Omg anong sigawan ang nagyare doon sa banyo? Haha. Yawwww. Kapit! Abangan natin kung tuluyan nang mangangayayat si Jas sa kakaiwas niya kay Kevin. Haha
-------O_o
Ahhhhhhh!! Jas
Ahhhh! What are you doing here?! Kev
Hindi malaman ni Jas ang gagawin, may nakita siya na hindi dapat makita!! Wahhh!! Heaven, ang laki!! Ng.. Ng Ano.... Ng.. katawan. Saka.. Jusko po! Ang yummy mga bes! I kennat. Napatakip siya sa mata niya.
Anong what are you doing edi sempre gagamit ako ng cr! Bawal na ba? Saka. Kasalanan mo yan no, dapat nagsasara ka ng pinto! Manyak! Sagot habang takip ang mata
Im sorry, hindi ko alam na gagamit ka ng cr kahit sinabi ko na maliligo ako. Pang-aasar ni Kev
Mag-asawa naman na tayo kung ano man ang nakita mo at tinitignan mo ngayon, it's all yours. Dugtong ni Kev habang nagtatakip ng tuwalya
Shemay na magulay. Lokong yun! Nahalata pa yata nito na kahit nagtatakip siya ng mata ay may butas ito kaya medyo nakikita parin niya ang kabuuhan ni Kevin. Siya yata ang manyak. >_< Omg. Pag may ganitong ulam kasi sa harap mo, jusko tukso! Layuan mo ako!
Bago naman kasi siya mag-cr sinigurado niya na wala na ito doon, yun nga lang mali pala ang akala niya. Bakit ba, tulad ng sabi niya mag-asawa naman kami, di naman siguro kasalanan tong ginawa ko. Ha ha.
Mag-asawa lang tayo, pero hindi tayo nagmamahalan. Tse! Tapos ka na ba? Baka gusto mo nang lumabas? Gagamit ako. Jas
Pagkalabas ni Kev. Sinara na niya ang pintuhan at nagtitili. O_o shocked siya sa nakita. Omg. Hindi na virgin ang eyes niya at yaawwwww!! ang yummy!! Talon ng talon ang dalaga sa loob ng cr. Lukaret talaga!
Hiwalay parin matulog ang "mag-asawa". Lumipas ang mga araw na ganon padin ang nangyayare, si Jas na tinatarayan at sinusungitan si Kev at si Kev naman na umiintindi at pilit padin kinukuha ang loob ng asawa, halos hindi nag-uusap ang dalawa, nag-enjoy naman si Jas sa "honeymoon" kuno na yun dahil din siguro wala siya ginawa kung di tumambay sa labas at magpalamig sa mahal niyang baguio.
Isa sa mga narealize niya, mukhang mahihirapan siya na gawing miserable ang buhay ng binata dahil sa mabait ito, ni hindi man lang napipikon sa kanya, masamang pangitain. Kahit anong porsyento ng kamalditahan niya kay Kev ay hindi ito naapektuhan, mukhang nakahanap siya ng katapat. Pero hindi siya titigil, i can spend my lifetime sa pangbubully sayo. Muahahaha!
Kevin's POV
Uuwi na sila, sa katunayan nagbabyahe na ang dalawa pauwi, katabi niya ay si Jas na tulog na tulog, hindi talaga niya mapigilang hangaan ang dalaga, na ngayon ay asawa na niya. Maganda si Jas pero simple lang ito na siya naman talagang nakaakit sa kanya, ayaw kasi niya ng mga babae na maarte at kulang na lang maging espasol na yung mukha tapos ang daming kolorete sa katawan na mapagkakamalan mo na parol. Isa pa sa nagustuhan ni Kev ay yung likas na pagiging maalaga nito simula noong mga bata palamang sila, Oo di naman ganyan sa kanya si Jas nung bata sila, sabay din kasi sila lumaki noon, pabalik-balik nga lang sila Kev sa states. Mabuting tao si Jas, lalo sa family niya at sa mga magulang nila. Hindi nga niya alam kung bakit bigla na lang itong nagbago sa kanya at naging mataray, pero kahit na ganon hindi naman nababawasan yung pagmamahal niya dito. Nag-enjoy siya sa mga araw nila sa baguio, God knows how much he wanted to spend time with her, and because of the wedding may chance na siya gawin yun. And for the rest of his life. Ang swerte niya.
BINABASA MO ANG
Dear Husband, I Hate You 1.0 [FINISHED]
Romantik"Kung hindi ka pumayag sa gusto nila hindi ito mangyayari Kevin! Iniisip mo lang sarili mo, papano naman ako? Hindi kita kayang mahalin at naiisip ko pa lang na buong buhay tayo magkakasama nandidiri na ako! I hate you so much!! Yeah, i guess i neve...