CHAPTER 9
PAGOD NA ihiniga ni Tesa ang katawan sa inuukupa niyang kama sa maid's quarter. Katatapos lang niyang gawin ang nakatuka sa kaniya na gawaing-bahay. Kapagkuwan ay nagsalubong ang kilay niya ng may mahigaan siyang matigas na bagay na natatabunan ng kumot niya.
Tinatamad siyang bumangon. Sinampot niya ang kumot at ihinagis yon sa paanan ng kama.
Mas lalong lumalim ang gatla sa nuo niya ng makita kung ano ang matigas na bagay na nahigaan niya.
"Kanino 'to?" Nagtatakang tanong niya sa sarili saka pinulot ang isang mamahaling cellphone at sinuri 'yon. "Sino ba ang may-ari ng--"
The phone rang, startling her.
My baby calling...
What the heck?
Out of curiosity, she answered the call.
"H-hello?" May pag-aalangang sabi niya.
"Hey, baby," said a familiar baritone voice.
Hindi makapaniwalang napailing siya saka lihim na napangiti ng makilala ang nasa kabilang linya. "Ano na naman 'to, señorito?"
Hunt chuckled. "Miss me?"
Umirap siya sa hangin pero hindi naman mawala ang ngiti sa mga labi niya. "Ano nga 'to? Sa'yo ba ang cellphone na 'to?"
"Hmm-mm." He hummed. "Na-miss mo ba ako? Kasi ako, na-miss kita."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi baka mapunit ang mga labi niya sa lapad ng ngiti niya. "Wala akong oras na ma-miss ka, señorito. Ang dami ko kayang trabaho dito sa mansiyon. Saka kaaalis mo lang kaninang umaga patungong Maynila, na miss mo na kaagad ako? Binobola mo yata ako, e."
"Nope. I really do miss you," may diing sabi nito saka malakas na napabuntong-hinga. "And baby, please, stop calling me deñorito. Wala namang nakakarinig sa pinag-uusapan natin ngayon. Tayong dalawa lang. Puwede mo akong tawagin sa pangalang gusto mo."
Tumatalon-talon ang puso niya sa kilig. "Okay."
Malakas itong bumuntong-hininga. "Ayan ka na naman sa 'okay' mo. Say something other than okay--"
"Na miss din kita...baby."
Ilang segundong natahimik ang nasa kabilang linya. Kapagkuwan ay narinig niya ang ilang beses na paghinga ng malalim ni Hunt na para bang pinapakalma ang sarili. "Baby?"
That endearment was so overrated, but why did it soundso sweet coming from Hunt? "Hmm?"
"Huwag mo naman akong gulatin ng ganoon."
Nagsalubong ang kilay niya. "Ha?"
"Nothing." He took a deep breath. "Anyway, ingat ka riyan sa bahay ha? Kumain ka sa oras. Huwag ka ring lalabas para makipagkita sa ibang lalaki kasi magagalit ako."
Hindi mawala ang kinikilig na ngiti sa mga labi niya. "Opo. Hindi po."
"Good." He seemed satisfied with her answer. "Siya nga pala, sabi ng sales lady na nakausap ko, 'yan daw ang pinakamahal na cellphone ngayon kaya 'yan ang binili ko para sayo. Do you like it?"
"Masyadong mahal," aniya. "Sana hindi mo nalang ako binilhan—"
"Bakit?" May iritasyon sa boses nito. "Ayaw mo sa cellphone na bigay ko? Mas gusto mo 'yong sa kaniya?"
"Hindi sa ganoon," kaagad niyang depensa. "Kaya lang ang mahal nito."
Nawalan ng imik ang nasa kabilang linya. Nang magsalita ang binata pagkalipas ng ilang momentong katahimikan, napakalamig ng boses nito. "In short, ayaw mo sa cellphone na bigay ko. Okay. Whatever. Ibato mo nalang yan sa pader o kaya itapon mo."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 17: Hunt Baltazar
General FictionShe met him in the club. She liked him even before she met him. They got drunk, they dance to the rhythm of dirty music, talk some nonsense and then they end up in a hotel room. She happily gave him her precious virginity but when morning came... Sh...