Veinte Tres

2K 63 0
                                    

Dapit hapon na ng makarating sila sa cabin house.

" Such a nice place."

Sabi nito at nilibot ang tingin sa paligid. Ang tubig sa lawa ay nag iba ang kulay dahil na din sa repleksiyon ng araw na papalubog.

" Preapare mo lang ang ihawan at ipapasok ko lang ang mga pagkain at inumin."

Mabilis naman itong tumango, me nakahanda na ditong ihawan dahil ito ang gawain nila ng pamilya pag nagpupunta sila dito. Ganun din ang mga kaibigan niya.

Inilagay niya sa ref ang mga beer, sinigurado niya ang bawat bote kung saan ilalagay.
Paglabas niya naka ready na ang ihawan, lumapit siya dito at inabutan ng isang bote ng beer na siya na ang nag bukas.

" Thanks. Naubusan ka na ng beer in can?"

Tanong nito at uminom sa bote habang nag sisimula na nitong ilagay sa ihawan ang mga marinated na pork belly.

" Yeah.It taste the same anyway."

Nakangiti niyang sabi at naupo sa rattan chair.

"Ano pala ang plano mo Uno? Are you willing to be my driver forever?"

Tanong niya, looking at her intently. Meron pagkakataon na pag titingnan niya ito ,gusto niya itong yakapin at halikan.

" I don't know."

Mabuway nitong sagot. Napatango na lang siya.

" Wala ba sa isip mo ang mag asawa?"

Tanong niya muli dito. Sa pag kakataon na iyon, tumayo siya at lumapit dito. Tinulungan itong mag ihaw. Tulad nito meron din siyang hawak na beer at manaka naka niyang nilalagok.

"  I'm thinking about that. But my life is complicated."

" The situation or maybe you are the one making it complicated?"

Pasaring niya dito. Bakit lumapit ito sa kanya at nagpanggap na lalaki? Para makilala siya mabuti kung anong klase siyang tao?

" I can't tell you."

Pag iwas nito sa kanya. Hindi siya nag salita, pumasok na lang siya ulit sa loob at inilabas ang ilang prutas na dala ganundin ang bowl ng chiken salad.

" Is this enough for dinner?"

" More than enough."

Sabi nito at sa pagitan ng pag iihaw, pag inom ng beer at pagkain ng salad at prutas natapos ang kanilang hapunan.

Binuksan niya ang ilaw sa porch maging ang ilaw ng floating platform sa lawa, meron din doon na upuan at bubong.

" Doon natin ituloy ang inuman." 

Turo nito sa lawa.

" Good idea. I will get the beers, and grab some chips. Bitbitin mo na lang ang gusto mo pa kainin."

Tumayo na siya, pero tinawag siya nito.

" Kung meron kang hard liquor iyon na lang sa akin. Ayaw ko naman na tulugan mo ako ulit tulad ng dati. I think it's a fair  for us, since madali ka lang malasing."

" Okay then, beer for me. And hard liquor for you."

Sabi niya at tuluyang pumasok sa loob. Mabuti na lang meron din wine bar ang cabin na ito.
Matapos kunin ang isang bote nang pinakamatapang na alak na nakita sa cabinet ay sinundan niya si Ysa na nasa platform na.

" There you go."

Untag niya dito at inilapag ang bote ng alak at baso ganun din ang bucket ng ice na meron na din thong.

" I'll get my beer, and come back."

" Thank you."

Nakangiti nitong sabi at agad nag salin ng alak sa baso. Siya naman ay muling bumalik sa loob at kinuha ang kanyang mga inumin na nasa bote ng beer. Nagdala din siya ng blanket at bath towel.

" It's a perfect date you know?"

Sabi nito na nakangiti, habang nakatingala sa langit. Maliwanag ang buwan at kumikislap ang tubig sa lawa.

" Mabuti naman nagustuhan mo."

Uminom siya sa kanyang bote at pinapanood lang ito habang umiinom ng whiskey.Tapos biglang tumingin sa kanya, parang inaarok ang kanyang kalooban.

" Are you faithful?"

" Lasing ka na?"

Sa halip sagot niya na nakangiti. Umiling ito.

" Sagutin mo ako."

" Fine. Oo, faithful ako hindi ko magagawan saktan ang babaeng mahal ko."

Sabi niya na nakangiti, hindi nakalampas sa kanya ang pag simangot nito.

" I don't believe you."

Sabi nito at uminom muli, hinayaan niya itong uminom. Siya naman ay ganun din, this time soft drinks naman ang laman ng nakuha niyang bote.

" Kaya pala mixed."

Sabi niya sa sarili na nangingiti.

" Why i have this feeling that you like me? Usapang lasing lang."

Nakangiwi nitong sabi, marahil nahihiya itong itanong ang bagay na iyon sa kanya.

" I do like you."

Mabilis niyang sabi. Tumingin ito sa kanya tapos umiling iling.

" I mean, like me as you know..."

" I like to hug you and kiss you."

Sabi niya dito, tumitig din siya dito.

" But.."

She's speechless and confused it's all written in her pretty face.

" Hanggang hindi ka naghuhubad sa harap ko. I'm still seeing you as a girl Uno. Lumaklak ka lang ng testosterone pills kaya nagkaganyan ang boses mo."

Sabi niya dito. Wala naman sa loob na straight nitong nilagok ang alak.

" Your saying that and there's Ysa."

Mahina nitong sabi. Seryoso ko siyang tininggan.

" You want me to choose?"

Tumango ito. Napangiti naman siya.

" Usapang lasing, i want you both! Pareho ko kayong gustong manatili sa buhay ko."

" Then you are not faithful."

Bulong nito at uminom sa bote. Sumandal siya sa upuan at pumikit.

" Wag mo akong tulugan. Uminom ka pa."

Tawag nito sa kanya.Nagmulat naman siya ng mata at sinulyapan ito. Halos maubos na ang bote ng whiskey.

" Lasing ka na?"

Tanong niya. Kaya ang hawak nitong baso ay kinuha niya at siya ang uminom.Hindi naman ito nag protesta. Paglingon niya sa bote na ito lumalagok.

" Lasenggera. You are indeed fit to be wine queen."

" Kung halikan kita it will help you decide kung sino ang pipiliin mo?"

" Huh?"

Nabigla siya sa tanong nito.

" If you like Uno, you can't have Ysa, Ibarra."

Sa kabila ng kalasingan nito ay seryoso nitong sabi.

" Usapang lasing?"

Tanong niya pero umiling ito.

" Yes, lasing ako. But I'm serious. I want to know kung hindi ka bakla."

Sandali siyang natilihan. So, this is all about?

" Hindi ako bakla."

Madiin niyang sabi, naramdaman niya ang pagtayo nito sa upuan.

" Then let me kiss you!"

Tumapat na ito sa kanya.

" Sure!"

Bago pa ito makahuma ay hinatak na niya ang braso nito at bumagsak ito sa kanyang kandungan.

Unanswered PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon