saan makakapagusap sila ni Kevin ng masisinsinan.

Kailangan ba talaga natin tong gawin Kevin? Tanong ni Jas

Naging mahinahon siya kay Kevin, baka sakaling umepekto ang paawa effect niya at tumutol din sa kasal.

Dear Husband, I Hate You 1.0  [FINISHED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon