CHAPTER 11

1.5M 32.8K 4.5K
                                    

CHAPTER 11

"I CAN'T BELIEVE this," mahinang sambit ni Red habang umiiling-iling matapos ang kuwento ni Tess. Naglalakad-lakad pa rin sila sa loob ng flower farm. "Does Faithy know? Alam ba 'to ng asawa niya? As far as I know, her husband is one of Hunt's friends."

Nagkibit-balikat siya saka huminga ng malalim. "This is not intentional, Red," paliwanag niya saka malungkot na ngumiti. "Hindi naman kami masasamang tao para maglaro sa damdamin ng iba. It just happened that way. He isn't part of the bet in the first place. Magpapanggap lang dapat akong katulong sa bahay niya. 'Yon lang. I have to last a month. But then things happened. I couldn't stop myself. I just like him so much, Red. Is that a bad thing?"

Pinisil ni Red ang kamay niya. "Hindi 'yon masama, Tess. Nakipaglaro rin naman ako noon, diba? So, I know that the game didn't include hurting people. Pero hindi pa rin tama na magsinungaling ka kay Hunt. He's a good man, Tess." Tinitigan siya nito sa mga mata. "Listen to me, keeping a secret from the one you love is suffocating. Trust me, I know. At habang may sekreto kang tinatago sa kaniya, hinding-hindi ka lubusang magiging masaya sa piling niya. If you really like Hunt so much, prove it. Tell him the truth."

Nanunubig ang matang umiling siya. "Natatakot ako, Red." Humigpit ang hawak niya sa kamay ng kaibigan. "Alam kong masasaktan ako kapag nagalit siya sakin at hindi ko kaya 'yon--"

"Kailangan mong kayanin." Hinawakan ni Red ang makabila niyang kamay saka pinakatitigan siya sa mga mata. "Tess, alam kong wala kang balak na masama kay Hunt. Hindi ikaw ang tipo ng tao na mananakit para lang sa isang laro kasi hindi tayo ganoon. Remember why we play 'bet'?"

Tumango siya. "For our charity. It's for a good cause."

"Right." Red smiled at her. "Ginagawa natin 'to kapag wala tayong magawa sa buhay natin. And one of the rules in our game is to never hurt a person while playing."

Nalaglag ang isang butil ng luha sa mga mata niya. "And that's what I'm doing now. I'm hurting, Hunt." sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha sa pisngi niya. "Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya ang totoo. I lied to him, Red. From my life to my education. Lahat ng alam niya tungkol sakin ay kasinungalingan. He doesn't even know my real name."

Tinuyo ni Red ang mga luha niya. "Pull yourself together, Tess. You have to decide before things gets out of hand."

Tumango siya saka tinuyo ang basang pisngi. "I'll tell him the day after tomorrow. Gusto ko pa siyang makasama ngayon at bukas. After that, I won't get greedy anymore. I will tell him the truth."

Red smiled and embraced her. "That's my Tess. Malay mo, hindi siya magalit sayo at maintindihan ka."

Tumango siya saka kumawala sa yakap ng kaibigan. "Akala ko alam mo ang detalye ng bago naming laro," aniya habang pinapakalma ang sarili. "Hindi ba nakuwento sayo nila Ruthy?"

"Naikuwento," ani Red saka tumingin sa mga bulaklak. "Pero hindi sinabing sa bahay ka ni Hunt magiging katulong." Bahagyan itong natawa. "I was actually kinda excited to see you work as a maid since I know that from birth you have a golden spoon in your mouth."

Inirapan niya ito. "Nakakapagod kaya. Lalo na nuong una. Alam mo bang marami akong nabasag na pinggan sa bahay ni Hunt?"

Malakas na natawa si Red. "Let me guess. Pinahugas ka?"

Tumango siya saka nailing. "It was disastrous, Red. I'm telling you. It was a horrible experience. Tapos ako naglilinis ng hardin. Nagpupunas din ako ng divider at mga bintana. And damn it, I even mop the floor!"

Panay lang ang tawa ni Red sa kuwento niya saka napailing-iling ito. "I better return you to Hunt. Baka hinahanap ka na no'n."

Nawala ang ngiti sa mukha niya. "Okay."

POSSESSIVE 17: Hunt BaltazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon