Chapter 10: Reached the limit?

52 6 3
                                    

Anong nangyare kagabe?? Haha. Abangan! Malalaman ba natin kung ano yung nagyare kagabi or ibabaon na lang sa limot? Ha ha.
-----------
Guyths! Ito na yung pangako ko na mahaba na kada chapter x2 na. Hihi. Mwap salamat sa pag-aantay.
-----------

Wala siyang maalala! Ano ba yung dapat niya gawin? Shet! Ang guapo niya sa malapitan pag tulog, parang siyang anghel na inihulog ng langit diretso sa kama ko.

Kama ko? Teka bakit parang hindi ito yung kwarto ko. Isip-isip ni Jas

Tumingin tingin sa paligid si Jas, confirmed wala siya sa kwarto niya. O_o Ginapang niya si Kevin? No! Cannot be! Hindi ito maari kailangan gumawa siya ng paraan kailangan makaalis na siya bago tuluyang magising si Kevin. Hindi dapat siya makita nito sa kwarto niya! Baka isipin pa ng angel na to este ng kutong lupa na to e ako pa talaga nageffort diba. Bakit ba kasi hindi na lang sa kwarto niya para itutulak na lang niya si Kevin sabay sisigaw siya ng rape! Hay buhay. Kailangan na talaga niya makaalis.. Pero bago yun, pagmamasdan muna niya yung mukha ni Kevin, napaka ganda ng aura, alam  mo yun para kang nanonood ng fireworks display, ang sarap pagmasdan. Pero hindi, lalabas na siya. Naku, baka magising pa to. Kaya dahan dahan bumangon si Jas, sobrang bagal ng galaw niya at sinisigurado niya na hindi magagalaw si Kevin. Tagumpay na niyang naibaba yung isang paa niya sa sahig ng walang ingay ng biglang..

Saan ka pupunta? Kev

Pagkatapos ay hinila siya ni Kevin pabalik sa kama. Kaya parang manika na napahiga uli si Jas. Oo maliit kasi siya kaya magagawa ni Kevin na ihagis-ihagis siya kung trip nito.

Wag ka munang umalis, dito muna tayo kahit saglit lang. Kev

Sabay pumikit ito uli habang yung ulo ni jas ay nakaunan sa masel masel na braso ni fafa kevs natin. Ang init ng katawan nito, i kennat! Para siyang naparalisa sa inaktong yun ni kevin.

Pagkaalis ni Jasmin that day sa bahay ni Alyssa, napag-isip isip niya kung papano nga ba siya makakaganti kay Kevin? Papano nga ba siya mananalo sa laban na ito? Isa lang ang sagot, to make Kevin's married life miserable.

Biglang pumasok sa isip niya ang kanyang ultimate goal. Kaya naman nahimas-masan na siya at tumayo, at dali-daling niyang itinulak ng pagkalakas lakas si Kevin hanggang mahulog ito sa kama. Kyawwww. Nasa sahig na si Kevin.

Ouch. Kev

Rapist! Bakit mo ko dinala dito sa kwarto mo? Tapos di ka pa nakuntento may pa hila-hila pa sa kama mo! Bastos ka! Anong feeling mo? Close tayo?! Jas

Wow, parang di man lang siya nakinabang sa nangyari kung tutuusin nakajackpot si ate mo girl sa tsanching ha ha at, kung ice cream si Kevin, kanina pa ito natunaw kakatingin niya. Kung may bayad lang din ang pagtitig niya dito lubog na siya sa utang!

I'm sorry, I just woke up and nakita kita, im sorry kung hinila kita, my bad, i'm really sorry di ako nag-iisip. Kev

Kevin's POV

Ano nga ba kasi yung pumasok sa isip niya at hinila niya si Jas, siguro nga talagang di din siya makatiis na ipakita dito yung tunay niya na nararamdaman, it's been 3 months na nakatira silang dalawa sa iisang bubong. He wanted to hug her, he wanted to kiss her. Gusto niya sabihin dito na mahal niya ito, gusto niya iparamdam dito yung pagmamahal niya but he can't. Parang bomba din siguro yung naipon niyang damdamin nayon at kanina sumabog lang. Sobrang galing na nga ni Kevin dahil 3 months na niya tinitiis ang presensya ng kanyang asawa, his gorgeous wife to be exact.

Dear Husband, I Hate You 1.0  [FINISHED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon