" Imagination ko nga lang ba ang lahat, Uno?"
Naiiling ito sa kanya.Tumayo ito at pumasok sa loob ng cabin house.
Ipinag patuloy lang niya ang pag higop ng kape habang nakatayo sa porch at nakatanaw sa lawa.
Ano kaya ang mangyayari kung itinuloy niya ang intimate moment sa dalaga. Napakunot noo siya ng tumunog ang kanyang cellphone.
Hindi naka register ang numero nito sa kanya.
" Hello."
Sagot niya sa tawag.
" Hey, Sib. It's me Ysabella Mondragon."
Kahit na araw araw niya itong nakakasama marinig ang totoo nitong boses, kumabog ang dibdib niya. Her voice is music to her ears, at nakikipag usap pa ito bilang Ysa.
"Finally! Kanino ko utang ang tawag na ito?"
Nakangiti niyang sabi at humarap sa loob ng bahay. Hindi niya makita ang dalaga. She might hide somewhere.
" I'm sorry, I'm just busy lately. Kinukulit na ako ng daddy ko. Maybe it's about time we met up?"
Naisip niya kung ano na naman ang naisip ng dalaga at magpapakita ito bilang Ysabella.
" I loved too, Ysa. I'm dying to meet you finally."
Hindi niya maitago ang kasiyahan. How this girl will face her?
" I'll send the place. How about Saturday night is it okay?"
Tanong nito sa kanya. For sure alam nito na pwede siya. Ngayong araw sila babalik sa manila.
" Sure, I'm excited to see you. And thank you for deciding to meet me after my five time rejected invitations."
Narinig niya ang mahina nitong pag tawa.
"I'm sorry, I'll make it up to you. See you, Sib."
Hindi pa din mawala ang ngiti niya ng magpaalam ito. Me bago na naman pakulo ang dalaga at anuman iyon paghahandaan niya.
" Ibarra, uuwi na ba tayo?"
Sumulpot mula sa kung saan ni Uno. Ang mga kamay ay nakapasok sa bulsa ng hoodie jacket nito.
" Yeah, by the way you can drive?"
Tumango naman ito.
" Good! Babalik na tayo sa Villa Soler. I have a date to prepare."
Naiiling na lang ang dalaga at sumakay na sa driver seat.
" You look happy."
Pansin nito sa kanya.
" Yup sa sobrang saya ko gusto kitang yakapin. Uno my friend!"
Nakatawa niyang sabi dito. Parang gusto siya nitong sapakin pero minabuti na hindi magsalita, matapos tinggnan siya nang matalim.Hindi na ito nagsalita hanggang makarating sila ng farm house. Kinuha nila ang kanilang gamit at nagpalit sila ng sasakyan.
Inunahan niya si Uno sa driver side.
" Ako muna ang mag drive. Magpalit na lang tayo pag napagod ako. Nalasing ka kagabi magpahinga ka muna."
" Hindi ako nalasing."
Sabi nito pero pumasok na din sa sasakyan. Pinaandar niya ang sasakyan at nag maniobra paalis.
" Good! Akala ko dahil lang sa kalasingan kaya mo naisipan na halikan ako ."
" Sib! Usapang lasing remember? What happens in that lake house, stays there okay?"

BINABASA MO ANG
Unanswered Prayer
RomanceSimula pa pagkabata madami na siyang mga wishes na hindi nagkatotoo. Lahat ng pangarap at gusto niya sa buhay according to her father's choice. Even her marriage ay naka plano. Dahil sa kagustuhan na hindi matuloy ang kasal nagpanggap siyang la...