Anong ireregalo nila kay Alyssa?! So far so good, mukhang nakaligtas na si Jas sa kapahamakan, lumipas na at nabaon sa limot yung pagpunta nila sa Disco Bar, sure naman si Jas na yun na ang huli na pagsisinungaling sa asawa.
Magkabalikan pa kaya sila Anton and Alyssa?
---------Jasmine's POV
Linggo ng umaga..
Maagang nagprepare si Jas ng almusal nila, marami kasi silang lakad ngayon, magsisimba sila sa may katipunan, mag mamall at hahanap ng regalo for Alyssa pagkatapos naman ay dadalaw pa sila sa bahay ng mga magulang niya.
Natapos na ang misa, bago umuwi ay nag alay muna sila ng itlog sa simbahan, sunod non ay sumulat ng kanilang panalangin at inihulog iyon kung saan andon ang iba pang mga sulat. Wala naman na siyang mahihiling pa, ang sinulat lang niya sa liham ay puro pasasalamat, pasalamat na malulusog parin ang parents niya at ang tito Ronil niya, pasasalamat na masaya na ang Kuya niya, pasasalamat dahil kahit papano ay nagiging okay na si Alyssa, at lalong lalo na, nagpapasalamat siya dahil masaya ang pagsasama nila ni Kevin ngayon.
Diretso na sila ng mall after nito, sinuyod nila ang buong department store para maghanap ng regalo, kaso wala silang makita, wala din kasing napapansin si Jas na kailangan nito, siguro ay si Anton lang.
Or yung crush nitong artista, alam niyang impossible naman na maibalot niya sino man sa dalawang yun.
Ang hirap regaluhan ni beks! Jas habang nawawalan na ng pag-asa na nakatingin kay Kev
Papano ba naman ilang taon na silang magkaibigan, lahat na yata ng bagay ay nairegalo niya na dito, isali mo pa yung mga regalo na binigay niya tuwing pasko.
Papano kaya kung birthday party na lang ang iregalo natin? Suhestiyon ni Kev
Wow! Ang galing naman ng asawa ko! Mukhang yan nga ang pinakamagandang birthday gift! Broken hearted din kasi yun kaya baka hindi niya maisipang magpaparty, kaya tayo na lang ang magbibigay sa kanya non! Masayang sang-ayon nito
Nakakatuwa naman na si Kevin ang nakaisip ng pinakamagandang regalo na pwede niyang maibigay sa kaibigan, tapos agad ang problema nila, yun na lang ang ireregalo nilang dalawa, madali lang naman humanap ng venue, naiisip nga niya sa isang sikat na ktv sila magcelebrate, mahilig din kasi kumanta si Alyssa, kaya okay na yun, rerentahan lang nila yung kwarto na may maximum 10 capacity. Siya, si Kevin, Kuya Jasp, Ate Sandy at si Alyssa ang isasama niya kaya sakto lang yung pang 10 na tao, kasaka na kasi sa package doon yung pagkain kung good for 10 person ito at 5 kang sila, sakto na ito dahil hindi sila maubusan ng pagkain.
Gaya ng plano after ng Mall ay dumiretso naman sila sa bahay ng mga magulang ni Jas. Doon na din sila kakain ng lunch. Dumaan muna sila sa bilihan ng cake para may pasalubong sa bahay.
Sa bahay nila..
Mga anak, buti napadalaw akayo, hindi na kumpleto ang bahay pag wala kayo ng Sunday. Kung hindi naman kayo busy Kevin baka sakaling makapasyal kayo dito. Pakiusap ng Mama niya, namimiss na siguro niya ang mga anak at lalo't ikakasal na din ang kanyang panganay.
Nako Mama, si Kevin nga ang nagpaplano pumunta palagi dito kaya makakaasa kayo na andito kami palagi every sunday. Masayang sabi ni Jas

BINABASA MO ANG
Dear Husband, I Hate You 1.0 [FINISHED]
Romance"Kung hindi ka pumayag sa gusto nila hindi ito mangyayari Kevin! Iniisip mo lang sarili mo, papano naman ako? Hindi kita kayang mahalin at naiisip ko pa lang na buong buhay tayo magkakasama nandidiri na ako! I hate you so much!! Yeah, i guess i neve...