Chapter 15: Bonding moments!

55 6 3
                                    

Oh eh ano pa nga bang hihilingin natin? Natupad na ang pangarap nating lahat! Mahal na ni Jas si Kevin. Kailangan na lang na maging aware si Fafa K! Yahooo. Kapitttt.
------------

Jasmine's POV

Lunes ngayon, papasok na naman sila, gumising siya ng maaga para mag prepare ng breakfast at lunch nila ni Kevin. Pumasok din siya sa kwarto para ayusin na ang polo at necktie nito pati pants, socks at sapatos na susuuitn para sa araw na ito. Natutuwa kasi siya na pagsilbihan si Kevin kaya nagupgrade siya sempre kung dati ay sa pagkain lang nito, ngayon pati na din sa damit na susuotin nito ay siya na din ang nagaasikaso.

Thankyou. Sabi ni Kevin na gising na pala at kasalukuyang pinagmamasdan ang ginagawa niya.

Humarap siya sa asawa. My pleasure. Sabay ngiti. Bangon ka na at kakain na tayo.

Sumunod naman ito sa kanya at bumangon na din.

Come with me. Wika ni Kevin habang kumakain sila.

Huh? Saan? Tanong niya

Sa office. Ngiting sabi nito.

Why? Takang tanong niya.

Syempre gusto ko i-introduce sa kanila ang asawa ko. Masayang sabi ni Kevin

Alam niya na alam naman sa kompanya na nagpakasal na si Kevin. Hindi nga lang kilala kung kanino ito nagpakasal. Lihim siyang kinilig sa ginawa ng asawa, feel niya ay proud ito sa kanya. Isa pa magandang idea din yun para hindi malaman na ng mga babae doon na may asawa ng tao ang boss nila. HAHA. Akin lang siya! Isip isip niya.

Sure. Sagot naman niya tutal hindi naman peak season ngayon sa clinic, okay lang naman na umabsent.

Would you consider to stop working Jas? Seryosong tanong niya

Naguluhan na naman siya sa biglaang tanong na iyon ni Kevin.

Ahm, you know, you don't have to work, baka napapagod ka, you can just stay sa bahay tapos antayin ako makauwi. Ngisi nito

No, okay lang hindi naman ako napapagod Kev, masaya naman ako na nagwowork, mabobore lang ako sa bahay, i swear. Pageexplain niya

Okay then. Kinindata siya nito sabay ngiti.

Sa kompanya..

Magkahawak kamay silang pumasok, napapansin din niya na halos lahat ng babae na makakasalubong nila ay matalim ang tingin sa kanya, pero kahit ganoon ay binabati parin silang dalawa. Ha ha, maglaway kayo ngayon, akin lang ang asawa ko! Nakakalokong naiisip ni Jas habang patuloy na naglalakad. Sa tingin niya kilala naman na siya ng mga ito, magka hhww sila ni Kevin, holding hands while walking! Papalag pa ba mga babaitang ito?

Ng malapit na sa office ni Kevin ay may nakita siya na pamilyar na mukha. Yung dati na babae naghatid kay Kevin sa bahay nila!

Hi Sir, goodmorning. Bati nito

Wow ano ako? Bula? Invisible?! Echuserang frog!

Goodmorning Keana, meet my wife, Jas. Ganti naman ni Kevin

Mula sa kanyang peripheral vision ay nakita niya na nakatingin ito sa kanya habang bumabati.

Goodmorning po Miss Jas. Keana

Pero naiinis siya dito kaya hindi niya tinignan. Nagtuloy tuloy sila sa opisina ni Kevin. Pagpasok nila.

Don't talk to her. Jas

Tuluyan ng hindi naitago ni Jas ang kabwisitan sa babaeng frog na yun.

Her? You mean Keana? Tanong nito

Dear Husband, I Hate You 1.0  [FINISHED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon