Dieci Siete

1.9K 63 0
                                    

" What? She still can't make it?"

Nasa tinig ni Sib ang matinding disappointment. Ilang imbitasyon na ang pinadala niya para kay Ysabella Mondragon pero lagi na lang itong hindi pwede.

" Pag pasensiyahan mo na anak. Alam niya kasi pag nag asawa na siya hindi na niya hawak ang oras niya."

Pagpapalubag loob na sabi ng ina na hindi niya sinangsangayunan.

" She will just marry me, na hindi niya ako nakikilala man lang?"

Matamis na ngumiti ang kanyang ina.

" Kilala ka niya, just have patience."

" Mama, huling plantasyon na ng ubasan ang aanihin next month sa season na ito. When she will be available?"

" Before you knew it, nasa harapan mo na siya."

Pag aalo na naman nito sa kanya. At biglang tinawag ang kanyang driver.

" Uno, me lakad si Sib. Keep him safe okay?"

Bilin nito sa driver, na ngumiti  naman bilang tugon.

" No need mama, Adam will come to fetch me. We will visit Terence."

" Ganun ba? Okay tawagan mo na lang si Uno kung kailangan."

Bilin nito na tinanguan na lang niya. Nagpaalam naman si Uno at nawala na din sa paningin niya na ipinag pasalamat niya ng malaki.

Dalawang plantasyon na ang kanilang naani na tumatagal ng dalawang linggo bawat plantasyon.And during those time, mas nililito siya nito. He will always wear hoodie covering his hair, only his face in full show. He will just smile and just mouthed him words like, morning, bye, goodnight!

At ng tanungin niya bakit hindi ito nag sasalita, ang sagot sa kanya.

" I'm running out of testosterone pills! I'm scared my voice will change."

Alam niya sinasadya nitong mas mahulog siya sa matinding kuryusidad. Kasi binubuntutan nito ng ngiti ang kanyang pag kalito. He has no idea he is at it's limit to take his shirt off!

Kahit na ng last birthday niya na pool party, he invited him to join pero nawala ito. Kung hindi niya sinabi na sisisantihin niya sa sa trabaho hindi ito babalik.

" Curiosity kills the cat."

Pukaw ni Adam sa kanya. Patungo na sila ngayon sa pad ni Terence.

" Even Simon Ibarra Soler, will be killed. ' Cause of damn curiosity."

Tumawa na lang si Adam sa kanya. He is happy dahil si Ivanna na housemaid nito ay isa palang taga pag mana ng Mondragon. Si Ivanna pala ang sinasabi ng mga ito na lumayas.

Pero dahil nag paalam ito kay Adam na magbabakasyon, hindi niya ito makausap para makita na si Ysabella.

" Let me know if Ivanna came back. Gusto ko makita na ang kapatid niya. I bet she is also beautiful."

Tumawa si Adam, noong una hindi din ito makapaniwala na taga pag mana ni Mr. Lucas Mondragon ang kanilang naka takda maging asawa.

Kahit na tinanggihan ito ni Adam ng una at pinili si Ivanna na housemaid nito. Turns out ito pala ang runaway heiress ng mga Mondragon.

" Yeah, kailangan mo talaga siyang makita na. Baka mabaliw ka na sa driver mo."

Sang ayon ni Adam. Hanggat merong pagkakataon iniiwasan niya si Uno kasi nanadya itong guluhin ang kanyang damdamin.

Pagpasok nila sa pad ni Terence agad na napuno ng kantiyawan kasi naabutan nila itong nasa sahig at nasa ibabaw ng isang babae. Ang maswerting babae na minahal ng todo ng playboy nilang kaibigan.

"Anyway guys. This is Tatianna. Tia for short ."

Pagpapakilala ni Terence na malapad ang ngiti.

"They're my friends si Shaun,Adam and Simon Ibarra."

Lahat kami nag taas ng palad sa kanya, bilang pag bati.

"I like your name,Simon ibarra. Have you meet your Maria Clara?"

Nakangiti ito pero hindi niya mapigilan ang ngumiwi sa sinabi nito.

"Si Padre damaso ang meron siya."

Natatawang komento ni Adam, na binuntutan ng tawa ni Shaun.

"Ano ang hindi ko alam?"

Si Terence na walang alam dahil madalas itong abala sa mga shows.

"Masyado kang busy kaya nawalan ka na ng balita sa amin. Pero Ikaw alam namin lahat balita sa iyo".

Ank Shaun na nakatawa pa din sa kanyang mukha na hindi ma ipinta.Nagtungo na lang ako sa mini bar ni Terence at kumuha ng brandy.

"Sib baka malasing ka na naman at halikan mo si Padre Damaso."

Sabi ni Adam na tumatawa.

"Shut up!"angil niya dito.

"Problemado?"

Narinig kong tanong ni Terence.

"Haha problemang puso ang sa iyo me solusyon ang sa kanya malabo na."

Hindi na lang niya pinansin,alam niya pagdating ni Ysabella Mondragon. Mababago din ang lahat, ang kailangan lang niya ay ituon ang pansin at pagtingin dito.

" Lets have lunch in Santillian hotel. We will wait for you Terence."

Matapos mag paalam, lumabas na kami sa pad ni Terence. Baka me balak pa itong gawin at maka istorbo kami.

" Tsk, nagbunga ang itinanim na pag ibig ni Terence!"

Masayang sabi ni Shaun habang nakatingin sa labas ng hotel at makita na naghahalikan ang dalawa sa gitna ng ulan na at magkasukob sa payong.

Masaya siya sa kaibigan, pero me kapaitan sa kanyang kalooban. Magiging ganito din ba siya ka in love pagdating ng araw?

" Tama na iyan baka mapuno ng langgam ang hotel ko!"

Tawag ni Adam sa cellphone kay Terence bilang pang iistorbo sa moment ng magka sintahan.

Sumimsim lang siya ng alak sa katanghalian na tapat.

" Sib, don't worry. Wala pa din naman lovelife si CK kaya hindi ka nag iisa."

Nakangisi na sabi ni Adam sa kanya. Si CK ay isa pa nilang kaibigan na abala sa pagiging piloto. At pag sakay sa iba ibang babae.

" O ay di kayo na!"

Aniya sa mga ito, na ang mga mata ay kumikislap sa pagiging in love. Lalo na si Terence na hawak kamay ang kasintahan. Hinawakan nito si Tia in a possessive way.

" Lunch ang usapan Terence at hindi hapunan."

Lahat kami ay halos ay nag reklamo sa bagong dating na mag kasintahan na tinawanan lang nito.

" Ako na ang magbabayad. Celebration para sa magandang nangyari sa buhay ko."

Punong puno ng kasiyahan na sabi ni Terence.

" Natural lang. Natagpuan mo na ang love of your life."

" I will not ask for discount today Adam, sa kasal na lang namin ang regalo mong 50% discount in one of your hotel resort outside the country."

Nakangisi na sabi ni Terence, pero ang yaman yaman naman nito.

Unanswered PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon