Siete

2K 69 0
                                    

" You two knew each other?"

Tanong ng boss ni Ivanna, sinipat siyang mabuti na alanganin naman siyang ngumiti.

" We used to work together."

Sagot naman ni Ivanna at ikinawit ang mga braso sa kanya.

Nagkatinginan muna ang dalawa, hanggang hindi niya alam kung bakit napapayag silang kumain kasama ng mga ito.

Inakbayan niya si Ivanna at saka pabirong sinabi.

" Masarap pag libre. Besides na miss kita. Ngayon lang ulit tayo mag kakasama kumain."

Naupo sila kasama ng mga iba pa nitong kaibigan. Pero pansin niya ang pag lukot ng gwapong mukha ng boss ni Ivanna kaya mas lalo siyang nakaisip ng kapilyahan.

" Parang gusto kang gawing appetizer ng boss mo?"

Bulong niya dito, bahagya siya nitong hinampas sa hita at humarap sa kanya.

" Order for me, Uno."

" Sure, let's have steak since libre naman. Di ba Senyorito Sib?"

Baling niya sa kaharap na lalaki na lukot din ang mukha. Pero hindi nakabawas sa kagwapuhan nito.

" Para naman me ibabayad ka. Ang dami mo na ngang cash advance."

" Ang sungit parang me regla."

Bulong niya kay Ivanna at tumawa lang ito.

" Me sinasabi ka?"

Agaw atensyon nito sa kanya.

" Wala naman po."

Sabi niya at tumahimik na. Nabaling ang pansin ng mga nasa mesa kay Ivanna. Hindi niya alam saan nanggaling ang mga pinagsasabi nito pati siya nadamay.

" At ikaw naman anak ka ng Korean?"

" Bakit mo alam?"

Maang maangan niyang sagot.

" Your skin speaks it all."

Sabi lang nito, at nag simula ng kumain. Nagsimula silang mag katinginan ni Ivanna.

Matapos ang isang masayang hapunan, nagpa alam na din sina Ivanna.

" Take care, Ivan and call me anytime."

Bilin niya dito bago sumama sa boss nito na ubod din ng gwapo.

" Alis na ba tayo Senyorito?"

Tanong niya sa kanyang amo na nakamasid sa kanya.

" Is she the one you we're thinking about?"

Tanong niya, tumango na lang siya.

" Well, I don't think she will choose you over Adam Santillan. You will be broken hearted just forget about her."

Hindi naman concern ang nahihimigan niya sa tinig nito kundi galit.

" Ang tanong senyorito, siya ba ang pipiliin ni Adam? I don't think so."

Nakipag titigan siya dito na ito din naman ang sumuko.

" Sib, aren't we supposed to celebrate? "

Lumapit sa kanila ang, hitad na modelo na ng umalis sina Adam at Ivanna kay Sib naman ito nagpakita ng malusog na dibdib.

" Of course, i will host a party. Send ko na lang ang invitation sa iyo."

Magiliw na nitong sabi.

" Bring friends, I don't mind."

Dugtong pa nito, na ikinagalak naman ng modelong hitad.

" Looking forward to it."

Unanswered PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon