CHAPTER 19
TESS woke up with with a pleasant feeling. Parang napakaaliwalas ng umaga niya at napagaan ng pakiramdam niya. She looked at the man beside her. Gumuhit ang masayang ngiti sa mga labi niya habang tinititigan ang guwapong mukha ng binata.
After what happened last night, she couldn't deny it anymore. Ayaw na niyang magtanga-tangahan, ayaw na niyang umaktong parang walang nararamdaman, 'yong parang walang alam at mas lalong ayaw na niyang pilitin ang sarili na magalit dito.
She wanted to be with him. Plain and simple. Bahala na kung anong mangyayari pagkatapos nito. At least she was happy with the man she loved.
Tess knew that like and love was very different from each other, and Hunt liked her. Not love. Pero kahit 'like' lang 'yon, sapat na yon sa kaniya. Kahit walang kasiguraduhan na mauuwi iyon sa 'love', ayos lang. Kailangan niyang makontento sa kayang ibigay sa kaniya ni Hunter. She couldn't ask for more. Baka talagang iwan na siya nito. Tess might pushed Hunt away but she was not really confident that she would be okay afterwards.
Tess softly sigh as she stared at Hunt's handsome face. She fell in love with this man. At sa lahat ng nangyari sa kanila, wala siyang pinagsisihan na nakilala niya ito. Kahit nasaktan siya at ulitin ang lahat mula umpisa, gugustuhin pa rin niyang makilala ang binata.
"Am I handsome, baby?"
Hindi na nagulat si Tess ng bigla nalang magsalita si Hunt.
Kinurot niya ito sa tagiliran na mahina nitong ikinatawa at ikinamulat ng mga mata nito. "Stop pretending that you're asleep," aniya. "Hindi mo ba alam na nakakagulat na bigla ka nalang nagsasalita habang tinititigan kita?"
Naglaro ang ngiti sa mga labi nito. "I can't help it. I like it when you're looking at me while I'm pretending to be asleep. Pakiramdam ko ang guwapo-guwapo ko."
Inirapan niya ang binata. "Ewan ko sayo, Hunter."
Nginitian lang siya ng binata saka bigla nalang syang hinalikan sa mga labi. "Good morning, by the way, baby."
Tess couldn't help but smile. "Good morning din."
Bahagyang bumangon si Hunt. Kapagkuwan ay dahan-dahan siyang kinubabawan na mahina niyang ikinatawa.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Nangingiting tanong niya sa binata.
Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi nito. "Ano sa tingin mo?"
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Hunter!"
He kissed her shoulder before looking up at her. "What?"
Inirapan niya ito. "Don't do that—" Nahigit ni Tess ang hininga ng pupugin siya ng halik sa leeg at sa dibdib ni Hunter. "Hunter! Ano ba!"
Tumawa lang ang binata saka ang mga labi naman niya ang hinalikan nito. Walang nagawa si Tess kundi ang tugunin ang halik nito lalo na't yon naman ang gusto niya.
Nang maghiwalay ang mga labi nila, ibinaon ni Hunt ang mukha sa balikat niya saka niyakap siya ng mahigpit. "I want to stay like this. Yong hindi tayo nag-aaway."
Napangiti siya sa sinabi nito. "I like this, too."
Nag-angat ito ng tingin sa kaniya saka nagtatanong ang matang tinitigan siya. "Does that mean that you will never see Lucifer again?"
Kinunutan niya ng nuo ang binata. "Ano ba ang problema mo kay Lucifer?"
Kaagad na nagdilim ang mukha nito. "He called you baby." Tumiim ang bagang nito. "Dapat ako lang ang tumatawag sayo ng ganoon."
Naiiling na iniyakap niya ang mga braso sa leeg ng binata. "Hunter, Luci means no harm. At saka wala ka namang dapat ipagselos sa kaniya. He's just a friend of mine."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 17: Hunt Baltazar
General FictionShe met him in the club. She liked him even before she met him. They got drunk, they dance to the rhythm of dirty music, talk some nonsense and then they end up in a hotel room. She happily gave him her precious virginity but when morning came... Sh...