"Cool party Theo! This is the best? Whooo!" Pagsigaw ng kaybigan ko
Iniwan ko na muna sya at nagpasya nalang ako na pumunta ng pool kung nasaan nagsasaya ang mga guest ko
At halos magcheer ang lahat ng may isang itinapon sa swimming pool.
Everyone is having fun ng bigla nalang may nagpatay ng music kaya halos lahat ay napatingin sa nagpatay ng music at kinabigla ko na dumating si Dad kasama si Mom
"Dad . ."
"On the count if three I want everyone to be out of this house! One! . . Two . ." At hindi na nya pinagpatuloy pa ang count ng three dahil halos nagmadali na lumabas lahat ng guest ko sa bahay namin. Yes this is our house.
Lumapit si Mom sakin at humalik sa pisngi ko si Dad naman ay nakatingin lang sakin ng masama, kapwa kami nagtatanstahan kung ano ang sasabihin namin
"Ano bang yang kokote mo Theo?! . . Wala ka ng binigay samin ng Mommy mo kundi sakit sa ulo" pagpapagalit sakin ni Dad
Tumahimik nalang muna ako dahil alam ko na wala akong laban sa kaniya, pero ikinainis ko ang kasunod nyang sinabi
"Ano nanaman ba to Theo?! . . Throwing a party?! . . This is ridiculous! . . Do you think that those kids like you?! . . They don't! . . They just want your money!"
"Ridiculous?! . . Atleast I am happy . . Happy that I can enjoy my life with my friends rather than my family!"
At nakita ko na napatahimik pareho ang parents ko dahil nilabas ko lang naman ang saloobin ko
"Theo . ." My mom was about to hug me ng bigla ko syang pigilan dahil nilalabas ko ang saloobin ko sa Father ko
"You are busy in the company . . You almost forgotten that you have a son! . . You know what . . Buti pa si Ninong! . . He always have the time to accompany me . . But you?! . . Wala!" At dun tumulo ang luha sa mga mata ko
"Alam mong lahat ng ginagawa ko ay para sa kinabukasan mo Theo! . . Alam mo yan!"
"I don't want your money! . . I don't want any of it! . ."
"Theo . . Trevor . . Please . ."
"You don't want any of it?! . . Okay fine! . . Starting tomorrow wala ka ng karapatan na tumuntong sa bahay na to! . . And tomorrow . . I will send you back in the Philippines! At magtatrabaho ka para sa sarili mo!"
"Trevor! Please! . ." Pagmamakaawa ni Mom pero taas noo parin ako dahil ayaw ko na ipakita sa Dad ko na kailangan ko sya, since he was never there for me
"No Mom! . . Ayos lang sakin . . Kesa mabuhay sa bahay na to!" At dun ay nasampal ako ng Dad ko
"You will not get any help! . . Kahit kanino! . . Even sa Ninong mo! . . Dahil lahat ng yun haharangin ko! . . Starting tomorrow I want you out of this country! . . That decision is final!"
Pilit nagmamakaawa si Mom kay Dad pero alam ko ng buo ang decision ng Dad ko, at dahil nagmana ako sa katigasan ng ulo ng Dad ko ay hindi din ako nagpadala sa takot
Agad akong pumunta ng kwarto at nag-empake ng mga gamit ko dahil ayaw ko na din mabuhay sa ginagalawan ng Father ko
Pilit akong pinipigilan ni Mom pero nanaig parin ang galit ko sa Dad ko kaya agad akong nagpahatid sa driver sa airport at dun ay nagpasya ako na umuwi ng pilipinas kung saan alam kong masmabubuhay ako.
"Freedom atlast . ."
I was about to walk ng bigla nalang akong nabangga ng isang kotse at tumalbog ako sa unahan nito
"Aray ko! . ."
Agad na pumunta sakin ang driver nito at ang lalaking boss ng driver
"Iho ayos ka lang ba? . ."
"Aray ko . ."
Hindi ako makasagot ng maayos dahil sa sakit na nararamdman ko
"Robert isakay sya sa sasakyan . . Dalhin natin sya sa ospital"
Dinala nila ko sa ospital at dub ay pinatingnan. Sa awa ng Diyos ay wala akong broken bones, halos galos at gasgas lang ang natamo ko
Ng makausap ng lalaking nakacoat and tie ang Doctor ay agad itong lumapit sakin
"Iho okay ka na ba? . ." Pagtatanong nito sakin
"Ayos na po . . Maraming salamat po . ."
"Naku Iho wag ka ng magpasalamat dahil kasalanan ko ang lahat . . Ako na ang bahala sa gastusin sa ospital . . Wag kang mag-alala . . Saka ihahatid na kita . . San ka ba nakatira? . ."
At dun ay natahimik nalang ako dahil hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. Unang-una hindi nya ko kilala dahil lahat ng information sa Elite5 ay private, at pwede lang maaccess kung nasa websiteGroup ka, pangalawa ay wala kasi akong alam na matitirhan dahil alam ko na walang tutulong sakin dahil kay Dad, pangatlo ay nahihiya akong sabihin sa kaniya na wala akong tutuluyan
"Iho? Okay ka lang ba?" Napatingin ako sa kaniya at napabalik sa reyalidad ng tanungin nya
"Ah . . Opo . . Ano po kasi . . ." Pagkamot ko likod ng buhok ko at bago pa sabihin ang gusto kong sabihin ay nagsalita na sya
"Wala kang matuluyan? . . Tama ba ko? . ."
"Ah ano po . . Opo . ."
At napaubob nalang ako dahil sa kahihiyan
"Bueno . . Walang problema . . Sakin ka titira . . At magtatrabaho ka sakin . .
"Talaga po? . ."
"Oo . . Bilang assistant ng Anak ko"
< - - - >
- Don't forget to Vote, Share and Comment -
-----
Follow Theo's Twitter Account ❤
BINABASA MO ANG
My Crazy Beautiful Girl
Short StoryPaano kung nawala ang lahat sayo? Lahat ng opportunities, as in LAHAT LAHAT! At mapapunta ka sa isang pamilya na magtatrabaho ka bilang assistant ng isang mafia princess kakayanin mo ba ang kabaliwan? O susuko nalang? Kung kaya mo, then Goodluck nal...