CHAPTER 20

1.6M 31.3K 4.3K
                                    

CHAPTER 20

NANG HULING nandito si Tess sa bahay ni Hunt, katulong siya nito. Pero ngayon, hindi niya alam kung anong itatawag niya sa sarili. Nang pumasok siya sa mansiyon ng binata, kaagad siyang tinitigan ng mga katulong do'n. Lalong-lalo na si Wilma at Delia na nasa sala. May pagtataka, panghuhusga, panunuya at katanungan sa mata ng mga ito.

She wasn't a boastful person. Ayaw niyang nangmamaliit ng tao dahil lang sa katayuan niya sa buhay. She treated her maids with concern and respect. Pero itong dalawang katulong yata ni Hunter ang hindi niya maituturing na ganoon.

"Hunter," mahina niyang sambit sa pangalan ng binata saka pinigilan ito sa braso.

Kaagad naman itong bumaling sa kaniya, nagtatanung ang mga mata. "Yes, baby?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "This is awkward." Pasimple niyang tinapunan ng tingin si Sally na nagtatanung ang matang nakatingin sa kaniya. "Nuong nandito ako, katulong mo ako. Tapos ngayon..."

Ilang momento siyang pinagmasdan ni Hunt bago siya nito niyakap ng mahigpit at hinalikan sa mga labi.

If she was shock by his sudden kiss, she was sure as hell that the maids were too.

Nang pakawalan nito ang mga labi niya, masuyo nitong sinapo ang mukha niya saka nginitian siya. "Don't feel awkward. Mula ngayon dito ka na titira."

Doon tumaas ang kilay niya. "A-ano?"

"Dito ka na titira sa bahay ko," ulit nito na mas lalong kinagulo ng isip niya. Ano ba ang binabalak nito sa kaniya?

"Ha? Pero may trabaho ako sa Manila—"

"Ayaw mo akong makasama?"

Napatitig siya kay Hunter. "No, it's not that," umiiling niyang sabi. "But my life is in Manila and I can't stay here."

Nawala ang masayang kislap sa mga mata ni Hunt. "Oh. Is that so?"

Tumango siya saka tipid itong nginitian. "I can only stay for a week. Tops. Marami pa akong gagawin. And dad is coming home soon from Europe. I have to be in the house before he arrives."

Napatango-tango si Hunter pero alam niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. She could tell by the emotion in his eyes. But, he didn't say anything. He just nodded at her and she knew that something was up with him.

"Hunter..." Pinisil niya ang kamay nito. "What's wrong?"

Umiling nito. "Nothing."

"Hunter..." Binigyan diin niya ang pagtawag sa pangalan nito. "Ano nga 'yon? Ayaw mo ba akong bumalik sa Manila? You know I can't stay here."

"I know." Bahagyang bumagsak ang balikat nito. "I know that."

Napabuntong-hininga siya. "Hunter..."

He gave her a small smile. "That's okay. Mag-iisip nalang ako ng ibang paraan para makasama ka."

Sumikdo ang puso niya. "Anong paraan naman 'yon?"

"Kahit ano. Basta makasama kita," anito saka masuyo siyang hinila at iginiya ng binata patungo sa second floor, sa kuwarto nito.

Nararamdaman niya ang mga mata ng ibang mga katulong sa kaniya. Halata ang gulat sa mga 'yon. Sino ba naman ang hindi magugulat? Nuong nandito siya, katulong din siya. Tapos ngayon biglang nag-iba? She could imagine what must be in their minds as she and Hunter passed them by.

Nang makapasok siya sa kuwarto nito, umupo siya sa gilid ng kama nito.

Tiningala niya ang binata na nakatayo sa harapan niya. "So, what now?"

POSSESSIVE 17: Hunt BaltazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon