Epilogue

4K 126 19
                                    

" Is this expired? It tastes like water?"

Lahat kami napalingon kay Adam na sinisipat ang bote ng beer. Matapos ang prenup photoshoot nila ni Ivanna nag tuloy sila dito sa kanilang farm.

At kasalukuyan silang nasa cabin house, na nakatayo sa gilid ng malawak na lake. Lumapit si Ivanna at inamoy ang beer.

" Baka tubig talaga ang laman?"

Anito na nagkibit balikat, lumapit sa kanya at tinulungan siyang mag ihaw.

" Sib?!"

Naka peace sign si Sib ng lingunin niya. Narinig na lang nila ang tawanan ng magkasintahan. Without telling anything, everyone knows kung ano ginawa nito.

" Ay naku, Sib!"

Naiirita siyang umalis sa porch at bumaba sa floating platform. Nag inhale-exhale siya habang nakaharap sa lawa. Nakapamewang siya habang ginagagawa iyon.

" Ysa, sorry na, bati na tayo. Bakit ba ang sungit sungit mo, ha?"

Pumulupot ang mga braso nito sa kanyang beywang. Ang baba ay ipinatong sa kanyang balikat.

" Eh, sa nakakainis ka! Habang alak ang iniinom ko ikaw tubig?"

Natawa na lang siya ng malakas sa kalokohan na ginawa niya.

" Hinamon mo ako ng inuman alam mo naman hindi ako malakas uminom. Besides, I did not take advantage of you that night, dahil matino ang isip ko. Kahit na gustong gusto kong angkinin ka dito ng gabing iyon."

" So hindi ka nag passed out ng gabing iyon?"

" Hindi, nagtulug tulugan ako. Habang nag de debate ang dalawang ulo ko. Aray, babe!"

Angal nito ng pitikin ko ang tenga niya.

" Nakakadami ka na Sib sa akin ha? Masyado mo yata ginagamit ang isa mong ulo ngayon?"

Umalingaw ngaw ang halakhak nito sa lawa, sanhi para lumipad ang ilang ibon na nasa paligid nila.

" Stop laughing! You're scaring the birds."

Sansala niya dito, pero pinanggigilan lang siyang halikan sa kanyang leeg.

" I love you, Ysa. Ang numero Unong masungit ng taon."

Natatawa pa din nitong sabi, hinawakan siya sa kamay at bumalik sa cabin house. Nakahanda na ang kanilang pagkain.

" So, pwede ka na makipag inuman sa amin dude?"

Nakakaloko ang ngiti ni Adam na bungad kay, Sib.

" Dude, wag mo na ipaalala. Hindi pa nga gaano nakaka move on si Ysa."

Natatawa na sabi ni Sib, inalalayan siya nitong umupo. Pagkatapos kinunan siya ng pagkain.

" Mabuti na lang exact opposite kayo pagdating sa inuman."

Natatawa na sabi ni Ivanna.

" I can't imagine na meron kayong wine factory and yet hindi naman maka inom ng alak ang magiging anak ninyo kung mag mana sa iyo Sib."

Dugtong nito habang nag sisimula na itong kumain.

" What an irony, pero kung sino man ang magmana sa akin siya ang mag manage ng wine factory. Para hindi malugi ang kompanya."

Kumikislap ang mga mata nito sa napag usapan na future. At maging siya ay hindi maiwasan na ngumiti.

She didn't know Sib is a really loving person. Maalaga at maalalahanin. At higit sa lahat kayang sakyan ang mood swings niya, hindi siya pinapatulan nito. Matiyagang naghihintay sa kanya kapag me biyahe siya.

Unanswered PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon