Dos

2.5K 71 0
                                    

"Mama,dumating na ba ang driver?"pareho kaming napalingon sa bagong pasok ng silid.

Awtomatikong naglakbay ang aking mata sa bagong dating. Wala na itong anuman na tanda ng aksidente. Ang gauze nito sa noo ay wala na din. Mas gwapo ito sa personal kaysa sa larawan na nakita niya. And definitely much more handsome in hospital bed and gown. Nakapambahay ba ito? Bakit para naman rarampa sa runway ang dating.

"Ehem!"sabi nito at lumapit sa kanya. Mataman pinagmasdan ang aking mukha.

"Mama,bakit naman makinis pa sa akin ang balat nito. Wala man lang pores akong makita!"

Muntik na akong mahimatay sa komento nito. Por diyos por santo. Nangangamoy bakla talaga ito.

Kinagat ko ang aking dila para mapigilan ko ang tumawa o magsalita.

"Ma, ayaw ko nang baklang driver!"hirit pa nito na gusto na naman niyang sapakin.

"Hindi ako bakla sir!"sagot niya

"Baka mabakla ka? Ang sama nang tingin mo sa akin eh!"

"Wow, sir. Seryoso kayo?"

"Sib, he is Uno your personal driver " hay mabuti na lang naisipan ng ina nito na sumingit sa mga birada ng nangangamoy bading na si Sib!

Isang mapagdudang tingin pa ang ipinukol nito sa akin. Siya na ang allergy sa bading.

"Are you sure Mama? He will be my driver?"alanganin nitong sabi. Hindi pa din inaalis ang tingin sa akin.

"Yes, Sib."maang nitong sagot. Hindi nito ma gets ang disgusto ng anak na natalbugan pa niya sa kinis ang balat nito na marahil alaga ng derma.

"Pero solo en su voz me imagino que la mujer a la que?" sabi nito sa ina na napataas sa aking kilay.

"Usted no tiene planes para desnudarlo para demonstrar que los niños."

Wow! Subukan lang niya akong hubaran para lang patunayan na isa akong lalaki,mababawasan ang angkin nitong kagwapuhan.

"They don't know i can understand what they're saying. I have foreign language subject?" I kept my mouth shut. Hayaan ko lang ilabas ni Sib ang kanyang delimna. Babae ba ako o lalaki?

"I changed my mind,Mama. I will go out tomorrow na lang."sabi nito at naglakad na nang pinto. Nakahawak na ito sa seradura ng biglang humarap.

"I will let you rest, baka mag dry ang skin mo kung hindi maging sapat ang pahinga mo!"baling nito sa akin

"Anong problema niya sa balat ko?"bulong ko. Pero alam ko narinig ako nang ina nito.

"Hahaha si Sib talaga."nag dial ito sa telepono sa ibabaw ng desk nito.

"Pat,ipadala mo dito si Loutes"sabi nito at ibinaba ang tawag.

Hindi naman nagtagal me pumasok sa loob na marahil ay kaedad niya. Kayumanggi ang kulay at hindi gaano kataasan. Ang tamang description cute siya.

"Yes po Senyora."agad nitong bungad sa kanya.

"Dalhin mo si Uno sa kanyang magiging silid dito."sabi nito.

Tumayo na ako at magalang na nagpaalam dito at lumapit sa katulong na nakatulala na nakatingala sa akin.

"Loutes!"untag ko dito. Para naman itong namamalikmata.

"Yes,po!"automatic magsasagot ah.

"Sabi ni Senyora,dalhin mo ako sa silid ko"ulit ko sa sinabi ng senyora n marahil hindi nito naintindihan.

"Pasensya na,halika sumunod ka sa akin."sabi nito at nagpatiuna nang lumabas.

Para lang akong aso na nakabuntot hanggang humantong kami sa likod nang Villa me mga nakahilirang mga pinto dito. Marahil ito ang area kung san natutulog mga trabahador sa pamilya ng Soler.

"Ito ang magiging tuluyan mo dito!"binuksan nito sa kanya ang isang pinto. Isang silid na pagpasok ay kama na at isa pang pinto na marahil ay banyo.

"Bawat silid dito merong sariling cr,kailangan panatilihin mo itong malinis. Ayaw ni Sir Sib na mapabayaan ang bawat silid dito."
Sabi nito at inabot sa kanya ang susi na kinuha sa bulsa ng uniform nito.

"Ang Sir Sib na yan ba me sayad?"bigla kung tanong.

Nanlaki ang mata nito at malakas na tumawa.

"Bakit mo naman nasabi yan? Ikaw pa lang ang naglakas loob na magsabi nyan?" Tanong nito.

"Para kasi siyang kakaiba."

"Kakaiba talaga si Sir. Kakaiba ang kagwapuhan niya.!" Sabi ni Loutes at malutong na tumawa.

Gusto Sana niyang mahawa kaya lang magiging boses babae siya kapag tumawa siya.

" Naku,mabait yang si Sir Sib. Minsan masungit nga lang yan lalo na kapag hindi nasusunod ang gusto."

" Me tantrums? Ganun?" Tanong niya.

Sinipat siyang mabuti ni Loutes bago magsalita.

"Ikaw kakaiba ka din.Ka lalaki mong Tao,intresado ka kay sir Sib.Hmmm." anito at tinapik tapik ang Baba ng daliri. Parang me hindi maganda na iniisip.

" Syempre,sa kanya ako mag trabaho.Kinikilala ko Lang!." Palusot niya sa pag uusisa niya.

" Sabi mo eh! Wag Kang mag alala magugustuhan ka niya. Lahat ng kaibigan non puro mga gwapo. Kaya hindi iyon magiging allergy sa iyo." Nakangiti nitong sabi.

" Ang gwapo mo kaya!" Pahabol nito.

Matipid lang siyang ngumiti.

" Salamat Loutes. Okay na ako dito."taboy niya sa babae.

" Okay, Kung me concern ka kay Manang Pat ka magsabi. Siya ang ating mayordoma." Ani Loutes at lumabas na siya ng kwarto niya.

Matapos makapag isa. Ginala niya ang  paningin sa silid na iyon. Maliit pero maayos.Mukhang makakatulog naman siya ng mabuti.

Mga damit lang ang kanyang inilabas. Ang kanyang mga beauty creams at mga gamit na babae ay nanatili sa kanyang bag lalo na ang mga sanitary napkin.

" I hope everything will be alright." Kausap niya sa sarili.

Matapos tiyakin na naka pinid ang pintuan ay ginawa na niya ang routine niya bago matulog.

Unanswered PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon