• Chapter Ten •
Theo's POV
Hindi pwedeng hindi ako gaganti sa ginawa nya sakin kahapon.
Eto ako ngayon na pabalik ng bahay ng mga Lewis dala-dala ang isang laruan na ipis since gusto kong bumawi kay Queen.
Nagshower muna ako at nagpalit ng damit na casual since Queen has an appointment today.
So bumaba agad ako at tinanong kina Manang ang pagkain ni Queen since gusto ko ako ang magdadala nito sa kwarto nya. Binigay ni manang ang isang tray sakin at saka ko ito dinala papunta sa kwarto ni Queen
Pero bago pa man ako makapasok sa kwarto ni Queen ay nilagay ko na muna ang laruang ipis sa loob ng nakatakip na pagkain
"It's payback time"
Pumasok ako sa kwarto ni Queen at sakto ay kagigising lang nito. Kaya agad kong pinakita na ako ang nagdala sa kaniya ng pagkain
"Breakfast is ready"
"Seriously Theo?! . . Hindi mo na kailangang gawin yan" pagtataray nya
"Pero gusto ko Queen . ."
Nilagay ko muna ang tray sa isang tabi at kinuha ang bed table ng maiayos ko sa kaniya ang bed table ay saka ko nilagay ang pagkain.
Paglagay ko ng pagkain ay aalis na sana ako ng bigla nya kong tawagin
"Saglit lang Theo . ."
Humarap ako sa kaniya at inintay ang sasabihin nya
"Salamat . ."
Ngumiti lang ako sa kaniya ng nakakaloko at saka lumabas ng kwarto nya nagbilang ako hanggang lima at sakto dun ko narinig ang sigaw nya
"Theo! . . ." At dun palang ay napatawa na ko
< - - - >Queen's POV
Hindi ko mapigilan ang mainis lalo na ngayon na tinatawanan parin ako ni Theo habang nasa sasakyan kami.
"Theo! Pwede ba?!"
"Sorry" pagpipigil nya ng tawa
Iniiwas ko nalang ang tingin sa kaniya dahil sobrang naiinis parin ako, sino ba naman kasi ang hindi?!
• Flashback •
"Salamat" pagsasabi ko kay Theo
Sa paglabas nya ay isang ngiti ang lumabas sa mukha ko na parang hindi maipaliwanag na nadarama
Sa pagbukas ko ng takip ng pagkain ay bigla ko nalang itinulak ang bed table at kumalat ito sa kama at sahig ko
Agad akong tumayo sa kama ko at umupo sa may head borad ng sobrang nagtititili ng maalala ko kung sino ang nagbigay ng pagkain
"Theo! . . ." Pagsigaw ko
At halos patayin ko na sya sa isip ko.
BINABASA MO ANG
My Crazy Beautiful Girl
Short StoryPaano kung nawala ang lahat sayo? Lahat ng opportunities, as in LAHAT LAHAT! At mapapunta ka sa isang pamilya na magtatrabaho ka bilang assistant ng isang mafia princess kakayanin mo ba ang kabaliwan? O susuko nalang? Kung kaya mo, then Goodluck nal...