CHAPTER 16

1.6M 34.8K 10.3K
                                    

CHAPTER 16

PASIMPLENG tinakpan ni Tess ang tainga niya dahil sa ingay ng kababaihan na nakatayo malapit sa stage ng Hell's Gate Club at nagtitilian. Bad For Women was literally bad for women. May naririnig pa siyang sumigaw na buntisin daw ito.

Napailing siya saka uminom nalang ng inorder niyang iced tea.

"Why are you not drinking?" Tanong ni Gladz ng padaskol na makaupo sa tabi niya.

"Ayaw niya yatang malasing." Si Ruth ang sumagot. "Remember what happened when she got drunk?"

"Gaga." Tinulak ni Gladz ang margarita nito palapit sa kaniya. "Huwag kang matakot. Kami naman ang kasama mo. Walang matulis samin."

Mahinang natawa si Ruth dahil sa huling sinabi ni Gladz na matulis saka napailing. "Pa-weirdo ka ng pa-weirdo," ani Ruth kay Gladz saka tumingin ito sa stage kung saan natatakpan pa rin iyon ng nagtitiliang kababaihan. "Sino ang drummer?"

Si Gladz ang sumagot. Ito naman ang nakipagsiksikan doon kanina. "Mr. Beckett freaking Furrer." Umirap sa hangin si Gladz. "Akala ko naman kung sinong guwapo na pagnanasaan ko, si balahibo lang pala."

Sabay silang natawa ni Ruth sa tinawag ni Gladz kay Beckett Furrer. Ewan ba niya dito sa kaibigan niya na inis na inis sa lalaki. Ang alam lang nila ay pareho ng pinasukang university ang dalawa, pero hindi nila alam kung gaano kalalim ang pinaghuhugutan ng inis nito. Hindi naman kasi nagkukuwento si Gladz tungkol kay Beckett kasi naiirita ito kaagad umpisa palang ng kuwento.

"Bwesit ang lalaking 'yon." Hindi pa rin tumitigil si Gladz sa pagsasalita ng masama laban kay Beckett. "Akala mo kung sinong guwapo, e pang-indigent naman ang kaguwapuhan niya."

Malakas na natawa si Ruth. "Ikaw talaga, Gladz, inaataki ka na naman sa pagiging laitira mo. Guwapo naman si Mr. Furrer, ah."

"Guwapo?" Hindi makapaniwalang napatitig si Gladz kay Ruthy. "Ang balahibong 'yon?"

Sumabad siya sa usapan. "Guwapo naman si Beckett, ah. Ikaw lang yata ang napapangitan sa kaniya. Palibhasa may lihim ka yatang pagnanasa sa kaniya."

Umingos si Gladz. "Isa lang siyang balahibo sa paningin ko."

Napailing nalang si Tess saka nakinig lang sa usapan ng dalawa tungkol kay Mr. Furrer hanggang sa nagpaalam si Ruth na mauunang umuwi sa kanila. May appointment pa raw kasi ito bukas.

"You're no fun," reklamo ni Gladz kay Ruth. "Sabunutan kita riyan, e."

"Next time, we will drink until we can't walk anymore," nakangiting sabi ni Ruth bago nagpaalam at umalis.

And then, it was just her and Gladz.

"Tama na 'yang juice mo," ani Gladz saka umorder ng isang boteng tequila sa waiter. "Inom tayo ng malakas ang tama. Buwesit ako ngayon dahil kay balahibo. Sinira niya ang gabi ko. Gago siya."

Napailing nalang si Tess at hinayaan lang si Gladz na gawin ang gusto nito. She looked really irritated.

Nang dumating ang order nitong alak, kaagad siya nitong sinalinan sa shot glass.

"Come on, Tess," pamimilit nito sa kaniyang uminom ng hindi siya gumalaw para uminom. "Damayan mo ako sa kabadtripan ko ngayon. Saka diba nandito tayo para mawala sa isip mo si Mr. Baltazar? I'm sure tequila without garnish can kill him in your mind. Trust me."

"Wala akong tiwala sayo," wika niya bago kinuha ang shot glass at ininum ang tequila na laman no'n.

Napangiwi siya ng malasahan ang mapait na lasa ng alak. Kaagad siyang sumimim ng iced tea para mawala ang pakiramdam na parang nasusunog ang lalamunan niya.

POSSESSIVE 17: Hunt BaltazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon