Chapter Thirty-Three

919 18 0
                                    

• Chapter Thirty-Three •

Theo's POV

It's been another week and ito kami nagbibihis na since it is Thea's birthday. Prinepare namin ang lahat and we even organize a birthday party for Thea in our house at halos lahat ng kaybigan at kapamilya ay ininvite namin, even the Lewis. Pero sa kasamaang palad ay hindi pumunta si Queen dahil inonor parin nya ang napag-usapan namin.

Tumaas ako sa kwarto ni Thea at dun ay nakita ko na tapos na syang suklayan ni Thalia at kita ko ang ngiti nito sa salamin.

Lumapit ako sa kanilang dalawa at dun ay binati ang anak ko. Binigyan nya ko ng isang mahigpit na yakap at hindi ko magawang tapusin ang yakap dahil gusto kong maramdaman nya ang pagmamahal ko.

Pero dahil nga kailangan na namin bumaba ay napahiwalay ako sa yakap sa anak ko at dumiretso kami sa baba na hawak ko ang kamay nya.

Magkasama kaming dalawa na pumunta sa stage kung saan nandun ang mc. Nagstart ang program ng birthday ni Thea at dun ay hinayaan lang namin siya mag-enjoy kasama ang mga bata na invited.

Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Scarlett at Quade at medyo kinagulat ko ang pagsasalita nila

"I guess masaya na din si Thea . ." Pagsasabi ni Scarlett

"Pero iba parin kung kumpleto ang pamilya nya . ." At pagdugtong ni Quade

Napabalik lang ang tingin ko sa anak ko na ngayon ay nagsasaya kasama ang pinsan nya at ang iba pang mga bata at naramdaman ko na may tumulong luha sa mata ko.

"And that is what I planned to do . . . But sad to say . . Queen didn't come . ."

"Dahil sa napag-usapan nyo" at humarap ako kay Quade

"Don't worry . . I know I made this mistake . . . Handa akong icorrect lahat . ."

Hindi ko na sinagot pa ang tanong ni Quade kung ano ang ibig kong sabihin dahil tinawag na ko ng mc sa stage para samahan si Thea na iblow ang candle nya. At sa pagkablow ni Thea ay nagpalakpakan ang lahat.

My Mom took a picture of us and dun ay humarap ako kay Thea to tell her something

"Do you want to know my present for your birthday? . ."

"Of course Daddy . ."

Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Hinawakan ko ang kamay nya at dinala sya sa parking lot. Pinasakay ko sya sa sasakyan at pinasuot sa kaniya ang blindfold since I want to surprise her.

Dinala ko sya sa isang lugar na sobrang pamilyar sa kaniya and guide her.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay pinatanggal ko na agad ang blindfol sa kaniya at dun ay nagulat sya na makita ang bahay ng nga Lewis.

Unuli-uli nya ang mga mata nya at dun ay nakita nya ang Mommy nya na pababa na ng hagdan. Nakita ko na agad ng tumakbo si Queen kay Thea at niyakap ito. And looking at them made me cry, especially that is the wish of my daughter.

• flashback •

Papasok na sana ako sa room ni Thea to kiss her goodnight pero sa pag-open ko ng pintuan nya ng kauntian ay narinig ko na umiiyak nanaman sya at napahawak nalang ako sa dibdib ko.

My Crazy Beautiful GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon