Catorce

1.8K 55 0
                                    

" Hey, Ysa!"

Bungad sa kanya ni Ivanna.

" Wag mo akong inggitin at hindi ako maiingit sa bakasyon mo. I can fly to Switzerland now if i want to and enjoy Blausse."

Angil agad niya sa kapatid, hindi ba niya alam na halos mag hating gabi na?

" Hindi kita iingitin, gusto ko lang sabihin sa iyo, si Kapitan Tiago mo merong babae na dinadala sa room niya and  grab maybe 5 pieces of condom."

Balita nito sa kanya at hindi niya alam ang magiging reaksiyon.

" And so?"

Sa dami nitong sinabi iyon lang ang sagot niya.

" He is definitely not gay. We can hear from outside their groans and moans."

Sabi pa nito na nakapag painit sa ulo niya.

" Damn! Ivanna, I don't care. Hindi ako intresado sa sex life niya. Nong halikan niya ako bakla na siya para sa akin. Kaya tigilan mo ako."

Naiinis niyang sabi sa kapatid. Bago pa niya putulin ang tawag, narinig pa niya ang paghalakhak nito.

" Hayup na lalaki na iyon, lalakero na babaero pa?"

Dahil sa matinding inis hindi na niya alam kung anong oras na siya nakatulog. Nagising na lang siya ng mga alas diyes ng umaga dahil sa tawag ng ina ni Sib.

" Bring Sib, here at dinner time. Hindi ko siya ma contact, sabihin mo emergency."

" Yes Ma'am."

Tinatamad pa siyang tumayo at mabilis na nag shower, saka nagtungo sa Mondragon private hanger at nag renta ng helicopter na susundo sa kanyang amo.

Mostly ang pilot nila dito ay mga retire airforce at mga domestic pilot. Dumaan muna siya dito bago maging international pilot. Pero sa kanyang maiksing buhok at hindi nag li lipstick meron man haka haka pero walang nagtatanong kung sino siya.

" Capt. Villar."

Pakilala nito sa kanya na inilahad ang kamay.

" Just Uno, si Mr. Soler ang susunduin natin sa Palawan."

" Ang lakas sa management, galing pa sa taas ng endorsement sa flight na ito."

Sabi nito, habang nag sisimula na itong mag prepara para sa paglipad.

Matipid niya lang itong nginitian. Wala siyang nasa isip kundi si Sib na babaero na din ngayon!

Makalipas ang isang oras lumapag na siya sa private resort na nasa isa palang isla na pag aari ng pamilya Santillian.

Pagbaba niya sa buhangin agad niyang hinanap ng tingin ang pakay, pero agad na nakakuha ng kanyang pansin si Ivanna at si Adam na magkayakap.

"Trust me Ivanna. Hindi kita sasaktan." Malambing na sabi ni Adam na nakayakap kay Ivanna.

"Ehem!"

Malakas niyang tikhim nakapagpahiwalay sa dalawa.

"Hey! Uno!"

Masaya agad na bungad ni Ivanna.

"I'm here to fetch Senyorito Sib. Me family emergency."

Tiningnan niya si Ivanna na humihingi ng paliwanag sa naabutan na eksena.

"I will call Sib. Maiwan ko muna kayo ."

Unanswered PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon