" How's your date with Ivanna?"
Napaiktad siya sa boses ni Sib na nasa likod niya. Halos mag hatinggabi na, tapos na din ang off niya. Maaga ang lakad nila bukas kaya siya bumalik kahit alanganin ng oras.
" Bakit gising ka pa? Akala ko maaga tayo bukas?"
Sa halip sagot niya dito at kumuha ng malamig na tubig sa ref.
" Nauhaw ako."
Sagot nito at tulad niya kumuha din ito ng tubig.
" So, how's your date?"
Ulit nito, hindi niy napigilan na mapasimangot dahil sa pagtatanong nito.
" I think that's personal, Senyorito Ibarra."
Sagot niya dito at akma nang lalabas ng kusina ng muling marinig ang tinig nito.
" My friend Adam likes her at desidido siya sa panliligaw kay Ivanna. Masasaktan ka lang kaya, I'm warning you."
Bahagya lang siyang huminto sa paglabas ng kusina, pero hindi siya sumagot dito. Ako pa lokohin niya!
Simula ng gabi ng halikan siya ni Sib dahil sa sobrang kalasingan, hindi na siya nakatulog ng maayos. Siguro kailangan niyang baguhin ang taktika niya para tuluyan na nitong hindi pigilan ang sarili. Magiging malaya na siya sa manipulasyon ng kanyang ama.
Kinabukasan malaki ang kanyang ngiti,hinihintay ito na lumabas ng bahay. And as usual mommy nito ang naghahatid sa kanya sa pinto.
" Bye, Mom."
Anito at hahalik sa pisngi ng ina. Matindi talaga ang routine nitong senyorito niya.
Pinagbuksan niya ito ng pinto ng kotse.
" Magandang umaga, Senyorito."
Tumango lang ito sa kanya. Heto na naman ito sa kanyang panibagong mood. Ano kaya ang trip nito ngayong araw?
" Wala yata kayo sa mood Senyorito?"
Pinipilit niyang hulihin ang mailap nitong tingin.
" Yes I am! Mukha naman ikinatutuwa mo pa ang init ng ulo ko?"
Pikon nitong sabi sa kanya. Halata nito siguro sa klase ng kanyang mga ngiti.
" Naku hindi po. Nagkakamali kayo. Masaya lang ako dahil sa sinabi ninyo kagabi. Napag isip isip ako. You care about me."
Bigla itong baling sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
" Don't misunderstood. Kay Adam ako concern, ngayon lang siya nag ka gusto sa babae at gusto mo pa humadlang."
Sabi nito at muling inilayo ang tingin sa kanya.
" Ah, okay. Salamat pa din."
Sabi niya dito kahit hindi tumitingin ito sa kanya. Dahil sa nawalan na sila ng sasabihin Sa isat isa ang stereo ulit ang kanyang napag tuunan ng pansin.
" Oh i love this!"
Masayang niyang sabi at sumabay na naman siyang kumanta. Bahagya niyang sinilip sa rear view mirror si Sib pero wala itong reaction kaya pinapalagay na lang niya na okay lang dito ang gagawin niyang pag kanta.
" Savage love, Derulo!
If i woke up without ya, I don't know what i would do
Thought i could be single forever, til i met you"In between ,she hums the lyrics, at ang mga daliri niya sa manibela ay tinitipa niya habang siya ay kumakanta.
"Every night and everyday. I try to make you stay. But your..
Savage love, did somebody did somebody break your heart?Lookin' like your angel but your savage love. But when you kissed me i know you don't give two fucks. But still i want that your savage love."Hindi mapigilan ni Sib ang sarili na hindi pansinin ang mag daliri nito na tumitipa sa manibela. Why he has beautiful hands? Mahaba ang mga daliri nito at hindi manly parang ang sarap nitong hawakan.
" Dammit!"
Mura niya sa sarili, una pa lang niya nakita ay na curious talaga siya sa tao na ito. Mapagkakamalan mo talaga siyang babae, basta wag lang mag salita.
Kahit ang pisngi nito ay makinis parang never itong nagkaroon ng bigote at balbas. Though he saw her bought shaver last time na dumaan siya ng convenient store. But he doesn't look like his face touches any razor, napakinis.
" Savage love. Savage love."
Ulit ulit nitong sabi at napapikit na lang siya. Bakit ang lupit naman ng tadhana niya. Bakit nakakaramdam siya ng matinding kuryusidad sa driver niya?
Hindi niya napigilan, kundi tawagan ang kanyang ina. Bago siya tuluyang masiraan ng bait sa sarili.
" Turn off the radio, Uno."
Utos niya dito na sinunod naman.
" Yes mom. Nag desisyon na akong makipag kita sa babae na napili ninyo para pakasalan ko."
Walang ligoy niyang sabi bago magbago ang isip niya.
" Damn!"
Napaangat naman siya sa kanyang driver sa inusal nito.
" Naabutan tayo ng traffic, Senyorito."
Sabi nito, tumigil ang sasakyan at nakamasid ito sa kanya sa rearview mirror.
" No, mom. I think it's about time para makilala ko siya at pag aralan mahalin.At kung makakasundo ko ba."
Sa labi nitong kagat nito ang kanyang pansin.
" I trust you mom, i know you will choose me a beautiful wife. Hindi mo gugustuhin ang mga pangit na apo."
Mas dumiin ang paglalaro nito sa mga labi. Sa kanyang nalalabo na alala parang dumampi na ang mga labi niya dito. O marahil panaginip lang kung saan lagi laman ito ng kanyang panaginip pero sa kanyang panaginip isa itong babae. Kaya lalo siyang nababaliw pag gising niya.
" Yes, mom. Okay. I have to go, bye."
Paalam niya at ibinaba na ang tawag. Kailangan niyang ma meet ang babaeng nakatakda niyang pakasalan. Nang sa ganun meron siyang ibang mapag tutuunan ng pansin, at mawala ang atensiyon niya sa kanyang driver. Na kahit saang anggulo niya tinggnan hindi niya nakakakitaan ng pagiging lalaki. Except his goddamn voice. Pero madalang lang din ito magsalita. He never heard him laugh either, mas lagi lang itong nakangiti. And he finds him sweet pag ito ay nakangiti.
" It's about time, Senyorito. At least hindi na ang mommy ninyo ang nagbibigay ng goodbye kiss sa inyo bago kayo pumasok sa opisina ninyo."
Sinamahan nito nang kindat ang sinabi.
" Yeah, i guess it's about time."
Sang ayon niya dito. Umaasa din siya mababaling ang anuman na damdamin na nagpipilit na kumawala sa kanyang dibdib.
Ang pinagtataka niya sa sarili, hindi naman siya nagkaroon ng anumang kakatwa sa mga lalaki na kasalamuha niya. Higit sa lahat mga kaibigan niya na mga gwapo din naman.
Why only to him? Gustong gusto niya itong hubaran para mapatunayan niya ang kanyang kasarian.
BINABASA MO ANG
Unanswered Prayer
RomanceSimula pa pagkabata madami na siyang mga wishes na hindi nagkatotoo. Lahat ng pangarap at gusto niya sa buhay according to her father's choice. Even her marriage ay naka plano. Dahil sa kagustuhan na hindi matuloy ang kasal nagpanggap siyang la...