Tres

2.3K 62 1
                                    

"Me problema ba senyorito?" Agad na tanong ni Uno sa lalaki na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya.

"Sigurado ka hindi tayo mababangga?" Alanganin nitong tanong.

"Bakit naman senyorito? Mukha ba akong hindi marunong mag drive?" Ganting tanong niya.

"Napaka  dark nang shades  mo. Tinalo mo pa isang celebrity na kailangan mag disguise para hindi makilala!" Sabi pa nito, gusto sana niya itong pagtawanan kung hindi lang baka unang araw pa lang sisantehin siya nito.

"Me problema siya sa shades ko?" Hindi niya napigilang bumulong.

"Senyorito,pasensya na. Medyo namahay lang ako kaya mapula ang mga mata ko. Ayaw ko naman isipin nyo na nag aadik ako." Totoo naman na hindi agad siya nakatulog kaya mukhang limang kilo ang eye bags niya.

"Teka,teka. Hindi ka naman siguro nag da- drugs?!" Sa reaksyon nito para itong tatalon sa labas ng sasakyan. Not manly gesture at all! Nagbubunyi ang loob niya sa ipinapakita nitong mga galaw.

"Clear ako sa drug test,and I am clean. As in wala akong bisyo,senyorito." Inalis niya ang shades at nilingon ito.Nginitian niya ito at lumabas ang maputi at pantay na mga ngipin.

Napansin naman niya ang pagtitig nito sa kanyang mga labi.

"I don't smoke also." Aniya at pinataas ang  mga kilay.

"Okay! Just drive." Utos nito at itinuon ang mga mata sa labas ng sasakyan.

Ysa can't help but to smile,he was pissed  for the reason she doesn't know.

"Ang lakas ng sumpong,parang me regla lang." Mahina niyang bulong sa sarili.

"Me sinasabi ka?regla? Anong regla." Baling nito sa kanya.

"Ang mata ko po senyorito.Mapula.Parang regla."

Nakangisi niyang sabi dito. Hindi maitago sa mukha ni Sib ang pagkadisgusto sa kanyang sinabi. Nakatiimbagang ito at iniiwas ang tingin sa kanya.

Hindi na muling nagsalita ang lalaki,hanggang makarating sila sa mall na pag aari ng pamilya nito. Sa isang exclusive na parking lot niya inihimpil ang mamahalin nitong sasakyan.

"Hold this!"pabalang nitong sabi at inabot sa kanya ang bitbit na attache case. Nagmamadali itong naglakad papasok sa loob. Para tuloy siyang aso na nakasunod sa amo. Hindi naman niya alam ang teritoryo ng lalaki kaya hindi ito dapat mawala sa kanyang paningin.

"Good morning Sir!" Agad na bati ng mga empleyado dito. Pero nasira na yata talaga ang araw nito at parang walang naririnig.Tuloy tuloy lang ito kung san man ang destinasyon. Siya na nasa likuran ang walang nagawa kundi gantihan ng tango at ngiti ang mga empleyado na dinedma nito.

"What are you doing!?" Malakas na tinig ni Sib na di niya namalayan na tumigil at nilingon siya. Huling huli siya sa kanyang ginagawa. Ang kanyang bibig na nakangiti ay napa awang. Para itong kakain ng tao lalong nailang ang mga empleyado sa kanya.

"Nothing sir." Sagot niya lumikot ang kanyang mga mata,napansin niya sa kanan ang isang hindi katangkaran at kayumanggi na babae.

"I find her cute,nagpapansin lang. " sabi niya sa lalaki. Sinulyapan lang nito ng tingin ang kanyang ininguso at walang salita na tinalikuran siya.

"Ang sungit ni Kapitan. " mahina niyang sabi at sinundan ito sa administrative office ng gusali.

Inikot  niya ng tingin ang opisina. Mukha naman na para sa lalaki nga umuukopa nito.

Matapos ibaba ang coat sa sandalan ng swivel chair ay agad itong nag dial sa intercom. Ilang saglit at may pumasok na babae. She's simple,sexy and pretty.

"You can leave now." Taboy nito sa kanya.

Tumalima naman siya sa utos nito. Matapos lumabas sa opisana nito, nilibang na lang niya ang sarili. Sa arcade ng mall siya nagtungo.

Hindi niya maintindihan pero nakadama siya ng inggit sa mga batang kasama ng mga ama habang nag lalaro.

Ang pag alalay ng isang ama sa anak na babae na marahil dalawang taon gulang sa pagsakay nito sa rides.

Shen never experienced such thing, sila ni Ivanna. Masyadong naka plano ang buhay nila.Sobrang abala din ng kanilang mga magulang para magkaron ng lugar upang ipasyal sila.

Malapit na tumulo ang kanyang luha sa pag e emote niya ng mag ring ang kanyang celphone.

"Senyorito, ano pong meron?" Sagot niyang tawag.

" Anong klaseng sagot yan?" Halata ang galit sa boses ng nasa kabilang linya.

"Okay po,papunta na." Aniya at nagmamadali siyang pumunta sa opisina ng lalaki.

Muntik na siyang mabunggo sa dibdib nito ng pagbukas niya ng pinto katawan nito ang nakaharang na palabas na din ng silid.

Tiningnan Lang Siya nito ng masama at tuluyan ng lumabas na ng opisina.

Nakasunod Lang ang dalaga hanggang makarating sila ng parking lot. Matapos pagbuksan ng pinto ng sasakyan ang binata ay umikot na siya sa driver seat.

" San po tayo Senorito?" Aniya na nilingon ang lalaki.

"Just drive. I will just send location where we are going." Panuplado nitong Sabi.

Nagkibit balikat Lang si Ysa at sinunod ito mukha kasing kakainin siya ng buhay kung makatingin sa kanya.

Nanggigil na siyang komprontahin ang binata kung ano ang problema nito sa kanya.

She really need to have more patience  kasi kung ganito ang ugali ng magiging asawa niya na napili ng ama niya. Hindi paglagay sa tahimik ang mangyayari kundi pagpasok sa geyira. He's so moody. Maarte. Who cares kung sobrang gwapo?.

Napahampas siya sa manibela ng biglang pag kontra sa naiisip na na gwapuhan Siya sa lalaki.

"Hey, what's your problem?." Pagsita nito sa kanya.

" Meron Lang po naka motor na nag cut,walang desiplina.!"

"Mainitin ang ulo mo.Hindi maganda yan." Sabi nito sa cellphone ang tingin.

" Pasensya na, senyorito"

" Para naman mahaba ang pasensya niya." Kausap niya sa sarili.

" May sinasabi ka?" Tanong nito na salubong ang kilay.

" Wala po." Eksaherado siyang umiling.

"Tsk!"narinig na lang niyang sabi ni Sib.

Wala nang maririnig na salita sa bawat isa hanggang makarating sila sa destinasyon.

Unanswered PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon