Chapter 10: Micky and Sam

29 1 3
                                    

"Good morning", bati ni Micky. Ang aga nya akong sinundo sa bahay. Bumalik na naman sa akin ang nangyari kagabi. Malayong malayo ang mood nya ngayon kaysa kagabi. He looked radiant. He looked relieved. Like a big burden on him was already lifted. Kagabi pinagtapat nya sa akin ang nararamdaman nya.

"Good morning", bati ko sa kanya.

Uminit ang pisngi ko ng maalala ko yun.

I love you, Sam.

Nakakakilig. Pagkaalis nya last night, saka lang nag sink in sa akin ang kilig at hanggang ngayon, ramdam ko pa rin. I felt giddy and excited to see him. Kung maaga syang pumunta dito sa bahay para sunduin ako, mas maaga syang nagtext sa akin ng good morning.

Dati kapag nagtetext sya sa akin ng ganun, parang ang sakit kasi umaasa akong sana totoo na ako yung una nyang iniisip sa umaga pero ngayon, ramdam na ramdam ko na gusto nya talagang patunayan ang mag sinabi nya last night.

Flash back:

"Say something", nakiliti ako ng bahagya sa buga ng hininga nya sa tenga ko. Wala akong masabi. Hindi ako makakibo, makapagsalita pa kaya. It felt like I lost my senses. Ito pala ang pakiramdam na mahalin din ng taong mahal mo. Masyadong masaya that it render me speechless and frozen.

"Sam", he pulled back to look at my face. Hinabol ng mga mata nya ang mga mata ko dahil iniiiwas ko. Nahihiya ako pero sobrang saya ko at the same time. "Hey. Tinatakot mo ako. Kinakabahan ako sa ginagawa mo. Fuck!"

Finally, I managed to bring myself to look at him pero para akong matutunaw. Pero gusto ko syang yakapin ulit. Ano ba'ng gagawin ko? Hindi na yata gumagana ang utak ko sa ginawa at sinabi nya.

Then, he smiled brightly. That hopeful smile.

Then it turned into something close to... sadness.

Para syang nabibigo. I panicked.

"Iloveyoutoo", I said too quickly. Ang rupok rupok ko!

Kumunot ang noo nya. Hindi nya naintindihan. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa hiya. Hindi ko na kayang ulitin. Ako naman ang tumungo para itago ang mukha kong siguro pulang-pula na sa hiya.

"What did you say?", pinipilit nyang iangat ang mukha ko pero pinipigilan ko sya.

"Wala", I denied.

"Ano nga?", natatawa sya at lalo akong nahiya.

"Wala nga"

"C'mon, baby", bigla akong napaangat ng tingin sa sinabi nya, nanlalaki ang mga mata.

"A-Ano?", kanina pa ako nabibingi sa mga sinasabi nya. If his face was sad earlier, now, it was an image of happiness.

"I said 'baby'. So...Ano muna'ng sinabi mo", tudyo nya.

"I said na...."

"Na..."

He's teasing me.

"Ma—"

"Ma..."

"Mahal din kita", niyakap nya ulit ako pagkatapos kong sabihin yun. This time, yumakap ako ng mahigpit pabalik sa kanya.

"Thank you. Thank you. Thank you", he uttered happily.

"Bakit ka nagte-thank you?"

"I'm so happy", his voice cracked. He's crying again and it amazes me how could I make this man shed tears.

"I love you, Sam"

After the happiness I've felt, fear started to consume me. isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya. Maybe he felt my hesitation, "What's wrong?"

When He Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon