Chapter Fifteen

369 10 0
                                    

• Chapter Fifteen •

Theo's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mata ko. Bigla akong pinagsaktan ng ulo at halos mapapikit ulit ako.

Pinilit kong tumayo magpalit ng damit, at saka bumaba para makahingi ng gamot. Pagkainom ko ng gamot ay nagpahanda na din ako ng pagkain sa maid at nagstart ako kumain.

Napansin ko na sobrang tahimik ng bahay ng nga Lewis kaya nagtanong nalang ako sa mga maid

"Hindi pa ba umuuwi si Sir Quade?"

"Naku Sir hindi pa po"

"Eh . . Si Queen? . . Nasan? . ." Alanganin kong pagtatanong

Nakita ko na nagtinginan muna ang dalawang maid at saka humarap sakin

"Sir . ."

"Bakit Manang? . . May problema ba?" Pagtatanong ko ng bigla nalang may nagsalita sa likod ko kaya nagulat ako

"Hinahanap mo ko?"

"Queen . ."

Inutusan ni Queen ang isang maid na kumuha ng inumin nya at ang isang maid naman ay sa pagkain nya.

Umupo sya sa tabi ko at dun ay nagpunas ng pawis nya, medyo naawkward na ko kaya akmang tatayo na sana ako ng bigla nya akog pigilan

"Bakit po Mam? . ." Pagtatanong ko na may halong kaba

Hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa medyo awkward kami at sya din ang rason kung bakit ako nag-inom kahapon.

"I just want to talk to you about yesterday . ."

Pero bago pa sya patuluyin sa gusto nyang sabihin ay pinigilan ko sya

"Mam hindi na po kailangan . ."

Pero pinutol nya din ang pagsasalita ko at napaub-ob nalang ako sa sinabi nya

"Hindi na kailangan pero nagpakalasing ka?!"

Halos namula ang buong mukha ko sa hiya dahil alam nya pala na nalasing ako, pero napatingin din agad ako sa kaniya ng marealized na hindi ko alam kung paano ako nakauwi

"I-ikaw . . B-ba a-ang . . N-nag-uwi s-sakin? . ." Pagtatanong ko sa kaniya

Nakita ko na nakatingin lang din sya sakin, imbes na sagutin ang tanong ko ay hinayaan nya muna na ilagay ng mga maid nya ang pagkain at inumin na hinihingi nya. Pinaalis nya ang mga maid at saka sya nagsalita

"Sa tingin mo?" Pagtatanong nya kaya maslalo pa akong namula knowing that she is the one who took me home.

Nakita ko na ngumiti sya kaya maslalo akong nahiya sa sarili ko.

"Sorry . . Hindi na mauulit . ."

Iiwanan ko na sana sya ng bigla nya akong pigilan ulit

"Bakit ba umiiwas ka Theo? . ."

Gusto ko sanang humarap pero hindi ko alam ang ilalabas kong ekpresyon kaya nanatili nalang akong nakatalikod

My Crazy Beautiful GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon