CHAPTER 18

1.7M 32.5K 7.1K
                                    

CHAPTER 18

BAHAGYANG napaigtad si Tess ng iyakap ni Lucifer ang braso nito sa beywang niya habang nagsasayaw silang dalawa sa malamyos na musika. She wanted to push Lucifer away, but she knew that it will make a scene. Ayaw niyang ganito siya kalapit sa binata, nararamdaman kasi niya ang matalim na titig ni Hunt sa kaniya na kanina pa madilim ang mukha.

They'd been arguing since this afternoon. Hindi niya magawa ang gusto nito na sumama rito kasi naka-oo na siya kay Lucifer. Kasalanan ba niyang bigla nalang itong nag-aya pagkatapos siyang ayain ni Luci?

"Relax, baby," bulong sa kaniya ni Lucifer. "Hindi ka naman mamamatay sa matalim na titig ng boyfriend mo."

Napabaling siya kay Luci dahil sa sinabi nito. "So, you're deliberately pissing him off?"

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Bakit ko naman gagawin 'yon?" Inosente ang ngiti nito pero may nasisiyahang kislap ang mga mata. "I'm innocent as a baby."

"Innocent, my ass." Inirapan niya ang binata. "Tigil-tigilan mo ako, Luci. Sumama lang ako sayo kasi una akong naka-oo sayo."

"This is why I like having you around." Lucifer was almost hugging her. "You always keep your word."

Tess was about to say something when a strong arm wrapped around her waist, pulling her away from Lucifer.

Napamulagat siya sa nangyari at napabaling sa gumawa no'n.

It was none other than Hunter!

"Ano bang ginagawa mo?" Nagtatakang tanong niya kay Hunt na madilim na madilim ang mukha.

He glared at her. "Stop pretending like you don't know."

Was he jealous again?

"Ako ang boyfriend mo pero iba naman ang kasayaw mo." Matalim ang titig nito sa kaniya at nanunumbat ang boses. "Sinong hindi magagalit, ha?"

Umirap siya sa hangin. "Hunt, nagsasayaw lang kami. Wala kaming ginagawang masama—"

"I'm jealous, damn it!" He hissed at her, making her heart beat faster than normal again. "Stop making me so darn jealous then I'll stop being mad."

Tumikhim si Lucifer dahilan para bumaling ang atensiyon nila ni Hunter dito.

"Fuck off," iritadong sabi ni Hunt kay Lucifer. "Kanina pa kita gustong patayin kaya huwag mo akong galitin pa lalo."

Walang epekto ang pananakot ni Hunt kay Lucifer dahil tumawa lang ang huli saka bigla nalang siyang hinalikan sa pisngi na ikinagulat niya.

"See you around, baby—"

Hindi pinatapos ni Hunt ang pagsasalita ni Lucifer. Mabilis na tumama ang kamao nito sa mukha ni Luci dahilan para bahagyang mapasubsob ang binata.

Tess gasped in shock. "Hunter!"

"If you repeat that stunt again, I will really kill you, Monasterio," Hunt said in a menacing voice before grabbing her hand and pulling her towards the exit door.

Tess was in dazed as Hunt pulled her towards the exit door. Lahat ng tao sa party ay nabaling ang atensiyon sa kanilang tatlo at ngayon ay sa kanilang dalawa naman. Ang mga mata ng mga ito ay puno ng katanugan ang iba naman ay puno ng panghuhusga at iritasyon.

Hunt just made a scene for crying out loud! Pero hindi naman niya magawang pagalitan ito lalo na't bakas pa sa mukha nito ang kinikimkim na galit para sa kaniya, kaya maman hinayaan niya lang ang binata na hilahin siya hanggang sa makasakay sila sa kotse nito.

Akala niya magagalit ito sa kaniya o pagtataasan siya ng boses pero binuhay nito ang makina ng sasakyan saka mabilis na pinaharurot iyon palayo sa Monasterio Skyscraper.

POSSESSIVE 17: Hunt BaltazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon