CHAPTER 25

1.4M 32.5K 14.8K
                                        

CHAPTER 25

"I DON'T AGREE WITH this," wika ni Red na siyang sumalubong sa kanila ng makababa sila nila Gladz at Ruth sa chopper na lumapag sa helipad ng bahay ni Phoenix, ang fiancé nito. "Tess, women don't beg for love and—"

"I'm not begging for love, Red." Nakataas ang kilay na putol niya sa iba pang sasabihin ng kaibigan. "Nandito ako para malinawan, hindi para magmakaawa."

Napabuntong-hininga si Red. "But Tess, what if Hunt really did cheat on you? What then?"

Her heart tightened in pain. "I don't know." Tumikhim siya para mawala ang bara sa lalamunan niya. "We'll see."

Napailing-iling nalang si Red habang iginigiya sila pababa ng bahay mula sa rooftop. Nang nasa sala na sila, natigilan siya ng makita ang apat na guwapong kalalakihan.

Tess knew these men except the one with a headphones on.

Khairro Sanford. Beckett Ferrer. And Phoenix Martinez. Hindi niya alam ang pangalan ng lalaking naka-headphone pero pamilyar ang mukha nito sa kaniya.

Kaagad na tumayo ang apat ng makarating sila sa sala.

"Great, you're all here," ani Khairro. "Let's go."

Nagsalubong ang kilay niya. "What the hell?"

Si Beckett ang nagpaliwanag. "Hunt is our friend and we want to talk to him too."

"Yep," sabad ni Khairro. "At dahil dala naman namin ang mga sasakyan namin, let's carpool. One lady each."

Hindi sana siya sasang-ayon ng mauna nang mauna ng nagsalita si Beckett. "Gladz, come with me—"

"No," aansala ng lalaking naka headphone. "She's riding in my car."

Magkasalubong ang kilay na bumaling siya kay Gladz at sa lalaking wala nang suot na headphone. He was actually offering his hand to Gladz. What the hell was going on?

Pero tinaasan lang ng kilay ni Gladz ang lalaki. "No, thanks, Mr. Muller. I'd rather ride with Mr. Sanford—"

"Sige, pasakayin mo siya sa kotse mo," ani Mr. Muller kay Khairro habang patalim ng patalim ang titig nito. "I will kill you myself."

Khairro just grinned and pointed his hand at her. "Actually, Tess will be riding with me."

"No." kaagad niyang pag-ayaw. "I can commute."

"Stop it," viglang saway ni Phoenix na ikinatigil ng usapan nila. "Red is riding with me. Miss Valdeleo." Bumaling ito kay Gladz saka iminuwestra ang kamay kay Mr. Muller. "You're going with Pierce." Then he looked at Ruthy. "Ms. Pascua, ride with Beckett. And Ms. Tess, please, ride with Khairro. Kailangan na nating umalis para makarating tayo kaagad. And we have to go in separate ways."

"What do you mean?" She asked.

"Pierce and Ms. Valdeleon will be going to Hunt's farm. Beckett and Ms. Ruth, you go to Hunt's flower farm. Kaming apat naman sa bahay ni Hunt. Kapag nakita niyo si Hunt sa pinuntahan niyo, give us a call or a text to let us know," paliwanag ni Phoenix. "All clear?"

Tumango ang kalalakihan. Samantalang ang kababaehan naman ay tumaas lang ang kilay at naglakad palabas ng bahay.

Minutes later, Tess found herself inside Khairro's car.

Khairro was very chatty.

"So, what I'm saying is that, maybe, Hunt and Nancy get back together. Mas mabuti nang handa ka sa sakit na mararamdaman mo. Malay mo, maabutan natin sila sa maselang tagpo. Tiyak ba masasaktan ka kaya naman ihanda mo ang sarili mo."

POSSESSIVE 17: Hunt BaltazarMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon