Trece

1.9K 55 0
                                    

Nag alis ng bara sa lalamunan si Sib ng paglabas niya ng gate ng mansion ng Santillian makita na naghihintay na si Uno. Naka sandal ito sa gilid ng sasakyan habang pina paikot sa daliri ang susi ng sasakyan.

" Good morning, senyorito."

Malawak ang ngiti nito pag kakita sa kanya. Hindi niya mapigilan ang pag kunot ng noo.  Bakit kailangan merong kakaibang tibok ang puso niya para sa taong kaharap?

Siguro masyado siyang curious dito. Ang lakas ng dating nito kahit tipo naman wala itong abs.

Tinanguan lang niya ito at pumasok sa loob ng kotse na binuksan nito. Sa paglalapit nila,kahit ang amoy nito ay hindi amoy panlalaki.

" Where to Senyorito?"

" Sa private hanger ng Mondragon. At doon mo din ako sunduin pagbalik ko."

"Copy that Senyorito."

Sabi nito, sumulyap ito sa kanya at ngumiti. Napapikit na lang siya, hanggang marinig na naman ang pagkanta nito. Sumasabay sa kanta na nagmumula sa kilalang fm station.

" When you closed your eyes tell me what are you dreamin'. Everything I wanna know it all!"

Bigla siyang napa mulat kasi sa eksaherado nitong pagsambit sa lyrics ng kanta.

"I'd spent ten thousand hours , and ten thousand more.Oh if that what it's takes to learn that sweetheart of yours. And I'm never get there, but I'm gonna try. If it's ten thousand hours or the rest of my life. I'm gonna love you."

" Switch it off Uno."

Utos niya dito at muling pumikit dahil sa pagtaas ng kilay nito.

" Please!"

Madiin niyang sabi at pinatay naman nito ang radio.

" Sorry."

Mababang boses nitong sabi, na hindi niya pinansin. If it's not his voice nunca niya isipin na lalaki ito. Pero baka dahil sa korean nitong lahi kaya ganun.

Pagiisipan niya kung sisintahin niya ito. Magbabakasyon siya kasama ang mga kaibigan at doon pag iisipan niyang mabuti.

Hindi niya gusto ang nararamdaman para dito. Lagi siyang tinatraydor ng kanyang mata, ayaw niyang pati ang kanyang katinuan ay mawala. Sapat na ang kanyang sleeping hours na okupahin nito at hindi kapag gising siya tulad ngayon.

Nakarating sila sa kanilang destinasyon na walang salita sa kanilang dalawa. Ang laki niyang pasasalamat. Mabilis pa sa alas kwarto na umibis siya ng sasakyan. Pero sumunod din itong lumabas, at lumapit kay Ivanna na katabi ni Adam.

Hindi niya alam kung bakit isang senyas lang nito mabilis na sumama sa kanya si Ivanna. Naiwan tuloy sila ni Adam na parehong salubong ang kilay.

Hindi nila hiniwalayan ng tingin ang dalawa na nag uusap.

" Yong driver mo na ang dalang magsalita, bakit naging madaldal yata kay Ivanna?"

Tanong ni Adam sa kanya pero ang mata ay nasa dalawa.

" Iyon nga din ang iniisip ko kaya ako nakatingin. Kung hindi siya kumakanta madalas lang na lumalabas lang sa bibig niya. where to?Where here! Yes senyorito!"

Maliban na lang sa iilang pagkataon na nagtatalo sila, katulad sa halik na ginawa daw niya ng lasing siya.

Nanatili lang sila nakatayo dahil hinihintay nila si Terence. Si Shaun ay nagsabi na susunod na lang.

Nakalagay sa bulsa ng jacket na maong ang mga kamay nito habang nakikipag usap.

" Dude, tell me honestly. Now that we can't hear his voice. Mapapagkamalan mo ba siyang lalaki?"

Kumunot ang noo nito sa kanyang sinabi.

" Sib, kagabi pa iyang dilemma mo na iyan at pangungulit sa akin. Pero tama ka, mas gugustuhin ko na maging babae na lang si Uno kasi nag seselos ako!"

Wala na din sa sarili si Adam, lalo na nang makita ang pagtawa ni Ivanna habang nag uusap ang dalawa.

Hindi na siya nag taka ng lumapit ito sa dalawa at hawakan sa kamay ang kanyang magandang housemaid na alam niya kung bakit isasama nito sa private resort nito para mag bakasyon.

Sumulyap pa si Uno sa kanya bago tuluyang umalis sa lugar na iyon.

The whole trip he is occupied with Uno at ang kakaibang kuryusidad niya dito. Hindi rin niya maisip  ang mga kakatwa niyang panaginip dito. Pumikit siya at muling inalala ang mukha nito sa kanyang panaginip.

 Pumikit siya at muling inalala ang mukha nito sa kanyang panaginip

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Sib, gising andito na tayo."

Pukaw sa kanya ni Terence. Napamura na lang siya sa isip dahil nakatulog na pala siya.

Siya ang pinakahuling bumaba sa sea plane na rent nila sa mga Mondragon airlines. Sumalubong sa kanya ang magandang tanawin at simoy dagat. Mas madami ang property nila na nasa farm o rancho at matataas na lugar dahil sa kanilang plantasyon ng ubas. Mas kilala siya bilang haciendero.

" You should bring your driver here para mawala na ang kuryusidad mo."

Tapik sa kanya ni Adam ng tumanaw siya sa magandang dalampasigan.

Well, andito siya para mag isip ng mabuti at libangin ang sarili. Walang patutunguhan ang kanyang walang kwentang kahibangan. Para tuloy gusto na niyang pakasalan ang itinakda sa kanyang babae ng mga magulang.

Pero tama ba na ganun ang gawin niya kung meron siyang alinlangan sa sarili? Shit! Hindi niya matanggap ang ganun, alam niya ang gusto niya. Nagulo lang ng dumating si Uno, ang numero unong nagpapa bwisit sa kanyang tahimik na mundo.

" Hey, handsome!"

Ginantihan niya ng ngiti, ang magandang babae na bisita din ni Adam. Ginugol niya ang sarili sa pakikisalamuha sa mga kaibigan. Ang pagsabay sa mga kalokohan nito.

Sayang lang at ang dali niya talaga malasing.

" What is your name again?"

Tanong niya sa dalaga na kanina pa nagpapakita sa kanya ng motibo.

" I'm Carina."

Malandi nitong sabi at humawak sa kanyang dibdib. Hinapit niya ito sa beywang na lalong nakapag palabas dito ng pilyang mga ngiti.

" Carina, are you in the mood for something?"

Tanong niya dito, hindi ito sumagot pero sapat na ang pag kiskis ng halos hubad nitong katawan sa kanyang mga braso.

" Let's do it while I'm still sober."

Yaya niya sa babae at dumaan sa tray kung saan merong nakalagay na mga condoms.

Pag sara pa lang ng kanyang silid na inukopa, nag hubad na ito sa kanyang harapan. And that moment napatunayan niya he is still lusting for opposite sex. Not his first time, but he will do it for different reason! Ang patunayan na lalaki siya.

Unanswered PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon