Chapter 1: Should know better

140 3 0
                                    

Samara's POV

"See that girl? Chicks...", tiningnan ko ang babaeng itinuro ni Michael. Tama sya maganda nga. Sinipsip ko ang natitirang shake at pinanuod ang barkada na itulak si Michael para pormahan ang babaeng nakaupo sa kabilang lamesa.

"Wag nga kayong atat. Tatayo na nga ako di ba?", nakangising sabi nya sa mga kasaming lalaki na sya namang ikinaingay ng grupo namin. Halos lahat ng tao sa coffee shop ay napapatingin sa direksyon namin dahil kami ang pinakamagulo pero ayos lang dahil pag aari naman ng magulang ng kaibigan naming si Carl ang coffee shop na ito at suking-suki na kami dito.

Pinagmasdan ko ang pakikipagkilala ng best friend kong si Michael o Micky kung tawagin ko, sa babaeng halatang kilig na kilig.

"Selos ka?", bulong ni Jessa, kabilang din sa grupo nmin. Tumingin lang ako sa kanya at alam kong blanko na naman ang mukha ko dahil palagi namang ganoon ako kapag ganito ang mga tanong at usapan.

"Bakit?", tanong ko rito.

"Wala ka ba talagang pakiramdam? Kung ako lang ikaw, baka sinugod ko na at sinabunutan yung babae"

Tumaas ang kilay ko at napaayos ng upo para harapin sya.

"Bakit? Gusto mo ba si Micky?"

"What?! No!"

"Ahhhh....", natawa ako ng umakto sya na parang kinikilabutan sa sinabi ko. Ibinaling kong muli ang tingin ko sa kanila.

"We're best friends since kids so... no. I am not jealous. I am just here to be his friend", sa gilid ng mata ko ay napansin ko ang bahagyang pag angat ng mata ni Josh mula sa kanyang binabasa upang sulyapan ako. Gaya ko, isa pa rin sya na bihirang magsalita at makisawsaw sa usapan. Nakakatkot syang tingnan dahil palagi syang mukhang seryoso pero sa totoo lang, misinterpreted sya ng mga tao. At sa aming barkada, sya ang pinaka observant. He's a good reader, too-- of books and especially people.

"Sus! Hindi ka nga nagseselos pero yan namang best friend mo pagdating sayo seloso. Daig pa ang boyfriend", sabay irap nya.

"Protective lang sya. I'm like a sister to him", biglang parang may kung anong kumurot sa puso ko nung sabihin ko yun. Teka, Sam, di ba wala na?

"Uh-huh... sabi mo eh"

Magsasalita pa sana ako pero naramdaman ko ang isang braso na bigla na lamang pumatong sa balikat ko. Bumungad saken ang mukha ni Micky ng lumingon ako kung sino 'yon.

"What?", natatawa nyang tanong saken.

"I thought you're...."

"No. Kinuha ko lang ang number nya kasi natalo ako sa dare. Ibinigay ko na kay Paulo"

"But you're flirting with her"

"And... that's that. Jealous?"

Pabagsak kong ibinaba ang chocolate shake sa mesa.

"Di ba sinabi ko na sayo na wag kang pafall ng mga babae. Isipin mo na lang kung saken mo yan ginawa, okay lang ba sayo na masaktan ako?", walang gana kong sabi sa kanya.

"Of course not. Mahal kita eh", sabay lapit ng mukha nya saken.

Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko pero hindi ko pinahalata sa kanya at itinulak ko ang mukha nya palayo saken.

"Stop flirting with me"

"I'm not flirting", he smirked widely.

"Sige itanggi mo pa"

"It depends, okay?"

"Saan?"

"Is it working?"

Pinanliitan ko sya ng mata. "No."

"Then it's not flirting", he looked away.

"You should know better Micky", banta ko sa kanya kahit na ang totoo, ayokong itigil nya ang pagiging ganito nya saken. He looked at me and smiled bitterly.

"I know I should know better", he stood up and walked away. I could hear our friends laughing at some silly joke Paulo said but I just couldn't take my eyes off of him. Kung matapang lang kasi ako para tanungin sya o para pasimpleng isingit sa mga usapan namin ang mga bagay na gusto ko talagang sabihin. Pero ewan ko ba kung bakit kapag kaharap ko na sya at nakatingin na ako sa mga mata nyang hindi ko mabasa ng maayos, natatakot ako.

Naduduwag ako.

I saw how my sister fell for her bestfriend, Kuya Lance, and it ended bad. It ended their friendship na hindi aakalain ng sinuman na mauuwi sa hindi pansinan na para bang hindi sila magkakilala. Alam kong masyadong pangkaraniwan ang pinaghuhugutan ko pero hindi kasi ganung kadaling sabihin.

Ayokong mawala sya saken. Kaya kahit masakit, gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na kontento na ako na ganito kaming dalawa. Pero masakit talaga.

At isa pa kilala syang playboy. Yes, the typical playboy at katulad ng ibang lalaki, mahilig siya sa magaganda, sexy at pang beauty queen na babae. Yun tipo bang maipagmamayabang sa kahit kanino.

At hindi ako yun.

Napalingon ako kay Josh ng makita kong umupo sya kung saan nandoon kanina si Micky. Kung sasabihin ko ito kay Josh siguradong kokontrahin na naman nya ang mga insecurities ko.

Minsan nga naiisip ko na mas close ko pa si Josh kesa kay Micky. Simula ng maging busy kasi kami pareho ng bestfriend ko sa Major subjects namin sa school, halos hindi na kami nakakapag usap ng maayos at hindi ko kung bakit pakiramdam ko ay bigla syang nagbago.

Napapadalas na rin ang pag aaway-bati naming dalawa.

At sa mga panahong yun, ang tahimik na si Joshua Endrade ang palagi kong pinagsasabihan ng lahat-lahat ng inis, lungkot, galit, saya at kung anu-ano pang tungkol sa mga nangyayari. Nagiguilty din naman ako kasi parang pinagtataksilan ko na si Micky pero alam mo yung pakiramdam na parang balewala naman sa kanya kung nandito pa rin ako o wala na. Ewan. Nahihirapan ako.

At yung pagiging protective nya at sweet saken ay kapag lang wala syang ibang target.

"May klase na tayo", huminga ako ng malalim bago sumunod kay Josh palabas ng coffee shop. palingon-lingon ako dahil gusto ko pa sanang magpaalam kay Micky.

"Don't look for him. He's with a girl. Masasaktan ka na naman", naramdaman ko ang paghigit nya sa braso ko. Napakagat-labi na lang ako sa sinabi nya. At totoo nga, nandoon sya sa parking lot, may kausap na babae. Maganda, sexy at pang beauty queen.

Everything I am not.

"I said don't look. Ang tigas ng ulo mo", at bago pa pumatak ang luha ko, naamoy ko na ang pamilyar na pabango ng lalaking palaging nagpapahiram sa akin ng kanyang dibdib para maiyakan ko.

At katulad ng dati, hindi sya nagsalita. Hinayaan nya lang akong umiyak at maramdaman ang pamilyar na sakit ng mahalin ang isang Vir Michael Alvarez.

Ang sakit ng pagiging best friend ng isang Micky.

'He should know better, my ass! I should know better'

******************************************************

Team Josh?

Team Micky?

Alam ko na magulo itong chapter pero hello naman, hindi ko pwedeng ibunyag na agad ang lahat dito sa first chapter. like kung bakit magbestfriend sila and all pero ganito ang relationship nila ngayon. basta, darating din tayo dyan. :)


When He Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon