Cinco

2.1K 69 0
                                    

" Welcome to Soler  Farm."

Basa niya sa naka arkong sinage nang farm. Pagpasok niya sa kalsada,namangha  siya sa mga malaking puno na nakatanim sa gilid. Ilang minuto din ng marating niya ang kanilang distinasyon.

Napahanga siya sa kanyang nakita, isa iyong maganda at moderno na farm house. Natatanaw din niya ang plantasyon ng mga grapes.

Wala siyang isinatinig, baka isipin pa nito interisado siya ari arian nito.

" I can feel it, meron kang gustong sabihin."

Sabi nito ng makababa sila at papasok na sila ng farmhouse nito. Nakasunod lang siya dito.

" Senyorito, ang yaman ninyo talaga. Hindi ba kayo natatakot ma kidnap? I think you should need a bodyguard."

" What are you talking about? Hindi ba driver slash bodyguard kita?"

Tanong nito sa kanya na naka maang.

" Huh? Hindi ako na inform. Saka pang driver lang ang sahod ko, senyorito. Plus wala akong skills para maging bodyguard ninyo."

Kumunot ang noo nito sa sagot niya at seryoso siyang tiningnan.

" Well, humarang ka lang sa kidnapper magdadalawang isip ang mga iyon na saktan ka.They will not scratch your pretty face."

Tumungo siya kasi alam niya na namula ang pisngi niya, sa paraan nito ng pagtingin.

" Senyorito Ibarra."

Tawag pansin dito na ipinagpasalamat niya.

" Manang Magda, pasensya na hindi ako nakapag abiso na dadalaw ako ."

Baling nito sa lumapit na ginang na marahil lagpas singkwenta na ang edad.

" Akala ko nga sa harvest pa kayo pupunta dito. Bago ninyong kaibigan?"

Tanong nito na nakatingin sa kanya.

" Bagong driver po ni Senyorito. Ako po si Uno manang."

Pagpapakilala niya at ikinaway dito ang kanyang mga palad.

Ngumiti naman ito ng matamis sa kanya.

" Ka pogi mo naman na bata ka."

" Medyo lang po manang, mas pogi si Senyorito ."

Sabi niya na ikinatawa ng matanda. Hindi niya masabayan ito sa pag tawa kasi mag iiba ang timbre ng boses niya.

Walang salita na umalis si Sib at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Nagkaroon naman ng pagkakataon na libutin niya ng tingin ang  loob ng bahay.

It's so classy, lahat ng kasangkapan ay mamahalin. Nakita niya na bukas ang pinto sa likod bahay kaya lumabas siya.

Isang malawak na garden iyon na ibat ibang klase ng bulaklak. Naupo siya sa garden chair kasi malapit na lumubog ang araw. It's solitude. Parang nakadama siya ng kapayapaan, kahit na nagsisimula na gumulo ang buhay niya dahil sa paglapit niya kay Simon Ibarra Soler.

Natigil sa pag daloy ang kanyang isip ng merong dumikit sa braso niya na malamig na lata. Umangat ang kanyang mga mata sa nakatayo na si Sib at inaabot sa kanya ang malamig na beer in can.

Unanswered PrayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon