CHAPTER 26

1.4M 33.2K 8.4K
                                    

A/N: I just want to thank you all for reading Hunt Baltazar's story. It means so much to me. I dedicate this chapter to all my readers who never stops supporting me. THANK YOU SO MUCH, INOCENTES. I hope you enjoy reading Hunt as much as I enjoy writing his story. 

Stay Innocent  😉

CHAPTER 26

HUNT TOOK a deep breath before stepping inside his girlfriend's mansion. This was crazy. Sa tanang buhay niya, hindi pa siya kinabahan ng ganito. Ngayon palang. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag ipapakilala sa mga magulang? Nakakakaba na halos hindi na siya makahinga ng mabuti?

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. He could do this. For his baby, he could..

Yes, parents could be really scary in times like this but he meant no harm to Tessa. He loved her for goodness' sake! Wala siyang gagawing masama sa kasintahan.

"Hey, relax," natatawang sabi ni Tessa sa kaniya habang naka-angkla ang braso nito sa braso niya. "Hindi ka naman kakainin ng buhay ni dad. Gusto ka lang niyang makilala. That's it."

Tumango siya kahit ang totoo ay kinakabahan pa rin siya. "Paano kung hindi niya ako gusto para sayo? Anong gagawin natin?"

Tessa gave her a soft smile, making his heart beat faster than normal. "Ipaglalaban kita," wika nito na para bang napakadali lang ng gagawin nito. "Ngayon pa ba na mahal mo rin naman pala ako?"

Napatitig siya sa magandang mukha ng kasintahan. He was lost in her beautiful eyes for a second before he found the strength to speak again. "I'll fight for you too, baby. I love you. Always remember that, okay?"

Tumango-tango si Tessa saka iginiya siya patungo sa hagdanan. Habang umaakyat sila patungo sa ikalawang palapag, pilit niyang pinapakalma ang sarili.

I should have asked dad what it feels like when he meet mom's parents. Dapat nagtanung ako kung anong ginawa niya para magustuhan siya ng mga magulang ni mommy. God! This is hard! I can't believe I'm sweating and my palms are cold—

"Nandito na tayo," anunsiyo ni Tessa.

Natigilan siya at napakurap-kurap. His eyes focused on a double wooden door in front of him.

This is it, Hunt. Be a man and face your girlfriend's father.

Huminga siya ng malalim saka kumatok bago itinulak pabukas ang pinto. Parang nakalutang siya sa ere habang naglalakad palapit sa mesa na naroon kung saan nakaupo sa swivel chair ang isang lalaking may edad na at matiim itong nakatitig sa kaniya na para bang kakainin siya ng buhay.

Tessa's father was very intimidating. Just like Tessa when she wanted to intimidated someone.

Umalis sa tabi niya si Tessa saka lumapit ito sa amang nakatitig pa rin sa kaniya.

"Hi, Dad." Hinalikan nito ang ama sa pisngi saka ngumiti. "He's here. Tulad ng gusto mo."

Tumango ito habang ang mga mata ay nasa kaniya pa rin. "I would say sit and be comfortable but I would be lying if I say that to you."

Nanlaki ang mga mata ni Tessa. "Dad! I-respeto mo naman si Hunter," pakiusap ng dalaga sa ama nito. "Wala naman siyang ginagawang masama."

Tumaas ang isang kilay ng ama nito. "Bakit? Nirespeto niya ba ako ng patulugin ka niya sa bahay niya? At lalaki ako Tessa. Hindi mo mabibilog ang ulo ko." Tumalim ang mata nitong nakatitig sa kaniya. "Alam kong may nangyari na sa inyo ng lalaking 'to."

He gulped. Busted!

"Dad naman!" Tessa looked frustrated. "Please, dad, treat him well."

"Why would I?" Tanong ng ama nito sa malamig na boses.

POSSESSIVE 17: Hunt BaltazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon