• Chapter Twenty-Nine •
Queen's POV
I didn't expect na ganito kabilis ang pangyayare. Last time napag-usapan lang namin na dumating na ang mga Evans and now ito kami inivite da birthday party ni Theo na gaganapin bukas ng gabi.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mangamba dahil kahit anong iwas ko ay tadhana na ang nagpipilit para kilalanin ni Thea ang Ama nya.
"Mama can I come to the party? . . Gusto ko sumama" pagsasabi ng anak ko habang sinusuklayab ko ang buhok nya.
Gusto ko man tanggihan si Thea dahil alam ko na mangyayare ang kinakakot ko pero part of me is pushing to say yes dahil karapatan ng anak ko na makilala ang ama nya.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay pumayag ako na isama si Thea sa magaganap na birthday ni Theo kaya pinipilit ko ng ihanda ang sarili ko.
Ng makatulog na si Thea ay nagpasya ako na iwan na sya sa kwarto nya at dumiretso nalang ako sa bar counter para kumuha ng maiinom. Kukunin ko sana ang Bacardi sa counter ng bigla kong makita si Kuya dun na nakaupo sa couch katabi sa mini table ang Bacardi na hinahanap ko.
Lumapit ako sa kaniya na may dalang baso at sinamahan sya sa pag-iinom. Umupo ako sa tabi nya sa mahabang sofa at dun ay sinamahan sya.
"So anong plano mo?" Pagtatanong ni Kuya
Tumahimik muna ako saglit at pinagmasdan ang Baso na hawak ko, iniinom ko ito at lakas loob na sinabi kay Kuya ang plano ko.
"Isasama ko si Thea sa party bukas . . At bahala na si Theo kung gusto nyang makilala ang bata o hindi"
Pinakikiramdaman ko si Kuya dahil alam ko na sa ganitong sitwasyon ay magsisimula na syang pangaralan ako pero sa pagkatingin ko sa kaniya ay isang kalmadong mukha ang pinapakita nya.
"So handa ka nang malaman ni Theo na may anak sya sayo . . At handa ka na din aminin kay Thea ang lahat-lahat?"
Isang tango lang ang binigay ko sa kaniya dahil yun naman talaga ang gusto kong mangyare, ang dumating ang pagkakataon na lumabas na ang katotohanan at masabi ko na malaya na ko sa mga kasinungalingan.
Matapos ang pag-inom at pinagsaluhan naming tigdalawang baso ng Bacardi ay nagpasya na kami na matulog since we need to prepare for tomorrow, pero pagdating ko lang sa kwarto ko ay tanging picture lang namin ni Theo ang pinagmamasdan ko habang nakahiga sa kama ko.
"I guess I'll be seeing you tomorrow . . . My Theo . . ."
< - - - >Theo's POV
It's time . . .
Time for the party at halos nakita ko na nagdadatingan na ang guest kaya agad na kaming pumunta ng mga magulang ko sa pintuan kung saan iwewelcome namin ang mga guess.
Ilang saglit lang ay bigla kong hinanap ang cellphone ko at napagtanto ko na naiwan ko pala ito sa kotse ko kaya nagpaalam muna ako sa parents ko at kapatid ko at dumiretso sa parking lot.
Pagkadating ko sa parking lot ay agad kong kinuha ang cellphone ko. Akmang babalik na sana ako sa loob ng biglang may dumaan na batang lalaki sa tabi ko at nasugatan ang kamay ko gamit ang laruang tou car na dala nya
BINABASA MO ANG
My Crazy Beautiful Girl
Krótkie OpowiadaniaPaano kung nawala ang lahat sayo? Lahat ng opportunities, as in LAHAT LAHAT! At mapapunta ka sa isang pamilya na magtatrabaho ka bilang assistant ng isang mafia princess kakayanin mo ba ang kabaliwan? O susuko nalang? Kung kaya mo, then Goodluck nal...