Chapter Twenty-Two

367 10 0
                                    

• Chapter Twenty-Two •

Theo's POV

Gabi na pero hindi ko parin iniiwan si Queen sa kwarto nya since gusto ko na ako mismo ang makita nya paggising nya.

After a bit of waiting ay bigla kong narinig na nagsasalita si Queen, pagtingin ko sa kaniya ay nananaginip sya.

"Queen! . . Queen . ."

Pero pilit parin syang nananaginip hangga't sa gumising sya sa sobrang gulat at sumigaw sya, ang isang pangalan na alam kong hindi mawawala sa puso nya.

"Philip!"

Gusto kong umalis at ilabas ang sakit na nararamdaman ko pero pinilit ko na magpakatatag since gusto ko na ako ang mag-alaga kay Queen.

"Queen tahan na . ."

Pilit ko syang pinapakalma at pinapatahan sa pag-iyak since sobra syang natakot sa panaginip nya. At alam ko na si Philip ang bangungot na yun.

"Queen . . I'm here . ."

Tumabi ako sa tabi ni Queen at hinayaan sya na yumakap lang sakin at hayaang ang ulo nya ay nakapatong sa dibdib ko. Komportable na ko pero bigla kong marinig si Queen na syang kinasakit ng damdamin ko

"Philip . . I miss you Philip . ."

Alam kong nananaginip sya kaya tiniis ko nalang ang mga narinig ko dahil ayaw ko din naman na palungkutin pa ang sitwasyon dahil kahit anong mangyare alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang paltan si Philip sa buhay ni Queen.

Hinayaan ko nalang na yumakap sakin si Queen kahit alam kong nasa isip nya ay si Philip ang yakap-yakap nya.

Bakit Queen? . . . Bakit hanggang ngayon si Philip parin? . . Talagang hindi ko kayang mahalin? . . Hindi ba talaga ako kamahal-mahal kaya lahat ng taong mahal ko ay hindi kayang ibalik ang pagmamahal na hinahangad ko? . . .

At dun ay hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha sa kanang mata ko.
< - - - >

Queen's POV

Nagising nalang ako na nakita ko na katabi ko si Theo. Tumayo ako at pumunta sa veranda ng kwarto ko at dun ay nagmuni-muni

Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko? . .

Sobrang daming laman ng utak ko, punong-puno ng mga tanung tungkol sa nararamdaman ko ngayon pero niisa ay hindi ko mabigyan ng sagot.

Nagpasya ako na bumaba nalang dahil gusto ko kumuha ng maiinom pero hindi ko inaasahan na sa pagbaba ko ay madadatnan ko dun si Kuya na kukuha ng juice.

"Kuya . ."

"Queen . ."

Kumuha muna ako ng inumin at saka lumapit sa kaniya sa kitchen counter kung saan sya nakaupo upang sya ay makausap

"Kamusta ang pakiramdam mo Queen?" Pagtatanong ni Kuya

Pero sinagot ko lang sya ng kasinungalian.

"Ayos lang ako Kuya"

Konting katahimikan ang bumalot saming dalawa since hindi na ko sanay na nakakausap sya, pero sya din ang bumasag sa katahimikan na ito.

"I know you're lying Queen . . You're still not okay . ."

Tumingin ako sa kaniya at dun ay umamin na ko since hindi ko din naman kayang magsinungaling sa kapatid ko. At dun ay naungkat ang nalilito kong damdamin para kay Theo at Philip.

"Queen hindi mo naman kailangan madaliin ang sarili mo . . All we just want to is for you to be happy"

"Pinipilit ko ang sarili ko na maging masaya Kuya . . Pero kahit anong gawin ko lagi kong naaalala si Philip kay Theo . . Ayaw ko maging unfair kay Theo . . Pero hindi ko talaga kayang kalimutan si Philip agad-agad . . ." at dun ay hindi ko na napigilan ang sarili ko

Tumulo na ang luha sa mata ko habang hawak ko ng dalawang kamay ang juice na kinuha ko sa ref na ngayon ay nakapatong sa kitchen counter kung nasaan kami ni Kuya.

"I keep on asking myself bakit nga ba kailangan mangyare to . . Bakit nawala si Philip at bakit nakikita ko sya sa ibang tao? . . . I don't want to be unfair pero hindi ko din kayang pilitin ang sarili ko na magmahal ng iba . . . Mahal ko si Theo . . Oo natutunan ko syang mahalin . . Pero masmahal ko parin si Philip . . At hindi ko kayang tanggalin yun sa sarili ko . . ."

Napansin ko na tumayo si Kuya sa kinauupuan nya lumapit sya sakin at niyakap ako, hinayaan ko nalang ang sarili ko na umiyak sa dibdib nya since hindi ko din naman alam sa sarili ko ang dapat kong gawin

"Iiyak mo lang yan Queen . . Iiyak mo lang . . ."

At dun ay maslalo kong nilabas ang hirap na hirap kong damdamin
< - - - >

Quade's POV

Ng mapansin ko na nakatulog na si Queen sa pagkakayakap nya sakin ay nagpasya ako na palabasin na ang kanina pang nakita ko na nakikinig samin

"Theo . . She's asleep now"

Lumapit si Theo ng dahan-dahan sakin at halata sa mukha nya ang nasasaktan kahit na pinipilit nya ang sarili nya na ipakita ay walang expression.

Hinayaan ko na sya na ang magdala kay Queen papunta sa kwarto nito pero bago ito umalis ay pinayuhan ko muna ito

"Don't give up on her Theo . . I believe dadating din ang araw na marerealize nya na wala na si Philip . . ."

"I won't Quade . . Kahit masakit para sakin na si Philip parin ang hinahanap nya pero nandito lang ako para pasayahin sya ng paulit-ulit"

Sa pagkaalis ni Theo ay hindi ko din mapigilan ang sarili ko na mapaisip dahil pareho kami ni Theo ng nararanasan.

Matapos mag-isip-isip ay nagpasya nalang ako na tawagan si Papa since gusto ko syang makausap tungkol kay Queen.

"Quade . . Kamusta dyan? . . Is everything okay son?"

" . . Hindi Dad . . Everything is still not okay . . ."

"Si Queen parin ba? . . Hindi nya parin nakakalimutan si Philip? . ."

"Hindi nya kayang kalimutan si Philip . . Akala ko okay na . . Akala ko may something na sila ni Theo pero wala parin pala dahil kahit anong pilit natin si Philip parin ang laman ng isip at puso ni Queen . ."

At dun at pareho kaming nanahimik dahil alam namin na may parte din kami kung bakit nawala si Philip.

"Hindi natin masisisi si Queen . . . Minahal na nya ng sobra si Philip kaya alam ko na mahirap para sa kaniya ang nangyayare . . . Hayaan nalang muna natin sya . . Alam ko naman na hindi sya pababayaan ni Theo . ."

Matapos ang pag-uusap namin ni Papa ay nagpasya nalang ako na pumunta ng kwarto ko at dun ay tumambay sa veranda at dun ay nagmuni-muni.

Hanggang kailan ba ko magiging ganito? . . . Hanggang kailan ako magiging masaya para sa sarili ko? . .
< - - - >

Don't forget to Vote, Share and Comment •

My Crazy Beautiful GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon