Uno

3.3K 79 0
                                    

" Good morning Dhalia"nakangiti kong sabi sa executive secretary nang aking ama.

"Yes ma'am Ysa. How can i help you po?!"agad nitong sagot.

Alam talaga ng mga tauhan ng ama na me kailangan siya kapag magpakita siya sa matayog na building na ito ng kanyang ama.

Napangiti siya. Matapos sabihin ko ang pakay. Agad itong nag tipa sa harap ng computer.

"Consider it done po" sagot nito.

"Good!and i don't want you to tell Mr. Mondragon ok?"kapag hindi siya nakaharap sa ama. She loves to call him by his name. Kung paanong gusto nitong pangalagaan ang pangalang Mondragon. Magsawa ito sa katatawag niyang ganun.

"Okay ma'am. I will call you for feedback!"nakangiti nitong sabi.

Tumayo na siya at lumabas ng building.
Naka plano na ang kanyang gagawin.
Nagtungo siya sa mall na pag aari ng pamilya Soler.

Matapos bumili ng mga kailangan. Nagpunta siya sa salon.

"Are you sure Madame?Sayang naman ang buhok ninyo"sabi ng bakla nang sabihin niyang gusto niyang ipaputol ang buhok niya na gupit lalaki. gusto niyang gupit katulad ng mga korean actor.At least hindi military cut.

"Sigurado ako. Do it now please!"utos ko dito.

"Okay!"sagot nito. I just close my eyes when he started to cut my hair.

Para din sa iyo ito Ysa,tutubo din yan.Konsolasyon ko sa sarili.

"Oh ayan pogi ka na!"bulalas ng bading nang matapos ang pagpapagupit niya.

Pinagmasdan niya ang repleksyon sa salamin.

"Salamat nagustuhan ko!"sagot niya dito.

"Ay bakla ka talaga?"tili ng bakla ng marinig ang kanyang boses lalaki.

"Sa palagay mo?"ulit niya.At muling sinipat ang sarili sa salamin.

"Papa, pogi!"maarte nitong sabi at akma siyang yayakapin.

"Tse!Lumayo ka sa akin." binalik ko sa boses babae ang aking tinig.

"Akala ko pa naman,pwede tayo!"nakangusong sabi ng bading.

"Haha. Here!"at inabot ko sa kanya ang me kalakihan na tip.

"Thank you pogi!"pahabol nito ng lumabas na siya sa salon.

**********
Matapos ang isang linggo nakatanggap siya nang magandang balita.

"Ma'am Ysa,pinapag report na kayo sa bago ninyong work."napangiti siya sa narinig. Dumating din ang pinakahihintay niya.

Una at huling pagkakataon ito na manipulahin nang kanyang ama ang kaniyang buhay. Kapag mapatunayan niya na palpak ang pagpili nito, malaya na siyang tumanggap ng manliligaw. Mag update siya sa facebook na open for relationship status!

Bumaba siya sa tapat nang isang gate. Hindi niya natatanaw ang bahay. Isa itong high tech security gate. Wala nakabantay pero control ng remote. Tumingala siya sa cctv.

Tumapat siya sa camera at nagsalita.

"I am the new hire driver from the agency".sabi niya.Inaral na niya ang boses na dapat ganito lang lalabas sa kanyang bibig. Sapat na ang isang linggo para mabihasa niya ang mga galaw at boses.

"Me susundo sa iyo diyan!"narinig niyang sabi.

Pumikit siya nag mariin. Sana maging maayos lang ang lahat.

Matapos ang sampung minuto bumukas ang automatic na mataas na gate. Kasunod noon ang paghinto ng isang electric golf cart. Lulan nito ang isang matandang lalaki,marahil mahigit na limampung taon na ito.

Napataas ang kanyang kilay. Mabuti na lang isang katamtamang laki ng travelling bag ang dala nila.

"Halika na otoy."tawag sa kanya ng lalaki.

"Anong pangalan mo?"nakangiti nitong baling nang sumakay na siya sa sasakyan na magdadala sa kanya sa loob ng tahanan ng lalaking nakatakda niyang pakasalan.

"Uno, manong!"sagot niya.

"Medyo malayo din ang Villa Soler kaya kailangan pa din nang ganito sasakyan. Ako ang dating driver ng pamilya. Kaya lang matanda na ako,kaya kailangan na nila ng bagong driver." sabi nito

Tumango tango ako. Pinagmasdan ko ang paligid. Such a sight to behold!Sa magkabilang gilid ng kalsada na tinatahak nila ay nagtataguyang puno. Typical na hacienda. Hindi niya akalain na me ganitong lugar pala sa Laguna.

Ibat ibang klase din ng kulay ng bougainvilla ang kanyang nakikita.
Kabaligtaran nang nakalakihan niya. Madalas na nasa ibang bansa siya,mostly building ang nakikita niya.

Naririnig din niya ang huni ng ibon. Ang payapa ng paligid. Sana maging payapa din ang buhay niya dito.
Sana pagkatapos nito maging mapayapa na din ang buhay niya, free as a bird. Malayang makapili ng lalaki na para sa kanya.

Matapos ang ilang saglit natatanaw na niya ang Villa Soler. Isang typical na Spanish style na villa. Habang papalapit namamangha siya sa laki ng bahay.

"Para namang palasyo!"komento niya. Para siyang napapasok sa panahon ng mga kastila. Yong tipong ang tawag sa mga amo ay senyor at senyora.

"Hindi makalabas ng bahay si senyorito Sib, dahil wala siyang driver".muntik na akong masamid. Senyorito nga?

"Andito na tayo.Halika ka na" yaya nito sa kanya.

"Me natitira pa palang ganitong bahay?"bulong niya sa sarili.

Sumunod siya sa paglalakad sa matandang lalaki. Dinala siya nito loob ng bahay. Hindi niya napigilan ang mapa wow! Ang taas ng ceiling. So classic. Napatingala siya sa babae na bumaba sa hagdan. Ito si Mrs. Soler ,nakita na niya ito sa hospital noon.

Huminto ito sa harap niya at sinipat siya. Agad niyang inabot ang hawak na folder.Inabot ito,na nakatingin pa din sa kanya.

"Magandang araw, senyora!"kanyang bati sa boses lalaki.

"Halika sumunod ka sa akin!"sabi nito at nagtuloy ito sa isang silid.

Pagpasok niya mukhang opisina ito. Nag kumpas ito ng kamay at itinuro ang upuan sa harap ng desk na inukopa nito.

Binuksan nito ang folder na inabot niya kanina. Matapos ma scan ay muli nitong isinara.

"Uno, right?"tanong nito na nakangiti. Tumango ako.

Hindi naman ito nakakatakot,pasadong maging mother in law.

"I want you to take care of my son. Mag isa lang namin siyang anak na lalaki, at siya lang magdala ng apelyido ng Soler . I want you to be with him always kahit saan siya magpunta. Don't allow him to drive, no matter what!Ayaw kong maulit ang nangyaring aksidente sa kanya recently."sabi nito.

" I understand senyora!"madali lang naman mag drive ng sasakyan. Airplane nga kaya niya,kotse pa kaya?

Unanswered PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon