Chapter 3: Akin ka na lang

28 0 0
                                    

Sam's POV

"Absent si Micky?", I heard Eula asked from behind me. I just shrugged to tell her I didn't know, but deep inside, I was also wondering. I want to ask his cousin Geoff pero hindi ko rin sya mahagilap kanina pa.

All I knew was that they were at some bar doing God knows what and with God knows whom and that was 3 o'clock in the morning.

"Hay naku, nakita sila nina Jessica sa bar kagabi, baka nanchicks na naman", my pen froze on my paper upon hearing those words.

Hindi na ako nasanay, syempre, ano pa nga ba ang aasahan sa kanila lalo na kay Micky.

"Okay, class...", I tried to put out unwanted thoughts in my mind during classes. We were busy writing down our essay for Philosophy when...

"Mr. Alvarez, I'm so happy that you had the guts to enter my class when you're an hour late", everyone seemed to stop what they were doing to look at the new comer.

Micky. With this ragged and dishevelled look. His eyes were blood shot.

"I'm sorry, Miss. Don't get angry, you'll look less pretty if you do", he managed to make everyone giggle.

"Masyado ka pa rin bolero at pafall, Mr. Alvarez. Go to your seat and be done with the seatwork in 20 minutes"

"Right on, Miss!", sumaludo pa sya na malawak ang ngiti bago naglakad patungo sa kanyang upuan, sa likod ko. Sinundan ko sya ng tingin at ng nagtama ang aming mga mata, unti-unti, nawala ang ngiti sa kanyang mukha. He looked away and without any word, walked stratight to his place and sat down. Narinig ko ang pag galaw ng kanyang upuan at ang pagbagsak ng kanyang bag sa sahig.

Nilingon ko sya at nakitang nakaub-ob na sya sa lamesa.

"Bakit ka late?", tanong ko. Bahagya nyang iniangat ang kanyang ulo para tingnan ako, his eyes were too serious, bigla akong kinabahan.

"Hang over", he said in a low voice pagkatapos ay bumalik na sa pwesto nya kanina.

"San ba kasi kayo galing?"

"Sa bar", walang gana nyang sagot ulit.

Sino'ng kasama nyo ni Geoff?", bulong ko.

Matagal bago sya ulit nagsalita. Mga isang minuto siguro, hula ko nga nakatulog na sya. Sumimangot ako dahil nakaramdam ako ng bahagyang pagkainis sa kanya.

Nang pumihit na ako ulit sa harapan, narinig kong sinabi nya na, "Mga babae", at hindi ko alam pero nasaktan talaga ako nun. Gusto kong maiyak at hindi ko alam kung dahil ba nambabae na naman sya o dahil ba pakiramdam ko, ayaw nya akong kausap at wala syang ganang magsalita saken.

Tiniis ko ang natitirang minute sa klase na tensyonado ako dahil nasa likod ko sya. I knew that there was a gap between us pero hindi ko alam kung saan nanggagaling. Pagkatapos ng klase, iniligpit ko lahat ng gamit ko at nagmamadaling lumabas pero nakasalubong ko si Josh. May hawak na naman syang libro at walang pakialam sa paligid. Ngumit ako at lhumakbang patungo sa kanya, pero bago ko pa marating ang kinaroroonan nya, may kung sino na sumagi sa balikat ko, medyo masakit at napaaray ako. Halos mahulog ang mga bitbit kong libro, buti na lang nahawakan ko sila ng maayos.

"Sorry", nakita ko si Micky. Sya yung bumunggo sa akin. Nanlaki nag mga mata ko ng makita ko syang nakatayo sa tabi ko and his eyes looked angry, even his voice when he apologied didn't sound apologetic.

"Ayo slang", wala sa sariling sambit ko.

Ilang Segundo kaming nagkatitigan bago sya naglakad ng mabilis palayo, sunod na naman ang mga mata ko sa kanya.

Bakit parang nakaramdam ako ng guilt? Sa'n naman ako dapat maguilty? And why did my heart feel happy and sad at the same time when we stared at each other?

With those feelings, nagpatuloy ako sa paglapit kay Josh na medyo malaki na ang agwat sa kinaroroonan ko, hindi ko na tuloy alam kung hahabulin ko pa ba sya. Pakiramdam ko kasi, may mali. Sa huli, nagdesisyon akong pumunta na lang sa library para makalma ang sarili ko. At least don, tahimik at wala masyadong tao.

****************************************

Micky's POV

"Bad mood ka ata?", si Carl. Nandito kami ngayon sa cafeteria ng school, umiinom ng kape at kumakain ng kung ano-ano.

"Hindi. Masakit lang ang ulo ko", kahit ang totoo nabubwisit talaga ako kasi nasa table naming si Josh. Hindi naman ako noon apektado kapag kasama ko sya pero ngayon, makita ko lang sya kahit sa malayo, nasisira na yung araw ko.

"Hindi nga? Mukha ka kayang mangangain ng tao. Binunggo mo pa si Sam kanina paglabas mo sa classroom. Problema mo?", inosente nyang tanong muli. Mas lalo akong nairita, nahagip ng mga mata ko ang bahagyang napansin ang pag-angat ng tingin ni Josh mula sa kanyang binabasa na para bang mas interesante ang pangalan ni Sam kaysa sa hawak nya.

"Hindi ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako. Masakit nga sabi ang ulo ko"

"Weh? Eh bakit ang tagal mong nakatigil sa pader after mong lumiko ng building?"

Pwede bang busalan ko tong lalaking to?

"Masakit nga ulo ko, at mas lalong sumasakit kasi ang daldal mo!", binatukan ko si Carl at sa totoo lang, gustong gusto ko nang sakalin and bwisit na lalaking to.

Sinadya ko talaga ang pagbunggo kay Sam kanina. Nakakainis kasi yung ngiti nya habang nakatingin at papalapit kay Josh. Tapos kaninang umaga kung makapagtanong sya, parang galit pa, parang wala syang pakialam saken.

"Nasa'n nga pala si Sam, Josh?", isa pa din tong si Jessa. Palagi na lang pagsamahin ang pangalan nung dalawa.

"Hindi ko alam. Maybe on the library"sagot naman ng isa. Nag make face ako. Akala mo kasi alam na alam nya kung nasaan si Sam.

Naiinis talaga ako!

"Oh? San ka pupunta?", hindi ko pinansin si Carl, lumabas ako ng cafeteria at nagbakasakaling nasa library nga si Sam. Sobrang tahimik sa loob ng makarating ako at halos walang tao.

Sinigurado kong walang tunog ang yabag ko at dahan-dahang nilandas ang bawat shelf. Sa dulong lamesa, nakita ko ang bulto ng isang babae.

Si Sam.

Nandito nga sya.

She was breathing evenly. She was sleeping and fuck! She was so beautiful.

Tangina! Lalo akong naiinlove sa kanya kahit wala syang ginagawa. Naupo ako sa harapan nya at ipinatong ang ulo ko paharap sa kanya.

"Mahal kita, Sam", bulong ko habang pinagmamasdan ang kanyang mukha.

Ang bigat ng pakiramdam ko, nasasaktan ako pero tangina lang talaga, mahal na mahal ko'to.

"Akin ka na lang, Sam...", pakiusap ko sabay dampi ng halik sa kanyang noo.

When He Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon