CHAPTER 6

1.9M 35.9K 8.5K
                                    

CHAPTER 6

SOMEONE'S grumpy. 'Yon kaagad ang pumasok sa isip ni Tess ng makita niya ang magkasalubong na kilay ni Hunt habang naglalakad ito palapit sa hapag-kainan.

Walang imik na inilapag niya ang kape sa mesa ng makaupo si Hunt.

"Magandang umaga, señorito," malambing niyang bati sa binata.

Pinukol siya nito ng masamang tingin. "Anong maganda sa umaga?" Tumalim ang mata nito na nakatitig sa kaniya. "Alam mo ba kung anong oras ako natulog kagabi sa kakahintay sayo--"

"Shhh!" Saway niya sa binata habang lumilinga-linga, baka may makarinig dito. "Señorito, huwag ka ngang ganiyan."

He puffed out an annoyed breath. "Anong huwag akong ganito? Hinintay kita kagabi--"

"Nakatulog ako, e." Kinagat niya ang pang-ibabang labi saka pinaamo ang mukha at nagmamakaawang tumitig sa binata. "Huwag ka nang magalit, please?"

Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatitig sa kaniya. At saka malakas na napabuntong-hininga at napailing. "Bakit hindi ko kayang magalit sayo ng matagal?" He clicked his tongue. "This is not good."

Malapad siyang ngumiti. "Hindi ka na galit?"

Sumimsim ito ng kape saka tumayo at namulsa. "Pakisabi kay Manang Flor na wala akong ganang kumain. Sige at marami pa akong gagawin." Uminom lang ito ng tubig saka umalis na nang hapag-kainan.

Napatitig siya sa papalayong bulto ni Hunt. Ano na naman ang nangyari sa lalaking 'yon? Kanina galit tapos bigla nalang umalis.

Napailing siya saka pinuntahan si Manang Flor sa kusina.

"Manang, wala daw ganang kumain si señorito," sabi niya sa mayordoma na naglilinis ng kusina. "Ayaw niyang kumain."

Malakas na napabuntong-hininga si Manang Flor saka iniwan ang paglilinis at naghugas ng kamay. "Mukhang maraming gagawin si señorito. Late na rin siguro siya natulog kagabi kasi maaga naman yon gumigising, pero late na siyang nagising ngayon. Hindi talaga yon kumakain kapag maraming trabaho at kapag busy." Bumaling ito sa kaniya. "Halika, tulungan mo akong magligpit ng agahan ni señorito. Maya-maya, magpapakuha yon ng agahan kapag nagutom."

Tumango siya saka sinundan si Manang Flor na nauna nang lumabas ng kusina.

Habang nililigpit nila ang agahang hindi naman ginalaw ng señorito ng bahay, nagtatanong ang isip niya kung galit pa rin ba sa kaniya si Hunt. Wala naman itong sinabi. Basta nalang na umalis.

Malakas siyang napabuntong-hininga saka bagsak ang balikat na pinagpatuloy ang ginagawa.

"Tessa," tawag ni Manang Flor sa atensiyon niya. "Pagkatapos natin dito, mag-vacuum ka sa second floor, ha?"

Tumango siya. "Oho."

Isinara niya ang pinto ng ref saka huminga ulit ng malalim bago kinuha ang vacuum at nagtungo sa second floor. Paakyat palang siya sa hagdan ng makasalubong niya si Hunt na nagsusuot ng coat at mukhang may pupuntahan.

"Tessa." Malakas ang boses nito at sigurado siyang narinig ng mga katulong na nasa sala at naglilinis. "Marami akong bibilhing gamit para sa farm. Samahan mo ako, kailangan ko ng katulong na magbubuhat ng mga pinamili ko." Walang emosyon ang boses nito saka nilampasan lang siya at patuloy na naglakad. "Hurry up, Tessa!" Sigaw nito ng hindi siya gumalaw. "Ayoko sa lahat ang pinaghihintay ako!"

Nagmamadali siyang iniwan ang vacuum na hawak saka malalaki ang hakbang na pumasok sa maid's quarter para magbihis.

Hindi na siya nakapagsuklay sa pagmamadali. Basta tinali nalang niya ang buhok niya. Simpleng denim jeans, black blouse at lumang flat shoes lang ang isinuot niya saka tumakbo palabas ng bahay.

POSSESSIVE 17: Hunt BaltazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon