CHAPTER 15
HINDI ALAM ni Tessa ang isasagot habang nakatitig siya kay Hunt. Panay ang kurap niya habang pilit na pinapagana ang utak para masagot ang tanong nito.
Napakadali ng tanong nito pero bakit nahihirapan siyang sagutin?
"Answer me, Tessmarie." Mas tumiim pa ang titig sa kaniya ni Hunt. "Are you?"
Nagbaba siya ng tingin dahil hindi niya kayang salubungin ang intensidad ng titig ni Hunt. "B-bakit mo natanong?"
"Just answer me, Tessmarie. Girlfriend ba kita?"
Ito ang gusto niyang marinig mula sa binata. Ito ang gusto niyang maalala nito. Pero ngayong nagtatanong ito, bakit hindi niya masabi ang totoo? Bakit natatakot siya, kinakabahan at nasasaktan?
"Tessmarie. Answer me." May diin ang bawat katagang binitiwan nito.
Huminga siya ng malalim saka ibinalik ang tingin sa binata na matiim pa ring nakatitig sa kaniya, parang binabasa nito ang nakatago sa likod ng walang emosyon niyang mukha.
"What's the use?" Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nagawa niyang magtanong dito sa malamig na boses kahit ang dibdib niya ay parang nakikipagkarera sa bilis ng tibok niyon. "Wala namang magbabago."
"Just answer my question, Tessmarie." Tumiim ang bagang nito. "Yon ang pinunta ko rito kaya sagutin mo ako."
Mapakla siyang tumawa, parang may kumurot sa puso niya. He really couldn't remember her. "Bakit? Sinabi ko bang pumunta ka rito at magtanong?"
Tumalim ang mga mata ni Hunter at nagdilim ang mukha nito. "You owe me, Tessmarie--"
"No, I don't." Matapang niyang sinalubong ang titig ng binata sa kaniya. Nag-uumpisa na siyang mairita. "You. Owe. Me." Tinuro niya ang sarili ng banggitin niya ang salitang 'me,' nanunumbat ang mga mata niya. "Sabi mo hindi mo makakalimutan. Sabi mo pa nga imposibleng makalimutan mo ako. But when morning came, you had forgotten all about me." Mapait siyang ngumiti. "Lumabas lang ako sandali sa hotel para maghanap ng café na malapit kasi gusto ko sana pagkagising mo, sabay tayong mag-aagahan. Pero nang bumalik ako sa hotel, you were already checking out and you just walked passed me like I'm no one. Now, tell me, Hunter." Tumingala siya sa kalangitan para pigilan ang pagdaloy ng luha niya saka ibinalik ang tingin sa binata. "Do I still owe you? Kasi para sakin, pareho lang tayo. Nagtiwala ako sayo ng gabing 'yon, pero kinalimutan mo ako. Pinagkatiwalaan mo rin ako ng magtrabaho ako sa mansiyon mo, pero nagsinungaling ako. See? We're messed up, Hunter. We're so messed up!"
"Bakit hindi mo pinaalala sakin?"
Hindi makapaniwalang napatitig siya sa binata saka mapaklang tumawa. "Really? Ipapaalala ko sayo? Hunter, alam mo ba ang kahihiyang naramdaman ko ng araw na 'yon? In my drunken state, I gave my self to someone who can't even remember me. I gave my virginity to someone I just met at a club and that guy happened to forget all about me the next morning."
"But, Tessmarie--"
"No, Hunter, you don't get--"
"Tessmarie, listen to me--"
"No! Ayoko nang makinig sayo! Akala mo bato ako at hindi nasasaktan?!" Bulyaw niya kay Hunt. Hindi na niya kayang pigilan ang pagsabog ng tinitimpi niyang galit at tampo. "Sa tingin mo ng hindi mo ako maalala, hindi ako nasaktan?" Dinuro niya ito. "Wala kang karapatang sumbatan ako kasi kung nasaktan kita, nasaktan mo rin naman ako."
"Tessmarie--"
"Shut up!" Tinakpan niya ang tainga at galit na tumingin sa kaharap. "Shut up! Shut up! Shut up!" Bulyaw niya. "Tessmarie ka ng Tessmarie! Why? Can't you call me Tessa?"
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 17: Hunt Baltazar
Художественная прозаShe met him in the club. She liked him even before she met him. They got drunk, they dance to the rhythm of dirty music, talk some nonsense and then they end up in a hotel room. She happily gave him her precious virginity but when morning came... Sh...