CHAPTER 12
HINDI BUMABA si Hunt para mag-agahan. Nang puntahan ito ni Manang Flor para sabihing handa na ang agahan nito, sinabi nitong marami pa itong tatapusing trabaho. Nagtataka man, walang magawa si Tess. Ang ibang katulong wala din nagawa kung di sundin ang señorito. Iniligpit nila ang agahan nito saka nagkaniya-kaniyang trabaho.
Paglilinis sa hardin, pagdidilig ng mga halaman, pagpupunas ng mga picture frame at figurine sa divider, pagpupunas sa mga bintana, paglilinis sa kusina at pagba-vacuum sa second floor. Dati nakakapagod sa kaniya ang mga gawaing bahay na 'to, pero hindi na ngayon. Mukhang nasanay na siya.
Malakas siyang bumuntong-hinga. At akmang itutulak niya ang vacuum pabalik sa lalagyan niyon ng makasalubong niya si Hunt.
Nginitian niya ang binata. "Magandang umaga, señorito," bati niya rito.
Ilang segundo siya nitong tinitigan na para bang may binabasa ito sa mukha niya bago tumango at walang imik na nilampasan siya.
Nagsalubong ang kilay ni Tess. That was unlike Hunt. May problema ba ito?
Sinundan ng mga mata niya si Hunt hanggang sa mawala ito sa paningin niya.
May parte sa kaniya na hindi mapakali. Alam niyang may kakaiba kay Hunt. Pero kampante naman siyang sasabihin nito sa kaniya 'yon kung ano man 'yon.
Humugot siya ng malalim na hininga saka bumaba siya sa unang palapag. Nang makapasok siya sa hapag-kainan, kaagad niyang nakita si Hunt na sumisimsim ng kape pero halatang may malalim itong iniisip.
Hindi niya napigilan ang sarili, kaya naman hindi na siya nagulat ng matagpuan niya ang sarili na naglalakad palapit kay Hunt.
Nang tumigil siya sa tabi nito, sinalinan niya ito ng tubig sa baso saka mababa ang boses na nagtanong. "Okay ka lang ba?"
She saw him stilled before looking at her.
"Mukha ba akong hindi okay?" Balik tanong nito sa kaniya sa malamig na boses.
Napatitig siya sa mukha ng binata. "Galit ka ba?"
Ilang segundo itong tumitig sa mukha niya bago umiling. "Hindi ako galit." Kapagkuwan ay tumiim ang bagang nito. "Hindi pa."
Nagsalubong ang kilay niya kasabay ng kaba sa puso niya. "A-anong ibig mong sabihin?"
Humigpit ang hawak nito sa kutsara habang nakatitig pa rin sa kaniya. "I'm waiting for an answer. Either you'll give it to me or someone else's will."
Napalunok siya. "Hindi kita maintindihan, señorito--"
"Alam kong naiintindihan mo ako, Tessa." Gumalaw ang panga nito habang madilim ang mukha. "And I'm getting pissed every fucking second."
Parang sasabog ang dibdib niya sa kabang nararamdaman. "Señorito--"
"Tell me the truth, Tessa."
"Señorito, hindi kita maintindihan--"
"Go, then."
Napaawang ang labi niya sa binata. "Ha?"
"Go away," nakatiim-bagang nitong sabi. "Get away from me."
Pakiramdam ni Tessa ay parang sinasakal ang dibdib niya. She couldn't breath properly as she stared at Hunt's angry face. Pigil niya ang luhang gustong kumawala sa mga mata niya. Pinigilan niya iyon hanggang sa makakaya niya.
"O-okay..." Wala sa sariling humakbang siya palayo kay Hunt.
Hindi niya alam kung saan siya pupunta sa loob ng malaking mansiyon na 'yon. Natagpuan nalang niya ang sarili sa maid's quarter.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 17: Hunt Baltazar
General FictionShe met him in the club. She liked him even before she met him. They got drunk, they dance to the rhythm of dirty music, talk some nonsense and then they end up in a hotel room. She happily gave him her precious virginity but when morning came... Sh...