Ano yan?! Nakakainis si Keana at Rina sarap pagtitirisin! Layuan niyo fafa Kevs namin! Char. Ha ha. At welcome back sa pinas Fafa K!
----------Kevin's POV
Umaga ng sabado ay nakarating na agad si Kevin sa bahay nila, inaakala niya na andon na sa bahay ang asawa na natutulog or nag aantay sa kanya pero wala ito sa loob ng bahay pagdating niya. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Sabagay wala naman din siyang sinabi na uuwi siya ngayon biglaan kasi ang pagpapabook niya ng ticket. Malungkot siya kasi gustong-gusto na niya makita si Jasmin dahil sobrang namiss niya ito, hindi na pala niya kaya ang pitong araw na hindi kasama ang asawa, masiyado na itong matagal para sa kanya. Sa lungkot, nakaramdam tuloy ito ng pagod at antok. Mukhang madaming tulog ang babawiin niya ngayon. Tama matutulog na lang muna siya.
Jasmin's POV
O_o
Hindi siya naghahallucinate?! Nasa kwarto na talaga at natutulog ang kanyang asawa! Natutuwa siya, oo masaya siya dahil kasama na niya sa bahay si Kevin ngayon. Naranasan niya kasi ng 1 week yung pakiramdam na wala siyang kasama sa bahay at ang lungkot!! Kaya ngayon tatanggapin na niya sa kanyang buhay si Kevin, magiging mabait na siya kahit kausapin lang niya ito ng maayos at bawas bawasan niya ang kanyang pagtataray basta may mga limitations parin at dapat hindi siya nito gagalitin dahil ibang usapan na iyon. Alam naman nating lahat kahit hindi itanong na dragona ang asawa niya. Hahaha.
Busy si Jasmin sa pagluluto para sa dinner nilang mag-asawa, bilang peace offering ay magluluto siya, marami nang putahe ang naituro sa kanya ng Mama niya, madaming paalala ang sinabi din nito sa kanya nung hulimg nagpunta siya sa kanila. Ngunit may mga tanong pa siya kaya tatawagan niya ang kanyang Mama.
Hello po ma? Busy po ba kayo? Jas
Hindi naman anak bakit? Kakain kami sa labas nila kuya mo kaya hindi na ako nagluto gusto mo sumama? Kung hindi pa nakakabalik from the US ang asawa mo ay sa amin ka na muna sumabay kumain. Anyaya ng Mama niya
Nako ma, nagluluto po kasi ako ngayon ng dinner namin ni Kevin, kakauwi lang po kasi niya kanina kaya po gusto ko naman makatikim siya ng masarap- Jas na natigilan sa pagkukwento papano ba naman naligayahan siya masiyado kaya halos nakwento na niya yung nararamdaman niya sa mama niya.
Kinikilig na napatawa ang mama niya sa kabilang linya.
Anak, nako talagang buhay may asawa ka na ngayon ha, sobra akong natutuwa ganyan ang pangarap ko na pagsisilbihan mo ng ganyan si Kevin. Pagpapaliwanag ng Mama niya
Ma, hindi po ganon yun magkaibigan lang po kami ni Kevin. Saka breakfast ko din naman po ito, madadamay lang siya, Jas na mabilis na nakaisip ng idadahilan
Muli itong napatawa. E anak may magkaibigan ba na mag asawa? Biro ng kanyang mama.
Mama naman eh. T_T Hindi nga po yun ganon. Mali po kayo ng intindi. Jas
Jas, anak, pwede ka maglihim sa iba, pero hindi sa Mama mo. Bakit mo ba pinipigilan yang feelings mo kay Kevin? Mama
Mama hindi nga po. T_T stop judging me po Ma. Jas na nakuha pang biruin ang ina
Hindi nga niya maisip kung tama ba ang sinabi niya, hindi niya kasi alam kung talaga nga na may nararamdaman na siya kay Kevin at nagpipigil lang siya o wala talaga. Naisip niya na ganon din ang sinasabi ni Alyssa, na huwag na daw niya itanggi ang feelings niya kay Kevin, e sa hindi naman niya yata talaga gusto. Yata?
BINABASA MO ANG
Dear Husband, I Hate You 1.0 [FINISHED]
Romance"Kung hindi ka pumayag sa gusto nila hindi ito mangyayari Kevin! Iniisip mo lang sarili mo, papano naman ako? Hindi kita kayang mahalin at naiisip ko pa lang na buong buhay tayo magkakasama nandidiri na ako! I hate you so much!! Yeah, i guess i neve...