" Uno, let's watch movies."
Yaya niya dito pagkatapos nilang maghapunan.
" Ayaw ko baka mamaya comedy na naman iyan."
Pagtanggi nito at balak na siyang talikuran,pero hinawakan niya ang braso nito. Mabilis na hinila at inakbayan.
Napasinghap ito sa ginawa niya.
" Ikaw ang mamimili ng movie. Sige na, hindi pa ako inaantok."
Pamimilit niya dito.
" Hindi ka ba napagod sa plantasyon kanina?"
Tanong nito.
" Nakatayo lang naman ako doon ah."
Sabi niya at dinala niya ito sa sala.
" On second thought, sa room ko na lang kaya tayo manood para pag antukin ako diretso tulog na?"
" No! Dito na lang tayo."
Mabilis nitong tanggi at ibinagsak ang sarili sa malambot na sofa. Nangingiti na lang siya.
Dinampot nito ang remote at nag scroll sa Netflix. Mabuti na lang at isang action movie ang naisapan nito. Akala niya mga series na hindi niya hilig panoorin.
Naupo ito sa pinaka dulo, siya naman sa kabilang dulo. Isinandal niya ang ulo sa arm seat, at iniunat ang mga binti sa center table.
Napansin niya ang pagngiti nito ng lumabas ang bida na si Jason Statham.
" Uno, favorite mo siya?"
Tanong niya na tumango lang ito hindi siya pansin na titig na titig siya dito. Ang ganda nito kahit saang anggulo. Ngayon na naka side view ito, prominente ang ilong nito na bagay sa maliit na mukha. Ang labi nito na kumikibot kibot. Napangiti siya sa pag nakaw niya dito ng halik ng makatulog ito sa porch ng cabin house sa lake.
" How about Henry Cavill?"
Tanong niya, kasi madaming kababaihan ang fans din ni superman.
" Of course. I love him too."
Mabilis nitong sagot, hindi nito na isip na siya si Uno. Nakita lang nito ang hubad na katawan ni Jason. Lalo siya napangiti. She likes muscled man, mabuti na lang meron din siyang abs.
" Ysa.."
Sabi niya, mabilis itong lumingon sa kanya. Nanlalaki ang mga mata.
" Isa din akong fanatic ng Superman at transporter."
Nakangiti niyang sabi dito. Hinawakan nito ang dibdib at nagpawala ng relief sigh.Hindi siya muli nag salita, itinuon ang pansin sa pinapanood.
Inabutan niya ito ng throw pillow ng sumandal din ang ulo nito sa arm seat ng sofa. Tinanggap naman nito at ginawang unan.
" Ysa.."
Lumipad ulit ang tingin nito sa kanya, mula sa pinapanood.
" Isa pang throw pillow?"
Tanong niya at iniangat ang throw pillow na nasa kandungan niya. Sinamaan siya ng tingin pero inabot ang unan at niyakap.
Natapos ang pelikula pero dilat pa din siya hindi siya dalawin ng antok.
" Ysa..."
Muli niyang sabi ng balak nitong tumayo, as usual ang tingin nito sa kanya ay murderous.
" Isa pa, hindi pa ako antok. Let's watch Henry Cavill."
Pagyaya niya dito, his eyes is dancing with amusement.
" Manood ka mag isa mo!"
Sagot nito at nag martsa na ito paalis ng sala. Hindi niya napigilan ang pagtawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/107547567-288-k855729.jpg)
BINABASA MO ANG
Unanswered Prayer
Roman d'amourSimula pa pagkabata madami na siyang mga wishes na hindi nagkatotoo. Lahat ng pangarap at gusto niya sa buhay according to her father's choice. Even her marriage ay naka plano. Dahil sa kagustuhan na hindi matuloy ang kasal nagpanggap siyang la...