Back to the present
After the confession, I didn't really know what to think. Ni wala akong nasabi kay Josh, ngumiti lang sya sa akin at pinakawalan mula sa mahigpit nyang pagkakayakap. Pigil na pigil kong umiyak sa harap nya. Gulong-gulo ako.
"See you, tomorrow", Josh said when we arrived at my house. Puno ng ilaw ang kabahayan at siguradong gising pa sina Manang Sena. Ang alam ko, may pinuntahang charity ball sina Mommy kaya paniguradong wala sila sa loob.
Tumango lang ako at sinilip sya bago lumabas sa kanyang sasakyan. Nakaguhit ang ngiti sa kanyang mga labi pero malungkot ang kanyang mga mata. Pinaharurot nya ang kanyang sasakyan pagkababa ko.
With a heavy sigh, I walked to our front door and went in. ang bigat bigat ng pakiramdam ko sa dami ng nangyari.
"Oh, andyan ka nap ala, anak", bati ni Manang Sela.
"Opo, 'Nay. Ano pong oras umalis sina Mommy?", tanong ko. Kumunot ang noo nya na tila napansin ang pagkaiba ng mood ko na 'di tulad ng mga araw kung paano ako umuuwi ng makulit at nakikipagbiruan.
"May problema ba?"
"Wala po. Sobrang dami lang po ng requirements at gawain kanina sa school", with a smile, I tried to convince her. Isa sa mga bagay na gusto ko kay Manang Sena ay hinahayaan nya muna ako at hindi nang uungkat kapag alam nyang hindi ko pa kailangan ng kausap.
"Mga ala-sais umalis ang Mommy at Daddy mo. Nakapagluto na ako ng hapunan. Magbihis ka na at bumaba na", dumiretso sya sa kusina para asikasuhin ang dinner. Kapag ganito na wala ang mga magulang ko at si kuya, sinasabayan ako ni Manang.
Tinungo ko ang silid, pangatlong kwarto pagkaakyat ng hagdanan.
Akala ko ay tapos na ang araw na 'to pero laking gulat ko ng makita ang isang bulto ng tao na nakaupo sa kama ko. My hand froze on the door handle.
The room was dark, my heart jumped out of my chest. Halos mabingi ako sa sariling tibok ng puso pero humupa rin ng mapagtanto ko kung sino 'yon.
Si Micky.
Sa dilim ng silid ay nakita ko kung paano sya nagmamadaling tumayo at niyakap ako ng mahigpit. Nabitawan ko ang bag ko at naestatwa. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Nandito sya! Balak ko syang hanapin at kahit si Josh ang kasama ko at kahit nagconfess sa akin si Josh, sya pa rin ang nasa isip ko. I know how unfair it was for Josh and for his feelings pero hindi ko magawang alisin ang pag aalala at pag-iisp kay Micky. Lalo na sa mga nangyari kanina. I know we're not that okay like before pero I knew how badly he needed me or at least umasa ako na ako ang kailangan nya ngayon.
"Micky...", pabulong kong banggit sa pangalan nya. Lalong humigpit ang yakap nya sakin na para ang ayaw nya akong mawala. Sa huli, ibinalik ko ang yakap nya. I inhaled his scent.
"I miss you", sabi nya at isniksik ag kanyang mukha sa leeg ko. His breath on my skin was warm but everything in him felt like home.
"I miss you, too", sagot ko. Ilang minute kaming nanatili sa ganong ayos hanggang sa ako na mismo ang tumulak sa kanya palayo para mapagmasdan ko sya. I missed his face.
Ramdam ko pag pag-ayaw nya sa ginawa ko pero inalis nya ang pagkakayakap sa akin. I looked at his face. He looked lonely and angry.
"What's wrong?", I asked him pero tumungo lang sya. I sighed deeply ang turned the lights on. Lumiwanag ang buong paligid at dun ko nakitang nakasuot pa rin sya ng school uniform pero may nakapatong ng gray hoodie.
"Sam", tawag nya.
"Hmm?"
"M-May sasabihin ako", I saw his face reflected how nervous he was. Hindi sya kabahin na tao pero ngauon nakikita ko kung paano sya hindi mapakali. I waited for him to continue as I examine him. He stayed silent and I knew he was gathering his wits.
I sighed again at hindi nakatiis na magtanong.
"What happened, Micky?", instead of answering me, he paced around the room and I watched him.
"Micky", I called him again and he stopped right in front of me. Nagulat ako ng hawakan nya ako sa magkabilang balikat at tiningnan ng diretso sa mata. There was something in his eyes. Emotions that swallowed me in.
"Hindi ko na kaya", bulong nya at muli syang yumuko. Sa tono nya, napagtanto ko na hindi para sa akina ng sinabi nya. It was more like he said it to himself na lalo akong naguluhan.
I was about to reach for his face when he caught my wrist and brought it to his own cheek.
"Hindi ko na kaya, Sam"
"Ang alin?"
"Hindi ko na talaga kaya", ulit nya. Bumilis ang tibok ng puso ko at nag-init ang pisngi ng dalhin nya sa knyang mga labi ang kamay ko. He planted a soft kiss on my palm.
"M-Micky", kinakabahan ako. He kissed it while looking at me with his deep eyes. I couldn't understand what was happening to him.
Please Micky, don't make me fall too hard. My inner thoughts said.
"I'm sorry, Sam", he said.
Kinabahan ako lalo. My body reacted on its own. Ayokong umasa. Hinigit ko ang kamay ko mula sa kanya pero hindi nya pinakawalan at mukhang wala syang balak pakawalan yun. Nabibingi ako sa tunog ula sa dibdib ko. Para akong mawawalan ng ulirat.
Ayokong umasa.
Humakbang ako palayo para makahinga dahil pakiramdam ko talaga hindi na ako makahinga. Wala naman akong hika pero kinakapos ako ng oxygen at hinahapo. Mukhang nairita sya sa ginawa ko kaya hinapit nya ako pabalik pagkatapos at narinig ko na lang ang mahinang pagsara ng pinto at ang pagclick ng lock. Naitulak nya ako ng mabilis roon pagkatapos nya akong hilahin palapit sa kanya. Ni hindi ko na masundan ang mga nangyayari dahil sa nararamdaman ko.
He was too close. Halos maduling ako sa lapit ng mukha nya sa akin. And there, I smelled alcholo from him.
"A-Are you drunk?"
Hindi sya kumurap. "No. Nakainom ako pero hindi ako lasing. Ayaw mo ng nalalasing ako di ba?", ang lambing ng boses nya. Nanghihina ang tuhod ko.
"Bakit ka uminom?", pati boses ko nanghihina.
"Para lumakas ang loob ko. Believe me, hindi ako lasing. Hindi ko na lang talaga kaya, Sam. Wag kang magalit. Hindi ako lasing promise. Kailangan ko lan talaga ng lakas ng loob"
"A-Ano yun?"
Huminga sya ng malalim. Namumungay ang mga mata.
"Ang bigat bigat na sa loob ko, Sam. Hindi ko na kayang pigilan. Sorry"
"Bakit ka nagsosorry?"
"Sam..." parang hirap na hirap sya. Nakita kong naluluha ang mga mata nya. Ngayon ko lang sya nakitang ganito.
When a man cries in front of you, he's sincere. My mom once told me.
And here, at this moment, Micky, the great Vir Michael Alvarez, is on the verge of crying in front of me.
"Sam", nanatili akong nakatingin sa kanya. Halos hindi na humihinga. Muli syang tumungo sandali at saka ako tiningnan.
Determination was now written on his face.
"I...", he bit his lower lip, para bang hinahanap ang tamang salita, "I..."
Naghintay ako.
"Mic-"
"I love you, Sam"
"W-What?!", gulantang na tanong ko. I thought I heard him wrong.
"Mahal kita, Sam. Tangina. Mahal na mahal kita", tumulo ang luha nya sa sinabi nya at I felt my heart would burst. And when I thought everything ends there, I was mistaken 'cause even before I could speak another word, I felt his lips on mine.
Micky kissed me.
I was too afraid to move thinking this was all but a dream.
Micky said he loves me.
He moved his lips away from me. Just inches away. Gahibla. Wala akong ibang maisip kundi ang halik nya.
"Tayong na lang, Sam. Tayo na lang", and he hugged me again...
**********************
saka na ulit ang flashback :)
BINABASA MO ANG
When He Was Mine
Fiksi RemajaAno nga ba talaga ang nangyayari kapag na-fall ka na sa bestfriend mo?