Veinte Ocho

2.3K 61 0
                                    

" Good morning Uno."

Masayang bati niya sa dalaga ng maabutan ito sa kusina at nagkakape.

" Morning."

Ganting bati nito.

" What's with the cap?"

Pansin niya sa baseball cap nitong suot, unang pagkakataon niya itong makita na me suot noon.

" Humaba na buhok ko, hindi pa ako nakakapag pagupit. How's your weekend by the way?"

Tanong nito sa kanya, na nakapag pangiti sa kanya ng malaki.

" It was awesome. How about you?"

Ganting tanong niya dito, hindi ito makatingin sa kanya.

" Sore. I played basketball."

Hindi ko mapigilan ang matawa sa sinabi nito. Na kina kunot nito ng noo. Ang naisip kasi niyang basketball ay shoot muna bago dribbled.

" Sorry, I didn't know you can play basketball. Let's play sometime, pag hindi na ako busy."

Pagyaya ko sa kanya.

" Anong lakad mo ngayon?"

Tanong nito habang humihigop ng kape.Hindi man lang kinumpirma kung makikipag laro sa kanya ng basketball.

" Mag propose si, Terence. Punta tayo sa camp Aguinaldo.

" So, lahat ng friends mo andun?"

" Of course, kami ang back up ni Terence."

Hindi nakalusot sa kanya ang pag simangot nito.

" Why?"

Umiling lang ito, at iniwan, na siya sa kusina bitbit ang tasa nang kape.

********
" Terence, really prepared for this ha?"

Tanong niya kay Sib nang makita ang pag set up nito sa stage ng grandstand. Lahat ng importante na tao sa buhay ni Tia ay andun.

" Yup, he's very much in love with Tia."

Nakangiti nitong sabi at lumapit sa mga kaibigan nito na naghihintay sa kanya.
She's wearing a cap at dark sunglasses. Andito din ang kanyang mga pinsan, but she's far different from Ysa.

" Dito ka muna and enjoy the show."

Nakangiti na sabi ni Sib sa kanya na tinanguan lang niya. Pumuwesto siya sa pinaka likod. At nang dumating si Tia sakay ng chopper ay agad na inakay ito ng isang dalaga at itinayo sa unahan na bahagi.

Noon bumaba ang telon na nakaharang sa stage. Nasa likod na ng kanya kanyang musical instrument ang buong barkada nito at kaibigan.

Nag I enjoy siyang panoorin ang matapang na proposal ni Terence Buenavista. Matapos itong kumanta at umakyat sa stage si Tia doon lumuhod si Terence at inalok ito ng kasal.

Naiiyak na tumango si Tia at tinanggap ang singsing. Malakas na sigawan at palakpakan ang narinig sa grandstand. Lahat ng nakasaksi ay nakiisa sa kasiyahan ng mga ito.

Masaya siya sa pinsan niya, sana maging maligaya sila habang buhay.

" Halika na, Uno next destination tayo."

Nakangiti sabi ni Sib bago pa sila makasakay tinawag na sila ni Adam.

" Sib, can I speak to Uno for a while?"

" Can't wait, ba dude? Sa engagement party na lang ni Terence. Let's meet at sa hotel."

Hindi niya inaasahan ang pag akbay nito sa kanya at iginiya siya sa sasakyan. Sa pagkakataon na ito, si Sib ang umupo sa driver seat.

Unanswered PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon